Chapter 13

90 0 0
                                    

Mabilis akong napaiwas ng tingin. “Stop this nonsense, Sir. Aalis na ako.”

Akmang lalakad na sana ulit ako pero mabilis niya ukit akong pinigilan.

“Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwasan kapag nagco-confess ako sa’yo?”

“Anong gusto mo, Sir? Ang makipag kwentuhan sa’yo? You're confessing your feelings to me and you expect me to chit-chat with you like there's nothing going on?” I sarcastically said.

I heard him sigh. “Hindi naman sa gano'n. Ang sa akin lang, bakit ba palagi mo na lang akong iniiwasan? Why can't you just accept that I like you. Kung sitwasyon natin ang pino-problema mo. Then, I'm ready to quit.”

Mabilis kong pinutol ang pahayag niya. “Did you just heard yourself, Sir? I'm simply avoiding you dahil hindi kita gusto. At kung gusto man kita, hindi rin pwede dahil may boyfriend na ako.”

Nakita ako ang simpleng pagkuyom niya ng kamay. Ramdam ko ang pagbukas ng pinto kasabay nang malakas na yabag ng kung sino. Napaiwas ako ng tingin. He also scoffed and loosen his necktie.

“I’m sorry, Sir. Kukunin ko lang po ang bag ko. Naiwan ko po kasi.” Plastic itong tumawa. Ramdam ko naman ang paggalaw ng upuan sa may ‘di kalayuan.

Nang makalabas ang estudyante ay muli niyang itunutok ang tingin niya sa akin. 

“Ano ba talaga ang rason mo, Jenny?" Just by calling me reddened my cheeks.

“Kasi kung takot ka lang na malaman mo sa sarili mo mismo na ako ang gusto mo dahil may boyfriend ka. Then, lets keep our relationship a secret. Kaya kong mag-adjust, baby. I'm flexible.” His voice change. It's more like a bedroom voice.

Umiling ako, pinipigilan ang sarili na huwag malinlang sa mapang-akit niyang tinig.

“Stop this nonsense, Sir. Kahit ano pang gawin mo hinding-hindi ako papatol sa’yo.”

With that, naglakas loob ako na iwan siya. Pagliko ko pababa ng hagdanan ay agad akong napaupo. Naubos na ang lakas na kanina ko pa tinatago.

Lumipas ang ilang araw. Nagpasalamat ako dahil muli nang bumalik sa normal ang buhay ko. Simpleng buhay estudyante lang. Papasok para mag-aral at uuwi para magpahinga.

Medyo bothered din ako dahil nakonsensiya ako sa sinabi ko kay Professor Reyel. Siya pa rin ang nagtuturo sa amin sa Educ8. Imbes na matutuwa ako dahil kusa siyang dumistansya ay nangingibabaw sa akin ang guilt.

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko habang si Vere ay nakikipag daldalan sa kanyang kaharap. Nang pumasok si Professor Reyel ay agad na umayos nang upo ang mga ito.

Nilibot niya ang paningin niya sa buong silid. Naghintay ako na tumama ‘yon sa akin pero hindi. Bumagsak ang balikat ko na tila nanghinayang.

Bakit nga ba? Diba ito naman ang gusto ko? Bakit nakonsensya pa ako?

“Good morning,  everyone,” he greeted in a calm way, which is new to us. Kadalasan kasi ay kung babati siya ay mariin ang pagbigkas.

Bumati rin kami pabalik.

“Your adviser told me that she will be on a leave for a week,” panimula niya. Seryoso ito kaya seryoso rin ang mga kaklase ko na nakinig.

“And she ask me for a favor to handle you,” saad niya na dahilan na nagpa-ingay sa klase. “Huwag kayong mag-alala kasi 1 week lang naman. It wouldn't hurt you kung maging adviser niyo ako for a week, right?”

Kahit hindi siya nakatingin ay parang sa akin ang tanong na iyon. Kusa akong umiwas nang tingin dahil sa konsensya. I bet dinibdib niya ang sinabi ko no'ng nakaraang araw.

Mabilis ang ginawang pag-iling ng mga kaklase. “Hindi naman, Sir. In fact, natutuwa pa nga kami at ikaw ang magiging adviser namin for a week," puna ng isang kaklase ko.

Ngumiti si Professor Reyel. Mukha naman itong sincere at hindi plastic. When his phone rang ay agad na tumahimik ang lahat. He excused himself and take the call. Pagbalik niya ay hindi na maipinta ang ekspresiyon sa mukha niya

“Okay, guys. The dean declared just now that wala kayong klase for the whole week. So, congratulations, may time kayo para mag-aral,” he announced.

Napasimangot ang nga kaklase ko. “Nge, hindi ka pala namin maka-donding, Sir.”

“Sana hindi ka na kang nag-announce, Sir. Pinaasa mo pa kami.”

“Oo nga.”

Rinig kong saad ng kaklase ko. “Wala akong magagawa riyan. Baka makasuhan pa ako kapag magtuturo ako sa inyo kahit walang klase," pagbibiro niya kasabay nang mabilis na nagbago ang ekspresiyon.

Maslalong sumama ang mukha ng mga kaklase ko. Tila hindi nila matanggap na hindi nila maka-bond si Professor Reyel.

“Bakit hindi na lang tayo mag-outing, Sir?” suggestion ni Vere dahilan para mapunta sa amin ang tingin niya. “Celebration for becoming our adviser for a week,” dagdag niya at nagkibitbalikat pa.

Napatango ang ilan na tila sumasang-ayon sa suggestion ni Vere.

“Oo nga, Sir,” sabay-sabay na puna ng mga kaklase ko.

Ngumiti at pasimple na tumingin siya sa akin para bang nagtatanong kung ayon ba ako sa suggestion ni Vere. Para mabawasan naman ang konsensiya ko ay pasimple akong napahawak sa buhok ko at tumago.

“Okay! Since hindi ko pa alam ang ilan sa inyo. It would be great to know you all. Ms. Cevu?” Mabilis akong napaayos ng upo nang tawagin niya ako.

Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pabalik-balik na tingin sa amin ang iilan kong mga kaklase.

Kabado akong tumingin sa kaniya. “Yes, Sir?”

“Please create a plan,” nakangiting saad niya sa akin at muling tumingin sa mga kaklase ko. “Pag-isipan niyo kung saan niyo gustong pumunta at kung anong activities or games ang gusto niyong laruin para maging ready na ang lahat. Planuhin niyo rin ang tungkol sa pagkain at gamit na maaaring gamitin.”

Tumingin siya sa relo niya. “May klase pa ako sa kabila. I know vacant kayo after this so mag-meeting ako. Ms. Cevu?” he looked at me, “Report me the summary of the plan. Puntahan mo lang ako sa opisina.”

“Sige, Sir," tipid na sagot ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

A wide smile plastered on his face. “Thank you,” makabuluhan niyang sabi.








His Stares: Professor Reyel Bagy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon