Chapter 6

32 2 0
                                    

NAPABUNTONG-hininga ako at kinuha ang pamunas ni Harry. Pinunasan ko ang pawisan niyang likod at binuhat ito para paupuin muna sa hita ko. Para na siyang naligo dahil sa kakatakbo kanina pa. He enjoyed chasing and torturing his brother and even Ayannie.

"Magpahinga muna kayo. Give me your hankies, Yannie, Liam. Halika. Pupunasan ko kayo." Utos ko sa dalawa na hanggang ngayon ay humihingal pa rin at nakasandal sa pader.

"Susumbong kita kay mommy!" Liam screamed.

And his baby brother just chuckled, oblivious to his kuya's loud shout. Mukhang natutuwa at pilyo pa ito kahit halatang naasar na si Liam. They weren't playing, actually. Bigla na lang hinabol ni Harry si Liam.

At first, the latter didn't care. Until Harry caught him and pulled his hair.

I sighed and carried Harry. "Harry, you hurt kuya Liam earlier. Anong sabi ni ate Aurora? When you hurt someone, you should say sorry, diba? Sige na. Say sorry to your kuya na. Para hindi na siya mag-cry and ma-angry sa iyo."

Harry cutely pouted. Pero nagpababa pa rin ito. At nang ibaba ko ay mabilis na tumakbo sa kapatid niya at yinakap si Liam. Umirap lang naman ang panganay pero yakap-yakap niya rin pabalik ang kapatid.

Hindi nga lang nagtagal ay hinila niya na naman ang buhok ni Liam.

And the chase began again.

Pati ako ay napapatakbo. Ako naman ang humahabol kay Liam.

"Tapos na ang training nila?"

Agad akong napatigil at lumingon sa may pintuan. There, I saw Lieutenant Ulysses kindly smiling at me. Lumipat ang tingin niya sa mga bata at nakita ko ang pagkaway niya sa mga ito. He always has this warm eyes and smile, that's why he never felt intimidating to me.

"Ah, hindi pa po, lieutenant. Hindi pa pumupunta rito iyong babaeng sundalong nagte-train sa kanila." I answered formally.

His eyes, then bore onto me. Mahina siyang tumawa. "I know that we're here in the headquarters, but just call me Ulysses. Please. We're like some sort of friends now---well, at least, I hope so. Simula pa lang naman nang iligtas mo ako, alam kong mabuting tao ka."

I smiled and avoided his gaze. "Siyempre po, lie---Ulysses. We're friends, why not?"

"Why not." Natatawang ulit niya.

Pinagkrus niya ang mga braso at pumasok sa kuwarto. He was walking towards the chair but then stopped when Liam and Harry ran and passed by him. Muntikan niya pa itong mabunggo.

"Be careful, little kiddos. Stop running around. You'll hurt yourselves." Sambit niya sa malalim na boses at nagpatuloy sa pag-upo.

Natigil naman sina Liam, kahit si Harry, nang makitang may kasama na kaming sundalo. Natawa ako roon. Lalo na nang tumakbo palapit sa akin ang dalawa, kahit ang ibang bata.

Ulysses smiled. "Naughty kids. Saan kaya kayo nagmana? Ganiyan ba kakulit si heneral?"

Kinandong ko si Harry at muling pinunasan siya ng pawis. I can only feel Ulysses watching us, while he's making himself comfortable in a small chair he's sitting on. Nakauniporme siya ngayon pero hindi ko alam kung bakit nandito siya. Wala ba siyang trabaho?

"Tapos na po ba ang trabaho ninyo?" I asked without looking at him.

Inayos niya ang pagkakaupo. "No. Pero mamaya pa magsisimula ang impyerno."

Tinakpan ko ang mga tenga ni Harry. "Bakit naman po impyerno?"

"Oh, sorry." He said first and then smiled. "Ngayon kasi ang training namin. Even if I have a position, the training is like a punishment in hell. And we'll have sparring. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ko. Mas okay na ang individual training than sparring with each other."

BulletWhere stories live. Discover now