21: Being caught

20 0 0
                                    

Chapter 21: Being caught

Inakala ni Asher na magkukwento na si Chelsea pagkatapos nitong banggitin si Danrick. Pero nung nagtanong na siya kung ano ang nangyari, hindi na ito umimik hanggang makarating sila sa bahay. Dumiretso lang ito sa sariling kwarto at doon tumambay mag-isa.

Ilang beses siyang kumatok at nagtangkang pumasok. Nakiusap lang ito na gusto nitong mapag-isa kaya kahit nag-aalala siya, pinili niyang respetuhin ang privacy nito.

Halos buong maghapon ay nakakulong si Chelsea sa kwarto. 

Sa kabilang dako, hindi mapakali si Asher sa sala. Tayo-upo-lakad ang ginawa ng anghel habang nag-iisip ng mga bagay na posibleng tumatakbo sa isip ni Chelsea. Pabalik-balik din siya sa tapat ng kwarto tapos idinidikit ang tainga sa pinto para alamin kung may tunog pang nalilikha mula sa loob ng silid. Iyon ang batayan niya ng buhay na nasa kabilang pader.

Ilang saglit pa ng tila walang katapusang paghihintay sa paglabas ng kwarto ni Chelsea, biglang nakadama ng kakaibang takot si Asher. Napatayo siya mula sa kinauupuan at napalingon sa gawi ng pintuan ng kwarto nito. Naalarma siya nang sumagi sa isip na baka ngayon na ang araw na iyon. Ang pagtatapos ng misyon at ang posibleng pagkamatay nito.

"Chelsea! Chelsea!" tarantang pagtawag ni Asher. Patakbo siyang nagtungo sa kwarto ng babae at malakas na kinatok ang pinto. Noong walang sumasagot, pinihit niya ang seradura. Sa kasamaang palad, naka-lock ito kaya wala siyang nagawa kundi gamitin ang buong pwersa para sipain ang pinto.

Bagaman nabuksan ni Asher ang pinto, hindi nakitaan ng kahit anong reaksyon mula kay Chelsea— maski pagkurap ng mata. Nasa kwarto ito pero parang nasa ibang dimensyon ang isipan. Tahimik itong nakaupo sa sahig, sa tabi ng kama. Nakapatong ang kanang braso nito sa lamesa at may hawak na bote ng alak na paubos na ang laman.

Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag si Asher. Marahan siyang naglakad at umupo sa tabi ni Chelsea. Itinabi niya ang ilang boteng nakakalat sa sahig atsaka kinilatis ang itsura ng babae.

Namilipit ang dibdib niya nang makita ang bakas ng luha sa pisngi nito at mapanglaw nitong mga mata.

"Siguro oras na talaga para isara mo ang pinto sa mga bagay na nakakapagpasakit sa'yo. Alam kong mahirap. Alam kong masakit pero mas mainam na 'yon kaysa patuloy kang nasasaktan sa mga bagay na akala mong liwanag. Normal lang yakapin ang dilim paminsan-minsan. Afterall, it takes some time to learn everything. At alam mo minsan ang pagsasara ng pinto ay proteksyon din galing sa Diyos. At may biyaya ring nakatago sa bawat paghihirap."

Dahil sa kaingayan ni Asher sa gitna ng tahimik na silid, napukaw niya ang atensyon ni Chelsea.

"Alam ko naman hindi ko pinili ang masama dahil gusto mo lang sumuway sa utos Niya. Pinili mo 'yon dahil inakala mong iyon ang makapagpapasaya at makakabuti sa'yo. Ang kaso nga lang, karamihan o halos lahat ng magagandang bagay ay may hangganan," dagdag niya.

"W-Why are you saying this to me?" pabulong na tanong ni Chelsea. Nilagok niya ang natitirang alak sa bote atsaka inilapag ito sa sahig. Pinunasan niya  ang halos tuyo niyang pisngi gamit ang likod ng kamay. Isiniksik niya pa ang sarili sa tabi ng kama at niyakap ang mga tuhod. Hindi niya magawang tingnan si Asher, maski mag-iwas ng tingin dahil sa magkahalong hiya at pagsisisi sa mga nagawa niya.

"Maaaring 'di mo pakikinggan lahat pero lulubusin ko na ang pagsasalita. Just take all that you can get," tugon ni Asher.

Marahang tumango si Chelsea, medyo tulala pa rin.

"Isipin mo na lang para kang naghihintay sa bahaghari. 'Di mo 'yon makikita hangga't hindi umuulan. O kaya nakatambay ka sa gitna ng kadiliman at naghihintay sa pagsikat ng araw. 'Di mo sigurado kung kailan ang saktong oras pero sigurado at naniniwala kang darating din iyon."

Heaven Sent LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt