Chapter 5

66 9 1
                                    

#BIYA005

Two days.

Two days na akong hindi nakakapasok dahil nag-double time ako sa pagtatrabaho sa mga Ledesma para mapunan ko yung bayarin namin sa kuryente at mga gastusin sa pag-aaral ni Clara.


"Caly, namumuro na kami sa pagdadahilan sa mga professor natin, ha. Bakit ba hindi ka pumapasok, may problema ka ba, ano?", himutok ni Jego sa kabilang linya ng telepono.


"Oo na nga.", sagot ko dito at inipit ang phone sa gitna ng balikat at pisngi habang nagliligpit ng nilabhan. Kagagaling ko lang sa sentro kanina para magbayad ng kuryente. "Papasok din naman ako bukas. Ano ba."


"Basta siputin mo kami ngayon kung ayaw mong kami ang dumayo diyan. Sinasabi ko sa 'yo, Caly. Mga kalokohan mo, ha.", natawa nalang ako sa ugali ni Jego.


Hindi ko na din kasi sila inabala pa sa mga problema ko dito. Alam kong mayayaman sila, pero as much as possible, hindi ako humihingi sakanila ng tulong kung alam kong kaya ko namang gawan ng paraan. Ayokong maging pabigat sa kanila.


"Oo na. Pupunta na.", I gave in to their invitation. Kahapon pa kasi nila ako inaayang mag-bar. Ewan ko ba sakanila, wala nang ibang gustong tambayan pero dahil libre naman daw nila, sino ba ako para umangal?


6:00 PM nang makarating ako sa bar na tinatambayan ni Jego at Martin. Hindi na ako masyadong nag-ayos dahil wala din naman akong balak magtagal dito. I wore my casual black satin slip dress and black heels. Nadatnan ko sila sa isang table kaya dumerecho na din ako doon. Nakaorder na din sila ng beer.


"Finally!", sigaw ni Jego nang makalapit ako sakanila. "Nagpakita na din siya!"


"Ang OA mo.", inirapan ko ito. Pero sa loob-loob ko, na-miss ko 'tong mga mokong na 'to. I sat beside Martin. "Where's Jal?"


"Wala. May kailangan daw silang ipasa sa Sirmata.", sagot ni Martin saakin saka ito uminom sa hawak nilang bote ng beer. "Ikaw, anong nangyari sa 'yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita?"


"Long story short, bumisita yung stepmom namin."


"What?", napaayos ng upo si Jego nang marinig ang sinabi ko. They already know what happens next. "Ano, hinuthutan ka na naman ng pera?"


"'Yun lang naman ang purpose niya kapag nagpapakita siya.", inabot ko ang isang bote ng beer at uminom dito. I stared blankly at the wall as I forced down this shitty-tasting liquid. Hindi ako mahilig uminom, depende kung may problema ako.


"Anong ginawa mo?", Martin spoke to me with worry. "Pinagod mo na naman ang sarili mo?"


"Martin, what do you expect me to do? My sister needs me. Hindi ako pwedeng tumunganga lang at walang gawin."


"What we expect you to do is call us, Clary. Ano pa't magkakaibigan tayo kung hindi ka naman saamin humihingi ng tulong?", this time, si Jego naman ang sumagot. Tinignan ko lang siya.


"Hindi habangbuhay, kaya niyo akong tulungan.", I said matter-of-factly at saka uminom uli. "Kung sasanayin ko ang sarili ko na matatakbuhan ko kayo anumang oras, anumang araw, kailan pa ako matututong tulungan ang sarili ko? Kapag may mga sari-sarili na kayong pamilya? Thanks, but no."

Bad Idea, You Are [GLT 2]Where stories live. Discover now