CHAPTER 14 (Confrontation)

3K 63 4
                                    

Abala si Astrid sa pag-aayos upang mamalengke nang biglang pumasok si Ericka sa kanyang kwarto.

"Ate, ipagbili mo na rin ako ng ballpen ubos na kasi ang tinta nung mga pansulat ko," wika niya at nakangiti namang tumango si Astrid.

Pagkatapos magpaalam ni Astrid ay agad siyang naglakad dahil sa kanto pa ang mga masasakyan upang makapunta ng bayan.

Hindi naman ito kalayuan kaya kayang-kaya niya itong lakarin total naman ay mayroon siyang payong.

Hindi pa siya masyadong nakakalayo ay mayroong sasakyan na tila papalapit sa kanya dahil mabagal ang takbo nito.

Nang nasa harapan niya ito ay agad itong huminto. Agad siyang kinabahan dahil dito kaya napaatras siya at kakaripas na sana ng takbo nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

Natigilan naman siya at napalingon. Isang matangkad na lalaki na siguro ang mga edad nito ay nasa singkwenta pataas. May katikisan pa ang lalaking nasa kanyang harapan at kahit na sinong tao ang mahaharap sa kanya ay kakabahan dahil sa awra nito. Ngunit nakakakita ang dalaga ng medyo pagkahawig ng kanyang mukha kay Yvo.

"Astrid, maaari ba kitang makausap?" maawtoridad nitong wika at nakita na lamang ng dalaga ang kanyang sariling tumatango.

Habang sila ay nasa byahe tila hindi makagalaw sa kinauupuan niya si Astrid dahil katabi niya mismo ang lalaki.

"Saan ka pupunta?"

Nilunok muna ng dalaga ang kanyang laway dahil tila nanunuyo ang kanyang lalamunan. "Sa palengke po," matipid niyang sagot.

"I am his father, Sebastian Razon. Nalaman kong may kinukupkop pala ang aking anak na hindi namin alam. But perhaps he has a reason," ani niya at nagsisimula ng kabahan si Astrid.

"Wala po kaming masamang intensyon sa inyong anak. Nagkakilala po kami sa ospital kung saan ang kapatid ko ay-" Hindi na niya naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin nang biglang pinutol ito ni Mr. Sebastian.

"Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa at wala naman akong pagtutol sa pagtulong niya sa inyo. Ang hindi ko lamang gusto ay mukhang ikaw ang napili niya," ani nito na siyang ikinalito naman ni Astrid.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong ipunto.

"Ano pong ibig ninyong sabihin, Mr. Sebastian?" tanong niya na diritsong nakatingin sa mga mata nito mismo.

Napangiti naman siya. "Alam kong may pinag-usapan kayo at alam ko ring may kontrata sa pagitan ninyo. Dadalhin mo sa iyong sinapupunan ang kanyang anak hindi ba?" lintanya niya at hindi makasagot ang dalaga.

"Kung ako sa iyo ay huwag mo na itong ipagpatuloy pa. Hindi tulad mo ang dadala ng aking magiging apo. Alam ko ang mga tulad mo. Kung ang problema ay ang kidney transplant ng kapatid mo dahil sa kontrata ninyo ay 'wag mo ng alalahanin dahil ako na ang sasagot. Layuan mo lamang ang anak ko," ani niya at hindi naman makahinga ng maayos ang dalaga dahil sa kanyang mga narinig.

"Gagawin kong miserable ang buhay ninyong dalawa at siguro naman kahit papaano ay matalino ka, Astrid."

Para siyang nanliliit sa kanyang sarili. Ano ba siya sa mga mata ng ibang tao?

Porke ba isa lamang siya normal na tao at mahirap ay wala na siyang karapatang irespeto kagaya na lamang ng nararanasan niya ngayon? Ito ang mga katagang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan.

Napabuga siya ng kanyang hininga at pili na hinarap si Mr. Sebastian. "Ramdam at alam ko po ang pinupunto ninyo Mr. Sebastian, ngunit hindi po ako ganoong klaseng tao kung ano man po ang na sa inyong isipan. Marami ka na po sigurong nakilala ganoon kaya natakpan at sirado na po kayo kahit pa magpaliwanag ako ay hindi pa rin magbabago ang inyong pananaw. Naiiintindihan ko po iyon ngunit ang nais ko lamang po ay kausapin ninyo po ang anak ninyo," mahabang lintanya niya at nagkatitigan lamang silang dalawa na para bang walang balak na magbalikwas ng tingin.

"Nandito na po tayo," wika ng driver dahilan upang mapatingin si Astrid sa labas.

Nasa harapan na sila ng palengke. "Maraming salamat po sa paghahatid sa akin," wika niya at binuksan ang pinto saka lumabas at agad itong isinara.

Patuloy lamang siya sa paglalakad at walang balak na lumingon hanggang sa marinig niya ang huni ng sasakyan na paalis na. Para siyang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maayos. Napahawak siya sa kanyang dibdib at patuloy pa rin ito sa pagkabog.

SA KABILANG banda abala naman si Yvo sa kanyang opisina. Hindi na sila muna nagpatuloy ni Astrid sa bahay amponan kung saan magbibigay sila ng tulong.

May mga kailangan kasi siyang tapusin sa lalong madaling panahon dahil tila may kalaban siya dahil nakukuha nito ang kanyang mga kliyente na dapat ay sa kanya. Kung wala siyang gagawin ay tiyak na magpapatuloy ito babagsak ang kanilang kompanya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-uusap ng kanilang sekretarya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang ama.

Agad namang lumabas ang kanyang sekretarya at naiwan silang dalawa.

"Pa," tawag ni Yvo at alam niyang may hindi magandang nangyari dahil sa kanyang awra.

Hindi naman siya nito pinansin at patuloy pa rin ito sa paglakad papunta sa kanyang bintana at kita nito ang mga taong paroo't-parito.

"Alam mo ba kung bakit nawawalan ka ng kliyente?" tanong niya na siyang ikinagulat ni Yvo.

Tatlong kliyente na ang nawala sa kanya.

"Hindi mo alam dahil abala ka sa mga walang kwentang bagay. Maghanap ka ng iba, Yvo. Nakausap ko na siya kanina at kung matalino siya ay alam niya na ang kanyang gagawin," wika niya dahilan upang magbago ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Lahat naman ay ginawa niya sa pamilya kahit na naging isang bigo siya ay hindi niya ito pinabayaan. Sinunod niya ang lahat ng mga utos nito ngunit tila sukdulan na pati ang pakikialam ng kanyang ama sa kanyang buhay.

Naikuyom ni Yvo ang kanyang palad at nakita naman ito ng kanyang ama dahilan upang matawa ito. "What now? Susuntukin mo ang sarili mong ama dahil lang sa babaeng iyon?" asik niya at halata ang galit sa tono ng kanyang boses pati ugat sa kanyang leeg.

Hindi na nagsalita si Yvo, kung kaya't agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Kailangan niyang puntahan sa lalong madaling oras si Astrid. Parang nagkakarera ang kanyang kaba at napasuntok sa kanyang manubela dahil hindi niya halos mapasok-pasok ang susi dahil sa panginginig sa galit.

Kailangan niyang makita ang dalaga.

"Where are you, Astrid?"



LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon