KABANATA 03

5 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'



KABANATA  03

"Sorry kung dito kita dinala. Ito lang kasi yung alam ko na lugar para hindi ka pagkaguluhan ng tao." Sabi ko habang inilalapag ko ang isang sandwich at orange juice sa mesa.





"No, it's okay. I understand why you brought me here." Sagot nito dahilan para mapatingin ako rito. She never changed. "Nga pala... Congrats for being a Lawyer. I know how much you wanted your profession now. And I'm glad na natupad mo yon." Hindi ko alam kung paano ako mag re-react ngayong kausap ko na si Lara. Matagal ko na gusto mangyari 'to and I don't know how can I talk to her casually.





"Yeah, thanks. Ikaw rin, you become more famous than before." Sagot ko kinuha naman nito ang orange juice at uminom doon.





"So... Ano yung... Ahh... Gusto mo pag-usapan?" She trailed of. Alam ko na awkward sa kanya na nandito kami ngayon sa unit ko pero wala akong ibang magagawa dahil ito lang ang alam kong lugar na ligtas siya sa ano mang pwede mangyari. Hindi na siya yung dating Lara na kahit saan mo dalhin ay walang makakakilala. She's a singer/songwriter actress and a model too.





"About our break up... Ahh... I wanted to say sorry for being a jerk. Hindi ko lang talaga kinaya yung mga nangyayari. You know it's too fast for me. Hindi ako nakasunod agad and I am the real problem why we broke up. If you're thinking na kasalanan mo ang lahat kung bakit nangyari 'yon. You're wrong, sorry kung nagpaka gago 'ko." Panimula ko. Napapikit naman ako nang maalala na hindi ko pwedeng sabihin kung anong tunay na dahilan kung bakit kami naghiwalay. Tama na siguro yung alam niya na ako yung problema sa aming dalawa.





"I understand. Matagal naman na yon and we both doing well naman. Siguro... Siguro nakatulong din yung break up for us to grow not being dependent on each other. Nasanay kasi tayo na nakadepende lagi sa isa't isa. So I'm happy that we've learned a lot in life without each others arm." Sagot nito, hindi ko alam kung paano niya nagagawang ngumiti sa kabila ng nangyari. Siguro ay wala na talaga sa kanya iyon. Anim na taon na ang nakalilipas, siguro nga ay nakamoved on na siya at ako na lang itong tanga na nagbabakasakali na baka pwede pa.





"Yeah... I see." Hindi ko maitago ang lungkot na nararamdaman ko gayong alam ko na malabo na mangyari ang gusto ko. She's totally moved on. Ako na lang itong tanga na umaasa na baka pwede pa naming ituloy kung ano man ang naudlot sa amin noon.





"Why? May nasabi ba 'ko?" Takang tanong nito marahil na nahimigan ang poot sa pananalita ko. Umayos ako sa pagkakaupo at tiningnan ito ng diretso. Her eyes become different. Hindi na noon isinisigaw ang nararamdaman niya kagaya noon. Her eyes are vocal at sa nakikita ko ngayon, malinaw na sa akin na tapos na ang lahat sa amin.





"Wala naman. I'm just tired. Masyado kasing madugo ang trabaho ko and besides may nangyari pa sa bahay nitong nakaraan." Sagot ko rito habang pilit pinakakalma ang sarili. Para akong dinudurog sa bawat minuto na nagsasalita ito at nahihimigan ang masayang tinig nito. Nakakalungkot lang isipin na nang dahil sa pag-ibig na mayroon kami noon, nagwakas na rin pati ang pagiging magkaibigan namin.





"Ahh yeah... I heard what happened. Kumusta naman si Tita? Is she alright? Nabanggit sa akin ni Yam ang nangyari. Hindi naman na ako nakadalaw dahil puno ang schedule ko. Ngayon sana ako pupunta kaso may gagawin si Yam kaya hindi niya ako masasamahan. Ayoko naman pumunta ng mag-isa doon dahil baka abutin ko ang papa mo. I know how much you tried before na hindi kami magkita for not known reasons kaya hindi na rin ako nagsubok pa." Paliwanag nito. Naiintindihan ko naman kung bakit at wala namang kaso sa akin iyon. Totoong ayaw ko magkrus ang landas nila ng ama ko dahil alam na alam ko na kung ano ang pwedeng mangyari.





Behind His Success (Chasing Dreams S2)Where stories live. Discover now