KABANATA 11

7 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'

KABANATA 11

"Mom, you should stay here." Sabi ko kay mommy na ngayon ay nagpupumilit na naman umuwi sa mansion.


"Leon... Paano naman ang mansion? Sayang iyon kung hindi maaalagaan." I really don't know why she wants to stay there so bad. Wala naman na ako roon, she really wants to check on my father. For what? For her to get some pain from that man?


"Please, mommy. Makinig muna kayo sa'kin kahit ngayon lang, huh? Mas makakampante ako kung nandito lang kayo sa bahay." Sagot ko habang inaayos ang neck tie ko. May trabaho pa ako pero heto ako ngayon at nasa bahay pa rin.


"I have to go. You'll stay here no matter what, mom. Manang will take care of you when I'm not home. Andyan din si Kuya Teban, kapag may gusto kayong ipabili just ask him okay?" Masuyong sabi ko rito bago ito hinalikan sa ulo. I really love my mother so much, at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya sa mansion na iyon.




"Take care, Leon. Drive safe." Nakayapos na sabi sa akin ni mommy dahilan para mapangiti ako.




"I will, mom. I'll go ahead. Take care."



Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe papunta sa firm ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Calista. Mukhang nakarating na sa kanila ang nangyari.


"Hello, Mavs!"


"Calista..."


"We already know what happened. Where's tita? Daddy is fuming mad for petes sake! Anong nangyari sa mansion? Nasaktan ba si tita, Mavs? You, sabi ay sinuntok mo raw si tito. What happened?" Dire-diretso na tanong sa'kin ni Calista. Marahil ay may nakapagsabi sa kanila ng nangyari sa mansion.


"Mommy is okay. Nasa bahay ko siya ngayon. Wala namang nangyari, I don't know what happened either. Dumating na lang ako doon na medyo nagsisigawan sila. I... I punched that man immediately. Hindi siya gumanti, I don't know. He just throw some words, the usual." Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.


"Mavs... Why did you do that? He's your father." Malumanay na ang boses niya ngayon. I let out a deep sigh because of what she said.


"In papers, yes. But in reality, he's not. You know what I mean here."


Nang makarating ako sa firm ay kaagad kong ipinarke ang sasakyan ko bago dumiretso sa elevator papunta sa floor ng office ko. Calista and I are still talking over our phone.


"Mavs naman... He's still your father. You don't have to hurt him. I know you're mad at him but hurting him physically can't lessen your madness." I massage the bridge of my nose upon hearing her words.


"I know." I said in a very low tone of my voice. "How's tito?"


"He's mad. Maybe later we'll visit tita. He wants to sue your father, Mavs. Ayaw ni mommy ng gulo but daddy really wants to put tito in jail." Napailing na lang ako sa narinig habang ibinababa ang gamit ko sa lamesa ng opisina ko. Nanatili akong nakatayo sa gilid  noon at nakahawak sa bewang ko.


"He can't do that. You know how powerful that man is. I want to sue him too but I don't have enough evidence to put him in jail. Calista, mapapahamak si tito sa ginagawa niya. Pwede siyang baliktarin noon kung gugustuhin niya." Narinig ko ang pagpasok ni Archer sa opisina ko dahilan para senyasan ko ito na maghintay dahil katawagan ko pa ang pinsan ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind His Success (Chasing Dreams S2)Where stories live. Discover now