14: Letter for my angel

28 0 0
                                    

Chapter 14: Letter for my angel

Paikot-ikot si Chelsea sa harapan ng klase, hindi mapakali, at magulo ang isipan. Isang araw na ang nakalipas buhat noong napag-usapan nila ni Asher ang tungkol sa pagbabagong buhay niya. Gustuhin man niya itong gawin, hindi niya alam kung paano at saan magsisimula.

Kanina paggising niya, punung-puno siya ng motibasyon. Sabi niya magsisimula siya sa maayos na pagtuturo ng lessons sa kaniyang klase pero ngayong nasa Delfin High School na siya, patuloy ang pagbagabag ng kung anu-ano sa isip niya kaya hindi siya makapagturo nang maayos.

"Anong gagawin ngayon?" dinig niyang tanong ni Dane, isa sa mga estudyante sa harapan, kay Mateo-katabi nito.

"Class, hindi muna tayo magkaklase ngayon. Mag-a-attendance lang tayo tapos may ipapagawa ako sa inyong activity," pag-aanunsyo ni Chelsea at humingi ng isang pirasong papel para paikutin sa buong klase. Doon nila ilalagay ang kanilang mga pangalan.

"Ano ba 'yan, wala na namang lesson. Wala na tayong natututuhan."

"Buti na lang! Hindi pa ako nakakapag-review para sa quiz mamaya."

"Hay salamat, inaantok pa man din ako."

Ilan lamang iyan sa samu't saring reaksyon ng 10-Lily dahil sa sinabi ni Chelsea. Nagkaroon ng ingay ng klase kaya wala siyang nagawa kundi patahimikin sila. HInampas niya ang lamesa at nilaksan ang boses. "Class! Ang gagawin niyo ngayon ay magsusulat para sa guardian angel niyo."

"'Di ba mag-Pa-Pasko na, ma'am? Ba't 'di na lang po kay Santa," hirit ni Max pagtaas ng kanang kamay.

"Santa's not real."

"Yung guardian angel po ba totoo?"

"Yeah, and do you also believe in God—?" Natigilan si Chelsea at natulala. Sa ilang linggo niyang kasama si Asher, hindi niya namalayang unti-unti na siyang naniniwala rito. Kahit pa wala itong gaanong patunay na totoo nga ang pagiging anghel nito bukod sa likod nitong may lamat na tila naputulan ng pakpak.

"Ohh," reaksyon ng buong klase.

"Anyway, magsulat na kayo sa kahit anong papel. Walang gaanong magkukwentuhan dahil may pagala-gala d'yang nag-o-observe. Kapag may dumaan dito, sabihin niyo nag-qu-quiz kayo. CR lang ako, class."

"Ano wish mo?" malakas na tanong ni Bambi sa katabi niyang si Patrick nakaupo malapit sa pintuan.

"Sana bantayan niya ang may sakit kong kapatid," tugon nito. Susulat na sana ito sa papel nang biglang tumigil si Chelsea sa harapan nito at nagpameywang.

"Nah, nah. He's not gonna do that," pakli ni Chelsea at umiling-iling.

"Po? 'Di ba trabaho nilang magbantay?"

"Oo, pero isang tao lang ang binabantayan nila. Kung kanino lang sila nakaatang.

"Paano niyo po nalaman?"

Nabato na naman sa kinatatayuan si Chelsea at hindi na narinig ang iba pang sinabi ni Patrick. Nagawi ang isipan niya sa kung ano pa ang ibang responsibilidad at batas na binanggit ni Asher sa kaniya tungkol sa pagiging anghel.

"Maam?"

"H-Ha?"

"Ilang words po?"

"No limits. Kahit punuin niyo pa ang papel"

"Ma'am, babasahin niyo po ba 'to?" tanong naman ni Nate.

"No. Ipapadala ko sa guardian angels niyo," seryosong saad ni Chelsea. Natahimik ang klase at nagtatakang tumingin sa kaniya. Namuo rin ang awkward atmosphere dahil sa hindi makatotohanang saad niya.

Heaven Sent LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin