chapter 19

131 2 0
                                    

ENJOY READING!

*****
NAYA'S POV:

Sinabunutan ko ang sarili ko ng masiguro na ako na lang ang nandito. Ano'yon? Bakit ganon ang naisip ko? Akala ko kung ano na ang gagawin niyang parusa sakin. At hindi ko din alam kung bakit nanghihinayang ako na hindi ganon ang ginawa niya.

Umalis ako doon kahit wala pang nauumpisahang gawin. Mamaya na, sabi naman niya it's up to me, e. Kailangan kong uminom ng malamig na tubig para mahimasmasan at magising at hindi na kung ano ano ang iniisip ko.

******

4:30 pm ngayon palang ulit ako babalik sa office niya para umpisahan ang pinapagawa niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya kaharap ang mga papeles at kanyang laptop.

Seryoso ang muka niya habang may tinatype na kung ano doon. Saglit lang siyang sumulyap sakin bago pinagpatuloy ang ginagawa, busy huh?

"Start checking this papers. Wala ka pa palang nauumpisahan." masungit niyang sabi hindi manlang tumingin sakin habang nakikipag usap. Umirap ako, pabagsak na ipinatong ang bag sa ibabaw ng armchair at pwersahang kinuha ang test papers.

Tahimik akong nag check ng mga iyon. Sampu palang ang natatapos ko naiinip na ako at naiinis dahil pabalik balik ang tingin ko sa test papers nang kung sinong studyante tapos ay doon sa test paper na may correct answer.

Sinapian naman ako ng ka demonyuhan at may naisip na ideya para matapos agad sa pag tsetsek ng mga pesteng papel na to.

I started checking every number kahit na hindi ako sure kung tama ba ang sagot niya. Tsek lang ng tsek. Napangisi nang agad na matapos tsekan ang isang test paper. nasa pangatlong papel na ako ng sitahin ako ni, Sir.

"What are you doing?" Aniya mukang galit.

Tumigil ako sa ginagawa at tinignan siya. Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Nakapatong ang daliri sa keyboard pero hindi nag tytype.

"Checking this papers." simpli kong sagot at nag tsek ulit ng papel.

Napansin ko ang pag tayo niya at paglapit niya sakin. Nasa likod ko siya ngayon pinapanood ang ginagawa ko. Hinayaan ko siya at pinapagpatuloy ang ginagawa. Bigla na lang niyang hinablot ang papel na tsinetsek ko.

"What the hell are you doing, Naya Querin?" Galit na galit na tanong niya sakin.

"Chinecheck ko nga." Inis kong sabi.

"You're not looking at the answer sheet. How the hell do you know their answers are correct? Puro check lang ang ginawa mo?"

Sumisigaw na siya at galit na galit. Inis akong tumayo at tumingin sa kanya. I know, i acted like a child right now. E, sa naiinip na ako at naiinis sa paulit ulit na tsine-tsek.

"You only said "check this papers", you didn't said "check the correct answers and encircle the wrong one." That's why i only checked there answers because you say so."

"I don't f*cking know what to do with  you. You're so stubborn." Gigil niyang sabi, halatang inis na inis na.

He took a step forward making me step backwards. Tumama na naman ang pwet ko sa mesa niya.

"This is the easiest punishment and you can't do properly?" gigil niyang sabi habang kinukumpas ang papel na hawak na nalukot na talaga. Kawawa naman ang may ari ng papel na iyon.

Lalo ako naawa sa may ari ng papel na iyon ng bigla na lang niyang ihagis sa ere. Hindi ako sure baka nagkahiwalayhiwalay na iyon at natanggal sa pagkakastaple.

Napaigtad ako ng marahas niya akong hawakan sa bewang. Madiin ang dalawang kamay niyang nakahawak sa bewang ko. I gulped and my heart went crazy again.

"You are so unpredictable, so f*cking stubborn"  matigas niyang sabi, naamoy ko ang mabango niyang hininga. Our faces arr inches apart, malapit na dumikit ang ilong niya sa pisnge ko.

My Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon