KABANATA 1

187 5 0
                                    

Patricia's POV

"Akala ko magiging maayos tayo pagbalik ko? Lalo lang palang magiging magulo!"  mahinang hasik ko sa kabilang Silid.

Isang malalim na buntong hininga lamang ang isinagot nito.

"Nangako naman ako na babalik ako diba Abel. B-bakit? Anong nangyari? May nagawa ba akong ikinagalit mo?"

Tuluyan nang umagos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.   "Hindi ko akalaing Diyos mismo ang  magiging kaagaw ko sayo Abel!"

"Kaawaan ka ng Diyos, Anak—."  sambit nito.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa isang silya sa loob ng Confession Room.  "Hindi mo ako Anak Abel at wag na wag mong mabangit-bangit sa akin ang Diyos mo!"

Marahas kong binuksan ang maliit na pinto saka ako nagmamadaling humakbang palabas ng Simbahan may mangilan-ngilan din na nagsisimba ang nakatingin sa akin habang naglalakad ako siguro napalakas ang boses ko kanina. Hindi ko na inaasahang hahabulin pa ako ni Abel.

Nanghihina na napasandal ako sa pader ng Simbahan paglabas ko saka ako humagulhol ng iyak. Wala na ang nag-iisang Lalaking minahal ko ang sakit-sakit.

"Ano ba naman yan Patty! Sabi ko kasi sayo na wag na nating puntahan dito sa Imus si Abel e nagpumilit ka pa ayan tuloy o ano ka ngayon luhaan!"  talak ni Tina Bestfriend ko.

Yumakap ako ang mahigpit dito saka ko ibinuhos lahat ng hinanakit ko.  "Sa loob ng Apat na taon na nag-aral ako ng Medisina sa Amerika naging tapat ako sa Relasyon namin ni Abel wala akong ibang Lalakeng kinalantari habang magkalayo kami hindi ko akalaing pag-uwe ko magiging ganito kami— hindi ko matanggap na nagkaganito kami, Tina! Ang sakit-sakit!"

"Sssshhh tahan na Patty. Ano ka ba move on kung siya nga e naka-move on na o mukhang masaya na nga ata siya na naging Pari na siya saka baka hindi talaga kayo para sa isa't-isa malay mo nasa paligid lang yung Lalaki na nakalaan para sayo. Ano ka ba wag ka na nga kasing umiyak sige ka papanget ka niyan."

"Si Abel lang ang gusto ko Tina!"

"Oo andon na nga tayo kaso nga Pari na nga siya oh saka masmalakas sayo yung kaagaw mo biruin mo ba naman si Lord pa saka maging masaya ka na lang kahit paano hindi ka niya pinagpalit sa ibang Babae saka ano bang iniiyak mo diyan bakit nakuha ka na ba ni Abel?"  ang bibig talaga ni Tina kahit kailan walang preno  talagang lantaran talaga niyang tinanong sa akin ang bagay na yon.

Umiling ako.

"O e di solve na ang problema buo pa pala ang mahiwagang Hiyas ng Kalangitan alam mo dapat sumama ka sa akin may alam akong Lugar na MARAMING PAPABOLS! Malay mo andun na pala yung balls na para sayo."

Mahina ko itong hinampas sa bibig.  "Bunganga mo nga nasa Simbahan pa tayo oh."

Nag-sign of the cross pa ito habang humahagikhim.  "Pagpasensyahan nyo na po ako Lord kung medyo bastos po ang bunganga ko pano namiss ko na po yung luto nyong hakdog na kumakatas!"   kinikilig-kilig pa ito loka-loka talaga pati sa Simbahan ang harot!

Iniwan ko ito saka ako naglakad palayo.

"Hoy, bruha bakit mo ko iniwan ha?"

"Ewan ko sayo uuwi na ako."  inis kong turan.

Humarang ito sa daraanan ko saka ako itinulak palapit sa nakaparada niyang Kotse.  "Sasama ka sa akin at hahanap tayo ng Balls na pwedeng bumasag ng Mahiwagang Hiyas mo! O diba ang saya-saya!"

Natawa ako sa pagiging bungangera nito kahit noong high school pa kami talagang bungangera na siya buti nga at kasundo niya si Abel. Third year kami ni Tina habang Fourth year High School naman si Abel medyo mas matanda ang edad niya kesa sa amin dahil na-late siya ng Dalawang taon bukod kasi sa nag-aaral ay nagtatrabaho din siya paano siya na lang ang inaasahan ng Bunso niyang Kapatid na si Cain namatay kasi sa Aksidente ang mga Magulang niya noong mga Bata pa sila may kumupkop naman na mga Kamag-anak sa kanila pero kung tratuhin sila masahol pa sa hayop kaya gumawa ng paraan si Abel para nakabukod silang magkapatid.

Stranger's Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon