Chapter 1 ALS

13 1 0
                                    

Ally

"Sino ka?! Saan mo ako dinala?" sigaw ko sa nilalang na nasa harap ko ngayon. Naka-cloak siya na itim at nakamaskara. Nanatili lang siyang nakatayo doon at sa kabila ng maskarang nagkukubli ng mukha niya alam kong nakatitig siya sakin ngayon.

"Pakawalan mo ako! Makakarating ito sa ama ko!" nakagapos kasi ako ngayon sa upuan. Bigla naman akong nakarinig ng mahinang hagikhik. Napatigil ako sa pagwawala ko at pagsigaw, nong lumakas ang kaniyang pagtawa.

"Calm down, Ally." babae? Babae yong boses niya. "Hindi naman kita sasaktan eh, sa katunayan pa nga kokompletuhin kita."

Nakakatakot ang boses niya garalgal na tila ba isang matandang babae na itong nasa harap ko. Muli naman siyang tumawa ng pagkalakas-lakas na ikinatayo ng balahibo ko sa buong katawan.

"Parang awa mo na, pakawalan mo na ako. Tiyak na pinapahanap na ako ngayon ng aking ama. Kapag pinakawalan mo ako hindi ko sasabihin kung saan tong lugar na to. Ni hindi ko rin babanggitin na kinuha mo ako. Hindi--"

"Hindi ako natatakot sa ama mo!" sigaw na pagputol naman niya sa pagmamakaawa ko.

Lumapit siya at hinawakan niya ang baba ko. "Kilala ko ang ama mo. At oras na ngayon ng paniningil ko--"



Napabalikwas naman ako ng bangon nong tumunog yong alarm clock sa side table ng higaan ko. Pilit ko naman itong inabot at pinatay. Halos isang linggo ko ng napapanaginipan ng paulit ulit yong senaryong yon, pero hanggang ngayon hindi ko pa  rin maalala kung kailan iyon nangyari sa akin. Yon kaya ang dahilan kung bakit ako nandito sa mundong to? Pero paano? Siya kaya ang may kagagawan nito? Pero bakit? Sino ba siya sa buhay ko? Bakit niya kilala ang aking ama?

Bigla naman akong nasilaw sa sinag ng araw na sumilip sa bintana ko nong inilipad ng hangin yong kurtinang nakaharang dito. Lumapit ako doon, hindi ko pala ito naisara kagabi? Hinawi ko na ng tuluyan yong kurtina at hinayaang makapasok yong sinag ng araw sa loob ng kwarto ko. Napakagandang umaga.

Sinimulan ko naman agad yong morning routine ko at nagbihis ng pangjogging ko. Simula nong magkamalay ako isa na to sa inirekomenda sakin ng doctor, ang daily exercise. Kaya naman kasabay ng mga damit na masusuot ko araw-araw binilhan din ako ni Brent ng pang-exercise. Agad naman akong lumabas ng kwarto ng maisuot ko na ang aking rubber shoes. Buti na lang may araw ngayon makakapagpaaraw ulit ako, kahapon kasi masama ang panahon. Wala naman akong naabutan sa baba, siguro tulog pa sila.

Patakbo kong tinungo ang gate at nagsimula ng magjogging.

---

Sa pag iikot ko hindi ko namalayang nakarating na ako sa play ground ng subdivision na ito. Nagpahinga muna ako sa isa sa mga swing nang biglang may nalaglag na ibon sa harap ko. Inobserbahan ko lang kung anong nangyayari sa ibon pero mukhang injured ito at hindi na makalipad.

Nilapitan ko yong ibon at chineck. "Kawawa ka naman, mukhang nabalian ka ng pakpak." Nasabi ko na lang ng matapos kong suriin yong ibon.

Tumingin muna ako sa paligid bago pumikit at pinagdasal na sana gumaling siya. Pagdilat ko niluwagan ko na ang pagkakahawak sa kaniya, then all of a sudden it starts to flap its wings and he made it. Lumipad siya paikot sakin at nagpaalam na.

"Maraming salamat." Mahinang huni nito sa akin. Napangiti naman ako at napagpasyahan ko ng bumalik sa bahay.

Lately ko lang din na-discover na kaya ko rin palang kausapin ang mga hayop dito sa mundong to. Kaya ko din gamitin ang kapangyarihan ko pero limitado lang. Isa lamang sa mga nagagamit ko ang paggagamot na itinuro pa sa akin noon ni Gigi. Kamusta na kaya sila?

Sabrina: The Last KindWhere stories live. Discover now