Little chitchat with him

4 1 0
                                    

KABANATA: 9

ADELAINE'S POV

It's been a week since I entered this school. And in that week, I've learned something.

Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria, kumakain ng lunch. Actually kakatapos naming maglibot. Today is friday and tomorrow is weekend, omgg.

"Alam mo Adelaine, matagal ka na naming kilala pero hindi pa namin alam kung anong powers mo." pagbabasag ni Nathan na sinang-ayunan naman ng iba.

"Ano kasi e.....wala akong power." mahinang ani ko at saka kumamot ng batok.

"You cannot enter this academy if you're not a Mahicarrian." Icen said codly.

"Baka late bloomer ka lang, hindi ka ba tinuruan ng parents mo?" tanong ni Theirine na ikinailing ko.

"They only taught me in using swords, dagger, kunai and anything that is sharp. And also they taught me in using my hands and feet or what we call the combat." sabi ko at saka sumubo.

"Well that's good, atleast mapoprotektahan mo ang sarili mo." ani ni kuya Isias, nginitian ko naman siya.

"What if igala natin si Adelaine sa Mystica town?" suggest ni Fylah na sinangayunan ng mga babae.

"Omg, I love that. Para naman makalibot ako." nakangiting ani ko while clapping my hands.

"Tsk, childish." malamig na sabi ng katabi ko, kaya napatingin ako rito at saka siya sinamaan ng tingin.

"Tsk, kj." panggagaya ko rito kaya humagikgik ang nga kasama namin, well except kay Icen, kj din 'yan e.

Tumingin naman ito ng masama sa'kin kaya inirapan ko siya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil may huling klase pa.

Pumasok naman na ako sa room at saka umupo.

Pumasok naman si Mr. Leo Plantea at saka itinuro kung paano gumamit ng mga matatalim na bagay. Siya kasi ang using sharp and combat subject namin.

Next week pa raw kami magsisimula sa paggamit ng mga sandata dahil ituturo niya muna kung paano gamitin.

Nang matapos ang klase ay dumaretso muna ako sa garden. Ayoko munang pumunta roon.

Napunta naman ako sa garden dito sa pagitan ng dorm ng girls at dorm ng royalties. Pinaggigitnaan kasi ng dorm ng boys and girls ang dorm ng royalties.

Humanap naman ako ng pwesto at sa may punong gitna ang nahanap kong pwesto.

Ang ganda rito, malapad ang sanga na pwede kang matulog.

Umupo ako at saka sumandal sa puno.

Kamusta na kaya sila mommy and daddy? Okay lang kaya sila? Miss na miss ko na sila. Hindi pa nila ako nabibisita simula noong hinatid nila ako rito. Sana nasa maayos silang kalagayan.

Kailan ko kaya matutuklasan ang kapangyarihang meron ako? Nagmumukha na akong loser dahil wala akong kapangyarihan.

Kamusta kaya ang mga tunay kong magulang? Hinahanap din kaya nila ako? Sabik na sabik na akong makita sila. Ano kayang itsura nila? Sino kaya ang kamukha ko? Yung nanay ko ba o yung tatay ko?

Nagtataka ako minsan sa nararamdaman ko kay kuya Isias, not affection or what ah. Lukso ng dugo kasi yung nararamdaman ko sakanya. I feel like matagal na kaming magkakilala. I feel like siya yung kapatid ko. Pero imposibleng mangyari iyon dahil una sa lahat hindi ako dugong bughaw, pangalawa dapat mabilis kong napalabas ang kapangyarihan ko at pangatlo baka kasi isa lang ang kapangyarihan na meron ako kaya imposibleng kapatid ko siya.

Mystical Academy: The Lost ChildWhere stories live. Discover now