SNYSF 02

11 2 37
                                    

Several days have passed. And yet here I am still cannot forget the tall, moreno and handsome guy from the NSTP-CWTS orientation.

Sa mga nagdaang araw ay nalulumbay ako sapagkat hindi ko na siya muli pang nakita sa campus. Tanging ala-ala lamang niya noong orientation ang meron ako.

Every night I'm just filling my delusions of him by adding some imagination of his perfectness.

Binisita kong muli ang post na sinend ko sa secret files para lang muling madismaya sa mga walang kwentang comments na nando'n.

Ni wala man lang kahit isa sa kanila may nag mention ng tamang tao, at puro pag a-assume lang na sila daw ang tinutukoy ko.

Salamat nalang talaga sa wala.

Wala talaga akong makukuha na matinong sagot sa secret files, kaya bakit pa ba ako umaasa na mahahanap ko siya through posting there?

I sighed for the i don't know how many times today. I lost track of counting because I get too occupied thinking about him.

Nasa isang orphanage ang buong section namin ngayon kasama ang ibang courses na nag t-take ng CWTS.

"Kung hindi ako nag kakamali pang 35th sigh mo na yan mula nang magkita tayo sa campus kanina," tumingin ako kay Khen na may lungkot sa mga mata.

"Oa mo naman, bakit mo binibilang?" malumanay kong tanong.

"Bakit ba kasi ang tamlay tamlay mo today teh?"

"Miss ko na siya," tanging nasagot ko nalang. Napansin ko ang pag irap niya pero hinayaan ko nalang.

Pa'no ba naman kasi, hindi kasama ang section nila sa mga bibisita sa orphanage. Sa ibang lugar sila at wala akong idea kung saan 'yon.

Umasa pa naman ako na ito na ang chance para makita siyang muli. Bakit naman kasi sa ibang place pa pinili ng professor nila? Ayaw ba nilang matuloy ang nauudlot naming love story?

"Sigh..." I sighed again because of disappointment. Tumingala ako upang pag masdan ang kulay asul na kalangitan at para damhin ang preskong simoy ng hangin.

Because of my high expectations kaya patuloy akong nakakaranas ng pagkadismaya.

We are currently seated sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno dito sa orphanage. Katabi ang mga kaklase kong nagpapahinga kagaya ko na kakagaling lang sa pagbubungkal ng lupa.

Hindi ko naman akalaing magiging hardinero kami sa CWTS.

Ang mga bata kasing narito sa orphanage is mga may special needs kaya pili lamang ang makakapasok talaga sa loob upang makipag interact sa kanila. Mahigpit pa nga kasi need magpasa ng x-ray result para payagang sumama. And limited to 5 representatives lang per section.

Hindi na ako nakipag agawan ng slot at hinayaan nalang ang mga kaklaseng may gusto talaga. At kaming hindi papasok ay maglilinis na lamang sa labas ng orphanage. Pinapili kami kung magwawalis kami sa harap or mag tatanim sa likod. Pinili ng mga kaklase ko na sa likod nalang since malilim at presko doon kumpara dito sa harap na sobrang init.

I didn't expect na punong puno ng damo ang likuran ng orphanage at kailangan naming tanggalin lahat ng 'yon at saka lang namin matataniman.

May kasabayan kaming section na galing sa college of agriculture—base on their ID laces— at hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon nila, nagbabakasakaling makikita muli siya.

Pero wala talaga.

Miss ko na talaga siya.

Tinungo ko ang ulo ko para magmukmok at tinitigan ang kulay berdeng mga damo. Pinaglaruan ko ang mga ito para malibang at kahit papano mabaling sa dahon ang atensyon ko.

So Near Yet So FarOnde histórias criam vida. Descubra agora