KABANATA 7

30 4 0
                                    

Abel's POV

Wala namang masama kung makipagkita ako kay Patty, tama lang na mag-usap kami para matuldukan namin ng maayos ang Relasyon namin.

Inabot ako ng ala-singko ng hapon bago ako nagpunta sa tagpuan namin ni Patty noong mga bata pa kami. Huminga ako ng malalim pagkababae ko sa tapat ng entrance ng Robinsons Mall Imus saka ako naglakad papasok hanggang marating ko ang Tom's World kung saan kami laging naglalaro ni Patty kasama si Cain tuwing nagde-date kami. Nilibot ko ang mga mata ko- naroon siya sa paborito niyang bending machine matagal ko siyang tinitigan mas lalo siyang gumanda dati pwede ko pa siyang yakapin malayong-malayo na kami sa dati para na kaming Langit at Lupa ngayon maaari ko na lamang siyang pagmasdan mula sa malayo.

Busy ito sa kakalaro kaya hindi nito namalayan ang paglapit ko nagulat pa ito ng magsalita ako.

"A-Abel?!" Lingon nito.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Ako nga."

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito alam kong pinipigil lamang nito ang kanyang luha lalo at nasa mataong Lugar kami.

"Hindi ba gusto mo akong kausapin kaya narito ako. Tungkol saan ba?"

Saint itong nag-isip. "Gusto ko lang malaman kung pwede pa nating ibalik y-yung kung ano ang meron sa atin dati."

Sabi ko na nga ba. Tinitigan ko si Patty Puno pa rin ito ng pag-asa ayoko siyang masaktan pero hindi na pwedeng ibalik ang Relasyon namin hindi ko kayang mabulok sa kulungan ang Kapatid.

"Abel?"

Nag-iwas ako ng tingin saka ako umiling ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Patty ngunit wala akong magawa hindi ko siya kayang ipaglaban kahit mahal na mahal ko siya kaya titiisin ko na lang ang lahat kahit ang mawala siya sa akin.

"B-bakit, Abel? M-may nagawa ba akong mali na ikinagalit mo? Sige sabihin mo naman sa akin- alam mo k-kung gaano kita kamahal diba. Ipinaglaban kita kina Mommy p-pero bakit ganito tayo ngayon b-bakit nasa Simbahan ka na siguro naman I deserve an explanation."

Muli ko itong tinitigan. "I'm sorry kung binitiwan kita Patty tapusin na natin ito dito malaya ka na. Paalam." Tumalikod ako at humakbang palayo ng hawakan nito ang braso ko.

"Talaga bang wala na tayo, Abel?"

Nanatili akong tahimik at walang imik kahit ayokong gawin kailangan para sa Kapatid ko.

"K-kung ganun sige pero may kondisyon ako." Nanginginig nitong turan.

Maingat kong inalis ang kamay nito sa braso ko saka ko ito hinarap. "Anong kondisyon naman iyon?"

Kagat-labing pumikit si Patty bago ito nagsalita at diretsong tumitig sa mga mata ko. "A-angkinin mo ako, Abel."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa pagitan aming dalawa kahit napakaingay ng paligid namin masaya akong marinig ang sinabi nito pero hindi ito tama. Hindi tamang angkinin ko siya kahit alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko siya kayang panagutan dahil na rin sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.

"Patty, bata ka pa at maganda marami ka pang makikilala na higit sa akin-."

"Ikaw Ang gusto ko Abel! Ikaw lang !" Iling nito at muling kinabig ang braso ko. "H-hindi na kita kukulitin pangako pagkatapos nito hindi mo na ako makikita pa lalayuan na kita at tanggapin ko na lamang ang nangyari sa atin kahit napakasakit- a-alam mong Ikaw lang ang minahal ko diba, nangako naman ako e at tinupad ko naman yon pero ano ang naging kapalit. Ganon ba ako kadaling makalimutan ha Abel."

Hindi ako nakasagot lalong hindi ko kayang sabihin ang tunay na dahilan kung bakit kami ganito ngayon kung nasasaktan man si Patty sa kinahinatnan naming dalawa mashigit ang nararamdaman ko dahil kahit mahal ko siya hindi na pwede dahil Pari na ako at si Cain mapapahamak siya kapag sumira ako sa usapan.

Stranger's Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon