Pasimula

45 1 0
                                    

Batid kong ang kaligayahan sa pagbabasa ng librong ito.

Ito'y naglalaman ng mga tinig na kailanma'y hindi na maibigkas, na naisalin ang mga ito sa aklat na kung saan ito ang magpaparandam ng mga kabalintunaan sa gawang patula. Nais ipabatid ang mga salitang hindi na maisabi, ito ang mga damdaming naikubli't hindi na naipamahagi. Kung mapapagbigyan mang sakali'y nais sanang mapakinggan.

Lahat ay umibig, lahat may pag-ibig, ngunit may pagkakataong hindi tayo nadidinig. Ang pagtibok ng puso'y doon patutungo, nadadala ng bugso ang damdaming pangalan ng yaon ang binabanggit. Oh, sinta hanggang kailan pa magpapakabingi.

"Aking minasdan ang mga letra
na aking sinusulat;
Pawang ang lahat ay patungo sa iyo
ang mga liham na hindi nabuo,
Pagkat kulang ang mundo
kung hindi maging tayo."

Ito'y piyesang aking binubuo sa katagang katagalugan.

Ang mga bawat letra't parirala'y katulad ng isang paghinga na hindi maibigkas: mga damdaming hindi mailabas, mga saloobing nais ipamahagi kung ito lamang ay mapapakinggan. Animo'y dala-dala ang bigat ng mga kahapon sa tuwing dadaan ang munting mga alaala nating dalawa. Anupa't hindi na maibabalik pa, kaya't idadaan nalang sa liham na hindi ko nabuo, nung ika'y nandiyan pa. Batid ko ring hindi mo na maaaninagan pa, pero nais ko na patungo sa iyo ang mga liham na ito. Kahit sana'y maging sa kabilang buhay man, totoong kulang talaga ang mundo kung hindi maging tayo.

Mga Tula at AkalaWhere stories live. Discover now