Chapter 5

107 2 0
                                    

Rahimik akong nakaupo sa bleachers. Ang mga kapwa ko estudyante ay halos maputulan na ng ugat dahil sa kasisigaw habang ako ay taimtim na hinahanap ang dalawang pares ng mata na kanina pa nakatitig sa akin. Sa gitna nang sigawan ay nangingibabaw pa rin ang mainit niyang tingin.

Awtomatikong nakandado ang tingin ko sa nakakapaso niyang tingin. His pointed nose, rosy lips at clean cut na gupit, suits him well. Ang pagka-moreno niya ay bumagay sa kaniya. Mukha siyang masungit pero may binatbat. Sa isang tingin pa lang ay halata mo na siya ‘yong tipo ng tao na ayaw nang marumi at makalat.

Nang bumaba ang tingin ko sa kanyang leeg pababa sa kanyang ID lace ay agad akong napaiwas nang tingin.

He's a professor!

Kaya pala pamilyar sa akin ang masungit niyang mukha.

Ngumuso ako at tumagilid. Umakto akong nakatingin sa entablado kung saan nakaliya ang mga candidate for Mr. and Ms. CTE.

“Vere, kilala mo ba lahat ng professor sa CTE building?” Pasimple kong tanong kay Vere Mae habang diretso na nakatingin sa mga candidate.

Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang paglingon niya sa akin habang nakakunot ang noo.

“Bakit?”

I shrugged. “Wala lang. May nakita lang kasi ako na professor. I think bago lang siya rito.”

She hummed and looked at me. “Lalaki?”

Tumango ako at tumingin na rin sa kaniya.

“Describe mo nga.” Utos niya na tila naging interesado na.

Sa hindi maipinta niyang mukha, hindi ko alam kung iritado ba siya sa tanong ko o sa taong nasa palagid namin na sobrang ingay.

“Well, he's tall. I think nasa 5’7. Matangos ang ilong at clean cut ang gupit. Medyo may pagkamasungit.” Hindi ko mapigilang mapaiwas nang tingin nang pumasok sa isip ko ang mapula niyang labi.

“Gaga! Si Professor Reyel?” Mabilis akong nahampas ni Vere sa balikat dahilan para ma-out of balance ako.

Muntik na akong mahulog buti na lamang at may humapit sa bewang ko para pigilan ako sa pagkahulog.

“Sorry po.” Mabilis akong umusog at umayos ng upo.

Sinamaan ko nang tingin si Vere. Nanayo pa tuloy ang balahibo ko dahil sa kakaibang paghapit sa akin ng lalaki kanina.

I didn't thank him. Because why would I? Sa paghawak pa lang niya sa akin, ako na agad ang lugi.

“Sorry, Jenny. Hindi ko sinadya.” Nag-peace sign siya at saka ngumiti nang mapang-asar.

I can feel that she didn't mean it naman kaya buntong hininga na lamang ako.

“It‘s okay. Just be careful next time, Vere.” Ngumiti siya nang abot hanggang tenga.

“So, about Professor Reyel. Matagal na siyang nagtuturo rito. He's even our professor sa Elementary Statistics noong first year tayo,” paliwanag niya habang gumagala ang kanyang paningin.

Mabilis akong napatingin sa gawi ni Professor Reyel kanina ngunit wala na siya.

“Bakit hindi ko siya napansin?”

Bakit nga ba? Wala rin kaming group chat noon sa Elementary Statistics subject.

“Malamang online class pa noon,” pamimilisopo niya pa.

Tumango na lamang ako at tumahimik. Wala na akong mapapala pa kung kakausapin ko pa siya dahil ba ka barahin na naman ako.

Hindi pa tapos ang event ngunit nauna akong umalis para mag-cr.

Saktong paglabas ko ng comfort room ay tumawag sa akin si Paulo.

“O?” Mainit na bungad ko sa kanya.

Narinig ko ang malakas na halakhak niya mula sa kabilang linya. “Chill. Umagang-umaga high blood ka kaagad?”

Mabilis na napaikot ang mata ko. Tinahak ko ang daan papunta sa CTE building. Mas gustuhin ko pang magmumok sa room kaysa makipag siksikan sa gym.

“Pake mo? Ano bang gusto mo?”

“Ikaw…” Mabilis akong napatigil sa paghakbang paakyat sa ikatlong palapag dahil sa puna niya.

Nang ma-realize ko ang sinabi niya ay agad akong napailing.

Such a playboy!

“Wala ka bang nadawit ngayon at ako na naman ang ginagambala mo?” Ngumisi ako at inayos nang bahagya ang magulo kong buhok.

He chuckled. “Ang pangit naman ng term na ginagambala. Ano ako? Kapre?”

Kahit hindi ko nakita ang pangit niyang mukha ay alam kong naka-pout na siya ngayon.

“Oh, shut up! Alam natin pareho na ikaw ang leader nila kaya manahimik ka. Wala ka na bang sasabihin? May gagawin pa ako.” Andaming satsat. Gusto ko na ng-peace of mind.

“Sungit…” natatawa niyang puna. “Nandito ako ngayon sa bahay.”

“So? Share mo lang?” Singit ko agad.

“Whatever, Jenny Cevu.” Iritado niyang saad. Hula ko ay umirap ito.

“K. Bye. Baba ko na.”

“Gala tayo,” singit niya agad.

Binuksan ko ang room number 4. Hindi ko alam kung anong major ang naka-occupy dito. Pero dahil wala namang tao dahil compulsory naman ang event ay hindi na ako nag-abala pang tumingin sa paligid.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok at saka nilapag ang bag sa kabilang upuan. Pabagsak akong umupo.

“Where? Bad influence ka talaga!” panunumbat ko pa. Of course, I like it too.

“Mall.” Napalabi ako at saka pabiro na umirap.

“Nah. Next time na lang busy ako,” tanggi ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

Well, I'm tired. I badly want to rest all day. Mas pipiliin ko pang matulog sa tahimik na room na ‘to kaysa samahan siya. Bak sumakit pa ang ulo ko dahil sa kaniya.

“Ouch. That's hurt. Sakit mo talagang mang-reject.”

“I can feel that you're holding your chest right now. Acting like you're really hurt," saad ko sabay nguso.

“Nasasaktan naman talaga ako a!” He ranted.

Bago pa humaba ang usapan ay agad ko nang pinutol ang tawag. Agad naman akong nakatanggap ng mensahe sa kanya ngunit pinagsasawalang bahala ko na lang.

I was about to rest my head on the armrest when someone cleared his throat. Nagtama agad pangingin namin nang lumingon ako.

His deep and hot stares almost melt me.

“Prof. Reyel?”

His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now