KABANATA 14: PAYO
AUTUMN'S POV
"Si Archie at Shina... Pumunta sila sa company para sa iyo..."
"Si Archie at Shina... Pumunta sila sa company para sa iyo..."
"Si Archie at Shina... Pumunta sila sa company para sa iyo..."
Napabalikwas na lamang ako ng bangon sapagkat kanina pa ako nakapikit ngunit hindi rin naman ako makatulog at paulit-ulit lamang nag-e-echo sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ni Preston. May parte sa akin na masaya dahil sino ba naman ako para ipagtanggol ni Archie sa management ngunit hindi ko rin mapigilang mag-alala sa maaaring maging epekto nito sa kaniya at sa The Blazing Star.
Bumangon na lamang ako mula sa kama at napagdesisyunan na pumunta ng kusina upang uminom ng gatas. Nagbabakasakali lang na tumalab yun at makatulog na ako. Kinuha ko lamang ang jacket ko na nasa upuan at isinuot ito bago ako lumabas ng aking kwarto. Nadaan pa ako sa theater room at nakarinig pa ako ng ingay mula roon. Mukhang hindi pa tapos mag-movie marathon ang boys. Niyaya naman nila ako kanina pero tumanggi lamang ako kasi gusto ko sana makatulog ng maaga pero mag-a-ala una ay mulat pa rin ang mga mata ko ngayon.
"Hays!" bulalas ko sa kawalan pagdating ko ng kusina. "Autumn, umayos ka! You are here to protect them, not the other way around," pagalit ko sa sarili ko habang papalapit sa cabinet upang kumuha ng baso.
"You know it's weird na kinakausap mo ang sarili mo habang nasa kusina..."
"Ay baklang palaka!" hiyaw ko sa gulat. Kinabahan pa ako sapagkat muntik ko pang maibagsak ang basong kakakuha ko pa lamang sa lagayan.
"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Archie.
Hindi ko pa man siya nililingon ay alam kong sa kaniya ang boses na yun. Nagulat lamang ako dahil nandito na pala siya. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya. Dahan-dahan kong nilingon ang likuran ko at nakita ko si Archie na nakasuot ng puting sando at naka-jersey short habang nakasandal sa pader. Okay ang hot niya sa pwesto niya. Bahagya kong pinilid ang ulo ko dahil sa naisip ko. Gosh, nakakahiya ka Autumn talagang nakita mo pa ang hotness ng talent mo, ha?!
Tiningnan ko muna siya sa mata sabay sabing, "ba-bakit ka naman kasi nanggugulat?" medyo utal kung tanong sapagkat parang hinihigop ng mga mata niya ang lakas.
Kumunot naman ang noo nito saka umayos ng pagkakatayo. Pagkatapos ay marahan naman siyang lumapit sa akin na naging dahilan upang magkaroon ng parada ng mga tambol sa puso ko. Huminto lamang siya nung halos isang dangkal na lamang ang pagitan naming dalawa. Nahigit ko ang aking hininga sa kaba dahil baka marinig niya ang tibok ng puso ko dahil sa sobra niyang lapit sa akin. Inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin kaya naman napapikit na lamang ako.
"Ouch!" bahagyang hiyaw ko nung maramdaman ko ang pagpitik nito sa noo ko.
Habang hinihimas ang noo ko ay idinilat ko na ang mga mata ko. Seryosong mukha ni Archie ang sumambulat sa akin na nagdala ng kakaibang kaba sa akin. Lagi ko naman siyang nakikitang seryoso sa mga interviews and vlogs nila pero iba pala ang pakiramdam kapag kaharap na siya.
"Kung gusto mong tumagal bilang manager namin, kailangan mong ihiwalay ang personal mong nararamdaman bilang fan sa trabaho mo," seryosong turan naman nito.
"Alam ko naman yun," turan ko kahit pa nanunuot na ang laway ko. Ibang-ibang Archie ang kaharap ko ngayon sa nakasama ko nitong mga nakaraang araw.
"Mabuti kung ganun..." saad niya saka pumalibot sa amin ang nakakabinging katahimikan.
"Sa-salamat nga pala," turan ko.
Kumunot naman ang noo niya, "para saan?" tanong niya.
"Na-nabanggit kasi sa akin ni Preston na pumunta kayo ni Ms. Shina sa management para sa akin," sagot ko naman. Matiim lamang niya akong tiningnan kaya naman napayuko ako. Dahil sa kaba ay sinimulan ko ding laruin ang mga daliri ko. Mali ba ako?
"Napakadaldal talaga ng taong yun," mahinang asik niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin bilang leader ng grupong 'to," dagdag niya pa.
Nanatili akong tahimik sapagkat hindi ko naman maintindihan kung ano naman kaya ang connect nun sa ginawa niya para sa akin. Mukhang napansin niya ang katanungan sa mukha ko dahil muli siyang nagsalita.
"Kami ni Shina ang pumili sa iyo para maging manager kaya naman obligasyon ko na protektahan ka..." paliwanag niya kaya naman napatango na lamang ako, "Isa pa, ayaw kong makita silang anim na malungkot na naman kung sakaling mag-quit ka," rinig kong saad niya saka ko napansin ang lungkot sa mga mata niya pero mabilis din iyong nawala.
"Salamat pa din na nagtiwala kayo sa akin," nakangiting wika ko sa kaniya.
Ngumiti naman ito sa akin, "okay lang bang hamunin kita?" tanong niya sa akin. Anong klaseng hamon naman kaya? "Patunayan mo sa kanila na we made the right decision na piliin ka at ilaban ka," saad niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Hindi dahil sa kaba kundi sa determinasyon. Ayaw ko silang i-fail pero mas ayaw kong isuko na lang din 'tong opportunity. I want to fight until the very end. Ngumiti naman ako saka tumango sa kaniya.
"Challenge accepted," puno ng determinasyon kung turan sa kaniya.
Ngumiti ito sa akin saka naglakad papunta sa countertop cabinet at kumuha ng baso. Pagkatapos ay pumunta siya sa refrigerator at kinuha ang lalagyan ng gatas saka nilagyan yung baso. Nang masiguro niyang puno ng gatas ang baso ay bumalik ito sa harapan ko saka nakangiting inabot sa akin ang hawak niyang baso. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Hindi makakatulong ang tubig sa iyo kung gusto mong makatulog..." saad niya kaya bahagyang umawang ang labi ko. "Gatas ang inumin mo para mabilis kang makatulog," dagdag niya pa saka inoffer ulit sa akin yung baso.
Nahihiya ko naman itong tinanggap, "salamat," wika ko sa kaniya.
Ngumiti ito muli sa akin sabay sabing, "matulog ka na dahil mamaya ang day one ng challenge mo... I am hoping that you will win it... for us... for you... for me..."
ITUTULOY!
AUTHOR'S NOTE:
Hello everyone! Super thank you po sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng LYFA. I know na matagal po ako mag-update but yeah adulting hits hard haha. Please continue to support me by reading my crafts. May dalawa na po akong completed baka yun ang gustong niyo unahin haha. Don't forget to comment and vote. Salamat poooo!
BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Romance"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...