The Office Boss Tanya 6

1.3K 3 0
                                    


Ng matangap ni Luke ang mensahe ay kinabahan ito. May duda na nga ang among lalaki gaya ng kwento sa kanya ni Tanya. Lalong nagpakaba sa kanya na baka may hinala narin sa kanya. Baka pag pumunta siya sa office ay may naka abang na papatay sa kanya at hindi lang pinahalata sa mensahe ng amo. Pero pag di naman siya pumunta ay baka mas mag duda ng lalo. Baka nga dead give away na rin iyon sa lihim na relasyon nila ni Tanya. Dahil dito ay nag decide na siyang pumunta sa opisina ni Antonio. Kalma lang.

Lunes sa office ni Antonio…

Kakatapos lang ni Antonio tapusin ang mga iilang trabaho habang inaantay ang tauhan na si Luke.

Si Luke naman kabado ng nag lalakad patungo sa opisina ng amo ngunit ginawa ang best para kumilos ng normal. At kumatok na siya. Nakarinig nalang siya ng "Come in."

Normal ang pag pasok ni Luke. Nakita rin niya na normal lang rin ang tingin ni Antonio sa kanya.

"Antonio: Luke dito ka umupo. May trabaho ako para sayo." Sabi at tinuro ang bakanteng upuan sa harap ng desk.

Naglakad naman si Luke sa upuan at umupo.

"Luke: Ano yun sir?" Buti na lang at kinaya niya sumagot ng normal.

"Antonio: Straight to the point to. Nag dududa ako kay Tanya." Sabi niya habang napapa isip sa nangyari nuong biyernes lamang.

Kumunot naman ang mga kilay ni Luke. Umaarte na walang alam.

"Luke: Sure ka sir?"

Tumingin si Antonio sa kanya.

"Antonio: Yes I'm sure. Kaya kailangan ko ng mga mata mo." Huminga siya at nagpa tuloy. "Sharp si Tanya kaya agad niyang mare-reliaze kung bakit kita uutusan sumama sa kanya if magkakaroon siya ng lakad." Sabi niya at sinandal ang likod sa kanyang office chair. "Pero kahit naba na ma realize niya na duda ako, dedma siya sayo, pero mag iingat pa din yan. However may chance na maging kampante siya pag kasama niya na mga friends niya. Pag naka inom na si Tanya baka maging carless na siya at yun ang magiging chance mo malaman kung may kabit nga siya.

Naka hinga ng malalim si Luke dahil mukang walang duda ang amo sa kanya.

"Luke: So bukod sa mga hatid sundo ko sa inyong dalawa sir, sasamahan ko din si Ma'am pag may lakad siya sa weekends?"

"Antonio: Oo kasama ang weekends. Actually mostly weekends since alam ko na marami siyang work pag week days pero it depends din. Pero sa weekends kasama niya naman ako pero ikaw ang sasama in case na may lakad akong iba. Possible outings din. Pero don't worry, may bonus ka sakin sa pag monitor sa kanya."

Naramdaman ni Luke na wala ngang duda si Antonio sa kanya. Natanto nito na ang rason kung bat walang duda sa kanya ay ang status niya sa buhay at ang kanyang muka.

"Luke: Ok sir. Akong bahala. May suspect naba kayo kung sino?"

"Antonio. Yes meron na. Sila Jason at Calvin." Napa isip muna ito sa sarili bago ituloy ang paliwanag. "Pero mas malakas duda ko kay Calvin since seryoso siya kay Tanya dati. Kutob ko na baka hangang ngayon gusto niya parin makamit si Tanya."

"Luke: Aa siya ba yung parating naka lambo?"

"Antonio: Yes. Send ko sayo mga pictures ng kotse niya. May ibang kotse din kasi yun."

"Luke: Got it sir. May iba pa po ba kayo na utos?"

"Antonio: You may go."

Nag bow na si Luke at umalis.

Ng mag start na ang monitor order ni Antonio, nag ingat muna ang dalawang nasa lihim na relasyon. Lalo na at sa araw na mismo na yun ay binigyan ni Antonio si Tanya ng surprise visit sa office nito. Sakto at napag usapan ni Luke at Tanya sa messenger na wala munang tagpo sa araw na iyon. Nabawasan din ang mga gimik. At hindi narin muna nag overnight si Luke sa bahay ng dalawa to be on the safe side. Kahit naba na ramdam na walang duda sa kanya mabuti na ang maging mainam.

Shush Series (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon