CHAPTER 17 (Ang Pagbabalik)

2.8K 54 3
                                    

Basang-basa sa ulan sina Astrid at Yvo. Tumutulo ang tubig sa buhok ni Astrid habang binabayo siya ni Yvo sa loob mismo ng sasakyan. Mas lalong lumakas ang ulan at hangin kaya wala ring makakapansin sa kanilang sasakyan na tila ba gumagalaw-galaw. Wala rin namamg gaanong sasakyan na dumadaan kay malaya silang gawin ang kanilang gusto.

Napaamin ng wala sa oras si Yvo ng kanyang nararamdaman sa dalaga dahil hindi rin siya sigurado kung salungat din ba ang nararamdaman ni Astrid para sa kanya. Noon pa man ay gusto na ni Yvo ang dalaga at ngayon ay tila mahal na niya ito.

Puno ng ungol ang sasakyan habang binabayo niya ng patuwad si Astrid. Hubo't-hubad din ang dalaga kaya malayang napagmamasdan ito ni Yvo.

Abala sila sa kanilang ginagawa nang biglang tumunog ang kanyang selpon hudyat na may tumatawag. Agad namang tiningnan ito ni Yvo at tila natigilan siya nang malamang ang ina niya pala ito. Hindi pa rin siya tumitigal sa pagbayo kay Astrid at sinagot ang tawag.

Tinatanong nito kung nasaan siya kaya sinenyasan niya si Astrid na pigilan ang paglikha ng ingay at ganoon din ang ginawa nito habang wala pa ring tigil sa paghugot at pasok niya sa dalaga.

Bahagyang nagulat si Yvo nang anyayahin silang dalawa mismo ni Astrid bukas ng gabi sa kanilang bahay at utos din umano ito ng kanyang ama.

"We'll be there, I got to go, Mom," aniya atsaka pinatay ang tawag.

Mas lalong binilisan ni Yvo ang kanyang pagbayo hanggang sa makaraos silang dalawa.

Nang makapag-ayos sila ay doon na lang din nahimasmasan si Yvo nang baliktanawin niya ang pinag-usap nila mismo ng kanyang ina.

"Iniimbitahan tayo nila mama at papa sa bahay bukas para sa dinner," wika nito atsaka naman natigilan ang dalaga at tinitigan ang binata.

Alam nitong kinakabahan ang dalaga dahil na rin sa nangyari sa kanya kanina ngunit may kutob si Yvo na kinausap ito ng masinsinan ng kanyang ina. Kapagka may nangyayaring hindi nagustuhan ng kanyang ina ay hindi na siya magugulat kapag ipapatawag siya o maging ang kanyang ama.

"You look worried. Huwag kang mag-alala kilala ko ang aking ama. Ako na ang humihingi ng pasensya yet I'm sure he will as well when the two of you meet again. He invited us to dinner, and I suppose we should be prepared," ani nito saka kinuha ang kamay ng dalaga at bahagyang pinisil.

Hindi aakalain ng binata na halos hirap na hirap na sa buhay ang dalaga at todo kayod sa pagtatrabaho ay sobrang lambot pa rin ng kamay nito.

Para siyang nakukuryente sa tuwing ilalapat niya ang kanyang balat sa dalaga at hirap man siyang aminin ay kinikilig siya sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.

"Baka kasi anong mangyari," wika naman ni Astrid halata sa tono ng kanyang boses ang pag-aalala.

Inipid naman ni Yvo ang ilang hibla ng kanyang sa tainga nito at bumulong. "They will love you just as I am in love with you," bulong niya at pinamulahan naman ang dalaga.

May kilig na tinahak ng dalawa ang byahe papauwi.

AIRPORT
Alas-dyes ng gabi . . .

"Kanina pa ako rito. Nasaan ka na ba?"

Sa isang sulok ay mayroong isang mestisang babae ang nakaupo sa isang bakanteng upuan at abala sa pagtitipa sa kanyang telepono at panay tawag sa kanyang kaibigan na dapat ay susundo sa kanya.

"Heto na nga at hinahanap ka na. Bakit ba kasi hindi mo rin ako hanapin para naman makatulong ka sa inang kalikasan ano?" naiiritang sagot naman nito sa telepono.

Hindi na siya sumagot sapagkat alam niya ring malapit na ang kanyang kaibigan at wala pang ilag segundo ay makikita na siya nito.

"Bruha!" sigaw ng isang babae at narinig nito ang takong ng kanyang sapatos na papunta sa kanyang direksyon.

Hindi niya man ito lingunin ay alam niyang si Diane na ito ang kanyang matalik na kaibigan.

Nang magkita ang dalawa ay agad silang nagkayakapan dahil ilang taon din ang lumipas simula nang lisanin niya ang lugar upang makapagtago. Ngunit ngayon ay bumalik na siya upang maghiganti. Wala naman sana siyang balak ngunit ang kaibigan niya lang mismo ang nagbigay sa kanya ng rason upang bumalik dahil may nasagap umano itong balita.

Lagi niyang nakikita ang binata sa mga magasin o maging sa mga diyaryo lalong-lalo na kapag patungkol ito sa negosyo. Inaamin niyang minahal niya rin ang binata dahil hindi naman ito mahirap mahalin at kung tutuusin ay napakaswerte niya na noon dahil halos lahat ay nasa kanya na ngunit sinayang niya ito at iyon ang malaking kamalian niya.

Mayroon din kasi siyang nobyo noon kahit magkarelasyon pa sila ng binata.

"So you're back here for good?" tanong ni Diane habang tinutulungan siyang magtulak ng kanyang mga bagahe.

Umiling naman siya at narinig niya naman itong bumuntong-hininga. "Hindi ka naman kriminal para magtago at isa pa ay masyado ng naging matagal ang taon na iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas? Nakalimutan ka na ng mga iyon!" wika niya atsaka umirap habang ngumunguya ng kanyang chewing gum.

Napairap naman ang dalaga sa kanyang tinuran. Nahihiya pa rin siya ngunit sa kabila noon ay may galit sa kanyang puso at tinik na hanggang ngayon ay hindi makuha-kuha kahit ilang taon na nga ang lumipas.

Masyado na ngang makapal ang kanyang mukha dahil siya pa ngayon ay may ganang magalit ngunit tao lang din siya at masyado siyang ginipit ng mga taong iyon.

Gusto niya lamang makaganti upang gumaan kahit papaano ang kanyang loob lalong-lalo na sa binata dahil wala man lamang itong ginawa upang ipagtanggol siya. Alam niyang minahal siya ng binata at kapag nagkita silang dalawa ay sigurado siyang babalik at babalik ito sa kanyang piling.

Hindi siya papayag na may babaeng aagaw ng kanyang pwesto.

"Hoy! Okay ka lang ba? Kanina pa ako salita ng salita rito pero para naman akong timang," ani nito at doon lamang niya napansin na nasa labas na pala sila at nag-aantay na ng masasakyan.

"Wala kang dalang sasakyan?" tanong niya na hindi makapaniwala dahil iritang-irita na siya sa hindi malamang kadahilanan o dahil naiisip niyang may ibang kasama ang binata sa mga oras na ito.

"Pinaayos ko pa kay Simon," sagot naman nito habang pumapara ng sasakyan.

Tumaas naman ang kilay niya at nakangisi. "Kayo pa rin pala hanggang ngayon?" tanong niya atsaka umismid.

"Aba'y oo naman hindi naman ako parehas sa 'yo," ani nito na walang delikadesa ang bibig at ganoon naman din siya.

Hindi na lamang siya nagsalita dahil ayaw niyang madagdagan ang pag-init ng kanyang ulo.

"Yvo, your Celestine is back."

LET ME LOVE YOU: Yvo Razon Casanova (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon