C27

39 3 0
                                    

PLEASE, SAY YES.

Dahil sa kapaguran ko ngayong araw hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa bench sa labas ng bahay namin. Pagkatapos kong ihatid kanina dito sa labas si Laurent ay sabi ko uupo lang ako, hindi ko alam na makakatulog pala ako. Hindi manlang ako iniisip ni Mama at hindi ako tinignan manlang.

Nagising ang diwa ko mula sa isang titig. Randam kong may nakatingin sa napakaganda kong mukha.

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata, unti-unti kong naaaninag ang isang pamilyar na lalaki sa 'di kalayuan ang nakatitig sa akin.

Sa kalabuan ng aking mata dahil nga kagigising ko ay hindi ko siya makilala masyado at dahil na rin medyo may kalayuan ang agwat namin. Kinusot ko ang mata ko at inaninag ang lalaki ngunit hindi ko talaga siya makita ng maaliwalas.

Matangkad at naka formal na suot siya, nakamask at nakasombrero rin siyang itim.

Nakatingin siya sa akin at mukhang hindi niya pa nahahalata na napapansin ko na siya.

Agad akong tumayo habang kinukusot ang aking mata at akmang lalapitan sana ang lalaki dahil medyo nakakatakot siya, nang bigla itong gulat na tumalikod sa akin na ikinataka ko, napatigil ako sa paglakad dahil sa kaniyang inasta.

"Baliw.." napabuntong hininga nalang ako at inayos ang buhok. "Ang ganda ko ba masyado para titigan ako? Grabe ka na Derna, iba ang karisma mo." Tatawa tawang sabi ko at akma sanang tatalikod na rin dahil maayos na ang pang aninag ko, nang mamataan kong  muli niya akong pasadahan ng tingin at doon nagtagpo ang aming mga mata.

Tumibok ng mabilis ang aking puso sa hindi mawaring kadahilanan.

Pamilyar ang mata niya pero hindi ko alam kung saan ko iyon nakita.

Tumingin pa ako sa lalaki pero hindi ko na siya makita. Tinignan ko pa ang pinangalingan niya kanina pero wala na talaga.

Hinawakan ko ang parte ng aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Ilang minuto ko pang pinakiramdaman ito bago ako tuluyang pumasok sa bahay at inisip kung saan ko nga ba nakita ang mata  ng misteryosong lalaki na nakatingin sakin kanina, nang bigla akong pabalikwas sa kinatatyuan dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko.

Agad kong binalingan iyong ng tingin at tinignan ang tumatawag. Unknown number.

"Baka scam.."

Mapagtripan nga...

"Hello? Totot totot.  wawayot? Ayayayay ang laki ng butte–"

"Hello, Ate Derna." Dinig kong boses ng babae.

"Who's there?" Makalokong sagot ko dahil baka nantitrip lang.

"Ate Derna, it's me! Gabriella."

"Oh! Hi! Paan–"

"Kay kuya! Hiningi ko ang number mo sa kaniya. Hindi mo ako tinetext nong binigay ko sayo iyong number ko eh!" Pagpuputol nto sakin.

Sorry naman kung hindi kita ma-text text dati. Dahil lang naman sa kabaliwan ko kaya nagkaganon eh.

Pero.. paano niya nakuha ang number ko sa kuya niya, eh, hindi ko naman binibigay kay Laurent ang number ko?

Please, Say Yes.(Under Editing)Where stories live. Discover now