chapter seventeen

11 3 0
                                    

Chapter Seventeen,
     Seiji

   It was before pa ako tumira sa bahay ng mga Gomez noong maranasan ko ang pinakamalaking bangungot ng buhay ko nang hindi ako nananaginip. Biglang namilipit ang tiyan ko, kumulo ang aking kalamnan na parang malalabasan ng himala sa harap ng mga kaklase ko't 21st Century Lit teacher namin. To make things worse, nakasalang ako sa recitation


Lahat ng mata ay nasa akin. Tahimik ang lahat. Hinihintay ako ni ma'am sa susunod kong sasabihin dahil bigla na lang akong tumigil. Sa gilid ng aking mata, kitang-kitang kong humahagikgik ang dalawang kupal sa katangahan ko.


"Santiago? Are you still there?" Ma'am asked.


Pinagpapawisan ang gilid ng mukha ko habang namimilipit pa rin ang tiyan. Tangina, nagbabalak na siyang lumabas. Hindi pa nakatulong ang pagtaas ng mga balahibo ko kada-iihip nang malakas ang hangin sa electric fan ng room. 


Fuck shit.


Hindi ako makagalaw at makapagsalita. It's as if my basic senses and skills are taken away from me. Para akong monolith na tuwid na tuwid at gustong kainin ng lupa, putangina. Ang akala ko ay iyon na ang pinaka-nakakatakot na pangyayari sa buong buhay ko.


Until this. Mas malala ito kesa noon.


Ito ang isa sa mga sitwasyong hindi ko inaasahang mangyayari sa akin hanggang sa dulo ng hininga ko.


"G-Gusto ako ni Aina?" Hindi ko namamalayang nakatakim na pala ang ilang piraso ng aking daliri sa bunganga. I feel my ears heating.


Hindi ko alam ang sasabihin— ni hindi ko alam ang mararamdaman. Para lang akong na-estatwa sa posisyon at hindi makakilos sa narinig. A part of me wants to rejoice pero meron din namang gusto malaman kung bakit. 


Bakit? Paano? Seryoso ba siya—? Hindi, seryoso siya ngayon lang. Pero... totoo ba? Hindi kaya nadala lang siya sa kung anong nararamdaman niya ngayon? Papaano kung prank 'to? Imposible... hindi magseset ng prank si Aina kung saan makikitang umiiyak siya. 


Gusto kong kurutin ang sarili kung panaginip ba 'to. Tangina, gusto ko ngang sampalin ang sarili kasi dapat nagagalit ako sa kaniya ngayon sa pagtatago niya ng impormasyon tungkol kay mama.


But it is the opposite.


Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses niya sa aking tenga, dahilan kung bakit pakiramdam ko tuloy ay ang laki ng kasalanan ko kahit alam ko sa sariling ako ang tama. Naninikip at parang hinihila pababa ang dibdib ko. It feels wrong na umalis si Aina matapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon.


Bakit umalis siya? Bakit hindi niya pinakinggan ang magiging sagot ko?


I puffed at flat na humiga sa kama.


Paano ni Aina papanindigan 'tong ginawa niya sa akin?


"Seiji. Ayos na ba lahat ng gamit mo?"


Nagising ako sa reyalidad nang may magsalita sa pinto. Mabilis akong bumangon. It's Tito Anod. Binasa ko ang nanunuyong labi. I tried to bring myself intact pero parang lumulutang na ang ulo ko. Natagpuan ko na lang ang sariling mabagal na tumango kay Tito.

You Tripped, I FallWhere stories live. Discover now