Chapter 5

35 2 0
                                    

NAPANGUSO ako. "Sabi mo, ayaw mo magpagamot ng sugat. Kaya binigyan kita niyan, sir. Tapos magpapatulong ka sa akin ngayon." Nagbibiro lang ako. Siyempre, sundalo ang taong ito. And he's still intimidating as my strict teacher back in my kindergarten days. Ganoon iyong takot.

Inilapit niya ang first aid kit. "My sister is overexaggerating, I don't want her here. Akala ko ay dala-dala mo siya kaya tumanggi ako. But then, she's not here so help me."

"Okay na lang, lieutenant colonel." Palusot pa. Umupo na lang ako sa harapan niya at binuksan ang first aid kit. Kinuha ko ang betadine at cotton. "Nasaan po ba ang sugat mo?"

"Wait."

I watched him as he took off his tactical attire and all that straps, only leaving him in a black shirt. Hindi naman siya naghubad pero napaiwas ako ng tingin dahil doon ko na nakita ang muscles niya sa braso. He has this big arms, even with visible veins crawling from his hands up to his forearm. Nagulat din ako nang makita ang dragon tattoo sa braso niya.

"Give me some cotton. I'll put it here on my face." Ginulo niya ang may alon na buhok at nakita ko ang ilang gasgas sa pisngi at sa may bandang kilay niya.

I followed him and gave him a cotton ball with betadine on it. Kumuha pa ako ulit ng isa at huminga muna nang malalim bago marahang inilapat iyon sa sugatan niyang kamay. He has clean-cut nails, and slender fingers. I don't know. Pinagmasdan ko iyon habang ginagamot ang sugat niya.

"You're still wounded. Pinahirapan ba kayo ng mga taga-Guerilla?" Pagbubukas ko ng usapan. I took a band-aid and put it on his small cut.

"It was risky. There were so many captive civilians and they used them against us. Hindi naman kami puwedeng magpa-ulan agad ng bala kahit nasa harapan na namin sila dahil may mga sibilyan. If we do, they will die as well. So it was a difficult mission. Trying to defeat those enemies without compromising the people we were supposed to rescue." Sagot niya.

Tumango ako at marahang hinawakan ang kamay niya. Padampi-dampi lang ng cotton ang ginagawa ko sa sugat niya, dahil kaunting dugo lang naman.

"Lieutenant Colonel," I called him. Naramdaman ko ang paglipat ng tingin niya sa akin pero ako, hindi. I remained staring at his hand that I am putting band-aid on. "Ang haba naman po ng pangalan ninyo. Lieutenant Colonel Apollo. Lieutenant Colonel. Ano po bang shortcut ang puwede niyong maibigay sa akin?"

"What?" Naguguluhang tanong niya.

Doon ako napangiti at mabilis na sumulyap sa kaniya, pagkatapos ay balik ulit sa kamay niya. "Ang sabi ko po, may shortcut ba na puwede kong gamitin sa pagtawag sa inyo? Like LC Apollo, kasi lieutenant colonel. Meron ka po bang naiisip?"

I glanced at his face again and I can already see his thick eyebrow raised at me. Mas mukha pa talaga siyang mataray kaysa sa ibang babae mga nakita ko. Mas mataray pa ang lalaking ito kaysa sa babaeng sundalo kanina.

I chuckled softly. "Nevermind, lieutenant colonel. Nevermind. Gamutin na lang natin itong mga sugat mo nang makapagpahinga ka na po."

"I'm thinking, Aurora. But I can't think of any shortcut for my title." He spoke lowly. Bahagyang nakakunot ang noo niya, tila nag-iisip pa rin. Natawa na lamang ako roon.

"Why are you laughing?" Tanong niya.

"No, I'm not, sir." Umiling ako. "Well, uhm, maybe a little. Pero hindi naman kita pinagtatawanan."

"No. I'm certain. You are laughing AT me." Umiling din ito at may diin pa ang bawat pagbigkas sa salita. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang bawiin ang kamay mula sa akin. "Tell me why you are laughing at me when all I am doing is thinking for a shortcut like you asked."

BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon