KABANATA 7: SEARCH FOR NEW MANAGER

114 7 0
                                    

AUTUMN'S POV

Tatlong buwan na din ang nakakaraan ng matapos ang booksigning ko sa Amadeus. Pagkatapos ibigay sa akin ni Archie yung dalawang ticket ay umalis na din siya since natapos na yung one hour limit namin. Pagkatapos nun ay hindi ko na siya muling nakita dahil na-busy na rin siya para sa concert nila.

"Hoy! Tulala ka pa diyan, bilisan mo na ang kilos mo." Nabalik ako sa realidad dahil sa panggugulat sa akin ni Lily.

"Teka lang naman," reklamo ko sa kaniya saka sumubo muli. Kumakain kasi ako ngayon dahil mamaya ay siguradong di na ako makakakain niyan.

"Paano ba naman kasi, nakatulala ka pa diyan," nakapamewang niyang pagalit sa akin. "Alam mo naman na ang traffic dito sa Pinas ay sobrang nakakaloka tas ang tagal mo pang kumilos," dagdag niya pa.

"Mas excited ka pa ata kaysa sa akin, eh," pang-aasar ko sa kaniya. Ngumuso naman ito.

"Aba gusto kong makita si Preston, eh." Napahagalpak ako ng tawa dahil sa pangalang sinabi niya. "Wag mo nga akong tawanan! Kasalanan mo kung bakit ako naging fairy star, no!" asik niya sa akin saka ngumuso.

"Well, be thankful to me. Atleast may asawa ka na ngayon," natatawa kong wika sa kaniya.

"Che! Bilisan mo na diyan at baka ma-late pa tayo. Sayang naman 'tong VIP ticket kung hindi natin magagamit," padabog niyang wika saka pumasok sa banyo.

Natatawa ko na lamang na pinagpatuloy ang pagkain ko. Sa nakalipas na tatlong buwan ay siniguro kong maiimpluwensiyahan ko si Lily para naman mag-enjoy siya sa concert ng The Blazing Star mamaya saka para maka-relate siya habang pinanonood niya yun. Syempre kanino ko pa ba ibibigay yung isa pang ticket na binigay sa akin ni Archie kung hindi sa bestfriend ko, diba?

***

"Bilisan mo na yung lakad mo diyan," sigaw sa akin ni Lily.

"Gosh, kumalma ka nga,ha! Mahigit isang oras pa bago yung concert, excited much," saway ko sa kaniya. Paano ba naman kasi napaka-aligaga niya! Nandito naman na kami sa venue. Ayaw ko pa lang pumasok dahil for sure kulob na ang loob.

"Hays! Porket nakasama mo na si Archie, ganiyan ka na?" pang-aasar niya sa akin kaya nilapitan ko siya saka pinalo.

"Wag ka nga masyadong maingay diyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, oh," saway ko sa kaniya. Napatikom naman siya ng bibig dahil sa sinabi ko.

"Excuse me po."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita, "Yes?" tanong ko sa kaniya.

Nag-aalangan naman siyang lumapit sa akin kasama ang mga kaibigan niya, "ikaw po ba sa iamnobodybutme?" di siguradong tanong niya. Ngumiti naman ako saka dahan-dahang tumango.

"Oemgee, ate! I am one of your readers po," wika niya saka nilabas ang libro ko mula sa bag niya. "Pwede pong magpa-autograph?" wika niya saka nilahad sa akin yung libro ko.

Kinuha ko naman ito saka ngumiti, "sure," wika ko saka kinuha ang pentel sa bag ko.

Simula kasi nung nagface reveal ako ay lagi na akong may handang pentel sa bag para sa mga oras na ganito. Pagkatapos ko pirmahan ang book ay ibinalik ko na ito sa kaniya.

"Thank you po," masayang wika niya. "Pwede pong magpa-picture," saad niya.

Tumango naman ako kaya binigay niya na sa kaibigan niya ang phone saka siya lumapit sa akin. Ngumiti naman ako habang nakatingin sa camera. Maya-maya pa ay natapos na mag-take yung kaibigan niya kaya naman ngumiti siya sa akin.

"Thank you po, Ms. Autumn," wika niya. "Kahit delulu lang tayo, I hope po na maalala ka na Archie," dagdag niya pa kaya naman napangiti ako.

"Salamat," nakangiting wika ko sa kaniya.

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon