,,
Sa katagalan,
sa bawat panahon
lumalayo;
makikitang abot tanaw pa,
hanggang tuluyang
hindi na maaninagan pa.Katulad ng isang tanglaw,
sa mataas na kalangitan—
na pinagmamasdan.
Napakalayo ng ningning,
tulad ng wala ka
sa aking piling.Oh, kay layo na ng iyong narating,
mukhang hindi ka na babalik.
,,
YOU ARE READING
Mga Tula at Akala
Poetrydumating at nagsilipas ang mga panahon. mga salita't pariralang bumabagabag sa isip, hanggang kailan mamumutawi. huwag nawang pakinggan, mga sigaw ng pagkikimkim.