Chapter 5-

3 0 0
                                    

"Hi Dad!" Bungad ni Camille sa Daddy niya at dali-daling sinarado ang pintu-an ng room.

"Where's Mom?"
Tanong niya habang iniikot ang paningin sa kwarto.

"Sinundo niya sa school yung mga kapatid mo."

"Oh, I see. So, how are you feeling, po?"

"Better. How about you? How's your first day of being Jake's manager?"

Nilapag ng dalaga ang kaniyang bag na dala dala at humiga sa couch.

"Hays! Mas mahirap pa yata to kesa sa  pag review ko for my PHD eh."

Umupo ito sa pagkakahiga at bumaling sa Dad niya.

"Ganyan ba talaga ugali niya, Dad? Pano ka nagtagal sa kaniya eh ang sungit-sungit niya." Pangusong sambit ng dalaga.

"Hindi naman, naninibago lang siguro sayo." May ngiting sabi ni Mike.

"Anong naninibago! Eh ayaw akong paiihin ng antipatikong yun sa banyo niya. Saan niya ko balak pagamitin ng CR eh hindi ko nga kabisado yung building except sa studio niya. Sumakit pa yung puson ko kakapigil."
Napa-buntong hininga nalang siya sa sobrang inis.

"Walang hiya talaga yon. Napaka-swapang, kala mo kung sino eh. Buti nalang dumating yung kaibigan niyang si Carl sinamahan akong maki-CR sa dressing room ng  girl group."

"Ikaw na muna mag-adjust sakanya. Medyo stressed lang siguro kase malapit na yung tour niya eh and hindi pa sort lahat. May pagka perfectionist din kase yan eh. Gusto niya lahat perfect at in place for all his performance." Pag-eexplain ng Dad niya.

"Eh bakit ako pag bubuntongan niya ng stress niya?" Naiinis na tugon ni Cam.

"Ako na humihingi ng tawad sa kanya. But please anak, bear with him." Sambit ni Dad na may konting pag mamakaawa sa boses.

At this point, wala talaga siyang choice. So, tumango nalang ito at ngumiti sa kanyang ama.

Pagkatapos dumalaw sa hospital ay dumiretso si Camille sa kanilang bahay.

Kumain lang ito nang hapunan at pagkatapos ay dumiretso na sa kanyang kwarto para magpahinga.

Kinaumagahan.

*PHONE RINGING

"Urgh! Sino ba yan ang aga-aga."

/HEY, MISS ORIANA! NASAN KANA? ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?! I HAVE A LOT OF SCHEDULES FOR TODAY TAPOS MAGPAPALATE KA DIYAN! GOSH! ANG AGA-AGA PINAPAINIT MO YUNG ULO KO. COME HERE, RIGHT NOW!/

"Ouch! Parang mabibingi naman yata ako sa sigaw niya." Sabi ng dalaga sa kaniyang sarili.

"Pero, shacks! May trabaho pala ako. Late nako! Baka mapatay pa ako nang lalaking yon." At dali-dali itong bumangon para mag-ayos papuntang studio.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hearts In TuneWhere stories live. Discover now