KABANATA 11

35 4 0
                                    

Patricia's POV

Pumasok ako sa master's bedroom gaya ng sabi ni Arizze maghanap lang daw ako ng pwede kong isuot na damit mula sa cabinet nito nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto meron itong malaking kama at may apat na naglalakihang mga unan ng nakapatong dito, naagaw ang pansin ko ng isang picture frame matagal ko itong tinitigan bago ako lumapit sa bedside table kung saan ito nakapatong.

Nangunot ang noo ko. Paano siya nagkaroon ng picture ko? Maingat kong kinuha ang frame saka ito tinitigang mabuti.

“Sa Demons Club yan.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses may hawak itong Tupperware ng ice cream.

Ngumiti ito.  “Tatlong flavor ang binili ko.”  Tukoy nito sa mga bitbit.  “Mamaya andito na yung ibang damit mo at mga documents, halika kumain ka na muna nito baka nagugutom na si Baby.”

Ibinalik ko ng maayos ang frame saka ako humakbang palabas ng kwarto nito at sabay kaming nagtungo sa kusina.

Sige lang ang kain ko ng ice cream habang si Arizze abala naman sa pagluluto ng pananghalian namin. Sabay kaming kumain pagkatapos nitong magluto masarap siyang magluto parang si Abel bahagya akong nalungkot ng maalala ko na naman ang lalaking yon ang sabi ko kakalimutan ko na siya pero parang hindi ko pa ata kayang gawin ang bagay na iyon.

“Ayaw mo na bang kumain, Patty?”

Umiling ako.  “M-may naalala lang ako.”

Arizze let out a deep breath.  “Your ex?”

Tumango ako.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ng biglang tumunog ang doorbell ng penthouse.

“I'll get it.”  Tumayo ito at  naglakad papuntang front door. Parang nagi-guilty tuloy ako sa sitwasyon ko ngayon nasa poder ako ng lalaking gusto ako habang ako heto at si Abel pa rin ang laman ng isipan ko.

Muling bumalik si Arizze.

“Isa sa mga tauhan ko, dinaan lang nila ang mga gamit mo. Nilagay ko na sa guestroom na gagamitin mo ummm kain na muna tayo.”

Tumango lamang ako.

Muli itong umupo sa pwesto nito at nagsimulang sumubo ng pagkain.  “May meeting ako mamaya kaya aalis ako baka gabihin na ako ng uwi just feel at home, okay.”

“Bakit ang bait mo sa akin?”  Hindi ko maiwasang itanong.

He chuckled and sighs.  “I like you and I want you to be my Wife.”  Simple sagot nito.

“Kahit buntis ako sa Anak ng ex ko?”

He nodded.  “Bata yan Patty, wala siyang kinalaman sa ginawa o sa nangyari sa inyo ng Ama niya kung hindi ka kayang panagutan ng ex mo pwes ako kaya ko.”  Seryosong turan nito.

“P-paano kung tumutol ang mga magulang mo?”

Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi nito na hindi man lang umabot sa mga mata nito.   “I'm a product of a broken marriage. Nagpakasal lang sila para sa negosyo and after I was born they parted ways. At dahil panganay ako nakuha ko ang malaking parte ng business nila talot din sa akin ang.mga kapatid ko alam nilang sa oras na kantiin nila ako may kalalagyan sila. They were both happy with their own family so I guess they wouldn't bother me if I get married to a girl I choose to spend my life with.”

Nakaramdam ako ng awa para kay Arizze pero kahit paano naging maganda naman ang buhay nito kita naman sa lifestyle nito.

“Marami na akong nakilalang babae at lahat sila naikama ko pero not here in my bedroom dahil may rules ako.”

“Rules?”

“Yup!”  Tatango-tango ito.  “Na ang babaeng ihihiga ko lang sa kama ko ay ang Misis ko dahil siya ang Reyna ng pamamahay ko at dahil siya ang Reyna ako naman ang number one na tagasunod niya bilang Hari. If you decided to share bed with me after the wedding I assure you na ikaw pa lang ang pinakaunang babae ang makakahiga sa kama ko at syempre ikaw na hanggang pagtanda ko.”

“P-paano kung hindi ko pa rin nakakalimutan ang ex ko? Magdi-divorce ba tayo?”  Tanong ko sabay nguya ng kinakain ko.

Nilunok muna nito ang kinakain at uminom ng tubig he cleared his throat.  “I'm not a believer of divorce hanggat kaya ko paninindigan ko. I can wait look I'm old enough para sumuko na lang basta-basta. Kumain ka na lang muna pagkatapos maglinis ka ng sarili at magpahinga.”

“Okay.”

Hindi na kami muling nag-usap pareho naming itinuon ang pansin sa nakahaing pagkain sa malaking mesa nito. Pinakikitamdamani konpa rin hanggang ngayon ang pagiging mabait sa akin ni Arizze parang kailan lang ng magkakilala kami sa Demons Club at napakaimposible naman na bigla niya akong nagustuhan sa pagkakatanda ko parang ilang buwan ko pa lang naman siyang nakikilala ah talagang ang bilis ng pangyayari.

*** 

Arizze POV

“Talaga bang magpapakasal ka sa babaeng yon?”  Habang nakasandal sa swivel chair nito bilang CEO ng Cru & Ashford group of Companies.

Natawa ako sa tanong nito.  “Wow naman Moon mukha atang tutol ka diba dapat masaya ka kasi nakaisip na akong lumagay sa tahimik.”

“Ewan ko lang Rizze pero pag-isipan mo muna wag kang padalus-dalos isa pa sabi mo buntis siya sa ibang lalaki at sa ex pa niya talaga bang nasa katinuan ka pa ba o medyo nagkasaltik ka na dahil inagaw ni Sethorino Cru ang recent girlfriend mo.”

I hissed.  “Paki ko sa kanila at saka dahil pinsan siya ng Misis mo invited din siya.”

Umiling si Diemoon.  “Okay. Basta hindi ako aawat sa inyo sakaling magpang-abot na naman kayo ni Seth hindi ko pa nalilimutan yung pati ako nakatikim ng suntok ni Santiago alalahanin mo na asawa ko na ang prinsesa nila kaya parte na sila ng pamilya ko.”

“No worries pare basta invited kayo tutal sa Clementine Country Club ang venue at malalaoit na kaibigan at kakilala ko lang ang invited syempre kasama na din dun ang mga magulang ni Patty.”

“Okay. E ang mga magulang mo kasama din ba?”

Nabitin sa ere ang mga dapat kong sabihin talagang pinaalala pa niya yung mga yon.  “I don't think that they deserve to be in my wedding isa pa hindi ko na matandaan kung kailan ko sila huling nakita tanging sina Lolo at Lola lang ang nakagisnan kong magulang ko and they both passed away a decade ago diba, pare.”

Alam ni Diemoon ang story ng buhay ko kaya hindi na ito namilit pa kahit mga kapatid ko wala akong kasundo kabaliktaran ko silang lahat pero biglang Kuya kahit pa sabihing may sama ako ng loob eh hindi ko sila kayang tiisin lalo na kapag napapasok sila sa gulo talagang to the rescue ang Kuya nila.

“Okay makakapunta kami basta ba si Lorie ang flower girl.”

“Syempre naman!”  Masayang turan ko bago ako nagpaalam medyo madilim na din baka inaantay ako ni Patty.

Masaya ako dahil ilang araw na lang ang aantayin ko at magiging ganap na akin si Patty magkakaroon ako ng masayang pamilyang pinapangarap ko dati pa.

Stranger's Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon