Prologue

23 1 0
                                    

Ally

~*~

"Bayad po, sa Xentro Mall lang po."

Pagkasakay ko ng tricycle, pinili kong sa likod pumwesto bukod sa mahangin ay maluwag. Mga ilang buwan na rin akong naninirahan sa mundong 'to, hindi ko alam kung paano ako napunta dito o kung paano ako makakabalik sa mundo ko. Ngunit isa lang ang alam ko, nangungulila na ako sa kaniya.

Kamusta kana kaya Mario? Nasabi na lang ng isip ko.

"Miss, nandito na tayo."

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Bibili lang naman ako ng mga pagkaing gusto nila Ness at Berns. Although masungit si Ness, nakikita ko namang mayroon siyang malambing na side.

Pagkapasok ko sa mall ay dumiretso na agad ako sa grocery section. Bibili na rin ako ng 1 week stock namin sa refrigerator.

"Isama mo na rin ito diyan."

Nagulat na lang ako no'ng iniabot niya sa akin 'yong chocolate na hawak niya.

"Akala ko may meeting ka, bakit ka nandito?"

Dinedma niya lang yong tanong ko sa halip ay patingin-tingin siya sa mga produkto.

'Kung ayaw mo akong kausapin, edi wag! Napakasungit.' kibit balikat ko na lang.

"Na-cancel 'yong meeting, sakto namang nakita kita no'ng pababa ka sa tricycle." sabi niya na nananatiling nakatingin parin sa mga produktong nasa mga estante.

"Ah gano'n ba? Wala kana bang idadagdag? Balak ko na kasing bayaran ito sa counter."

"Nothing, I'm good."

Lumabas na siya ng grocery store at doon na lamang niya ako inintay.

Pagkalabas ko ng grocery store agad ko namang nakita yong pulang kotse na naka-abang sa entrance. Pumunta ako agad sa back seat at inilagay yong mga pinamili ko don, nong akmang papasok na rin ako bigla siyang nagsalita.

"I'm not your driver for you to seat there."

Natigilan man ako sa sinabi niya ngunit bigla na lang nagkusa ang aking kamay upang isara ang pintuan ng back seat at saka pumunta sa passenger seat. Nang maihakbang ko na ang aking paa ay saka ko naman isinara ng may katamtamang lakas ang pinto upang kumagat yong lock.

Nakatuon ako sa unahan ng sasakyan ng mapagtanto kong di pa pala kami umaandar, agad akong lumingon sa kaniya na ikinatigil ko. Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang kaniyang katawan na kinalaki ng aking mga mata. Agad agarang boltahe ang rumagasa mula sa aking talampakan patungo sa aking pisnge na ikinainit nito. Naninigas ang aking katawan na tila ba taliwas at tutol siya sa gustong mangyari ng isip ko. Ang gumalaw.

"Baka mahuli tayo 'pag di ka nagseatbelt." mga salitang nagpabalik sakin sa wisyu. Ikinabit niya sa akin ang seatbelt ng aking upuan at saka lumayo't sinimulang paandarin ang makina ng sasakyan. Hinayaan ko lang siyang mag-drive at nanatilingtahimik, nakatingin lang ako sa bintana. Wala rin naman akong sasabihin eh.

Nang makarating na kami sa bahay nila bumusina siya at agad naman kaming pinagbuksan ng gate ni Kuya Randy. Pagkagarahe niya ng sasakyan, agad naman akong bumaba para kunin yong mga pinamili namin. Tumulong din siya sa pagbitbit non. Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng bahay nong sumalubong samin si Berns.

"Ate Ganda!" bati niya sakin ng may kasamang yakap. "Oh, ba't nandito kana agad kuya? Akala ko ba may meeting ka?" lumapit din siya kay Brent at yumakap dito.

Sabrina: The Last KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon