Chapter 26

13 2 0
                                    


Ang tahimik niya.

Leaves were brushing above us, as the wind blew mildly through the trees in the field. It has been a couple of minutes when I rested myself underneath the shade, with Eric on the other side. Until now, I don't have any idea what's going on with him. Gusto niya lang siguro ng kasama, I guess.

Then, I suddenly remembered Chloe, and what she had told me earlier. She's been looking for him, and he's just here, all by himself.

"How's Drix? Balita ko, tinatakasan niya ang rehearsal," pagbasag niya sa katahimikan.

"Ewan ko sa kanya. Hindi ko pa siya nakakausap simula kanina," tanging sagot ko na lang.

"I saw you with Chloe. Friends na kayo?"

I was not expecting that question. Akala ko, ako ang makakaopen up tungkol kay Chloe.

"Well, nakipagbati siya sa akin. Invited ako sa party niya, tapos she was asking kung..."

"Kung?"

Nagdadalawang-isip pa akong ipatuloy ang sasabihin ko. Kaso, no'ng lumingon ako sa kanya, parang nag-aantay pa rin siya ng karugtung.

"Kung may alam ba ako kung saan ka ba kasi hindi ka na niya nakikita?"

After a moment he heard it, he turned away. "Don't tell her where I am. I don't want to be with her."

"So, hindi ka rin pupunta sa birthday party niya?"

He shook his head. "No chance. Good luck sa'yo."

After that, tahimik ulit siya. Hindi ko na lang siya kinausap pa, hanggang sa naka-receive ako ng notif sa class group chat namin.

"Tapos na raw faculty meeting, hindi ka ba babalik—"

Paglingon ko, wala na siya. Hinanap ko siya, pero wala na talaga akong makitang Eric. Hindi ko alam kung nag-iilusyon ba ako, pinaglalaruan ng multo, o totoong si Eric nga kausap ko rito.

After our class, umuwi na ako nang mag-isa. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahagilap ang kumag. Naisipan ko namang tawagan siya.

First dial ko pa lang, sumagot kaagad. "Hello."

"Oh asan ka? Hindi ka ba sasabay sa akin uuwi?" kaagad kong tanong.

"Hindi, kasi binuking mo ako. Kasama na sana kita kung hindi mo 'ko tinuro kanina," aniya.

"Malay ko ba. Tsaka, saan ba kayo nagp-practice? Para antayin na lang kita."

"Wag na. Uwi ka na. Kaya ko na sarili ko," sabi niya.

"Okay. Ingat ka."

"Love you."

Bahagya akong natawa sa huli niyang sinabi bago ko binaba ang tawag. Tsaka, hindi ko rin kasi maimagine na ipapasali sa singing contest 'tong kumag. Ni hindi ko man lang siya narinig na kumanta sa tagal kay naming nagsama.

Sumakay na ako sa bike at pumedal palabas ng school gate. I looked up and the skies were still orange-pink, fading into purple. Quite mesmerized by the colors that I didn't notice enough I was lost.

I stopped over and realized I was heading home on the wrong street. I looked around and everything felt familiar to me. Parang nakadaan na ako rito, pero hindi matandaan kung kelan.

I was about to turn my bike around when someone appeared in front of me.

"Sa susunod na daan ka rito, siguraduhin mo lang na wala kang kasama. Kung hindi, mamatay siya."

T.S. STORIES #3: I Can See You (Completed)Where stories live. Discover now