SNYSF 03

8 2 50
                                    

Tulala ako ngayon sa itaas na deck ng kinahihigaan ko naghahanap ng antok sa bakal na nandoon. Kanina ko pa gustong matulog pero ayaw makisama ng antok ko at pinapanatili pa rin akong gising hanggang ngayon.

I have 7 am class tomorrow and it is already 1:30 am, and I'm well aware how messed up my sleeping schedule is. I only have two hours and thirty minutes 'til my alarm goes off, indicating I should get up and get ready for school.

Napabangon ako sa pagkakaratay at napahilamos ng mukha out of frustration.

"Please gusto ko lang ng kahit 5 minutes na tulog," I begged almost whispering, afraid of waking up my dorm mates.

So many thoughts are flooding my mind right now and I don't know where they are coming from. Napaka wrong timing ng pagsulpot ng mga ideas sa utak ko. Kung kelan need ko gumising nang maaga.

I reached for my phone and decided to scroll through facebook hoping it will make me a little bit sleepy. I also wore my earphones and played some soothing music.

Naisipan kong bisitahin ang profile ng lalaking laman ng isipan ko lately. Isa rin siya sa main reason kung bakit hindi ako makatulog ngayon.

I'm imagining fake scenarios with him, well aware that it will never gonna happen.

Hindi ba sya napapagod kakatakbo sa isip ko. Kasi ako gusto ko na talaga matulong.

After kasi ng post ko sa secret files ay nag react siya na naging rason para kiligin ako ng malala at hindi maka move on hanggang ngayong madaling araw.

I'm looking for a sign kung i-aadd ko ba siya or huwag.

While scrolling through his timeline. I noticed na naka display sa profile niya ang ig account niya so I decided to follow him there.

Hindi naman siguro obvious doon diba? Hindi naman niya ako kilala and imposibleng mag follow back siya. Kailangan ko lang maging updated sa latest posts niya.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang makita ang mga posts niya sa instagram.

"Shems ang pogi talaga!" mahina kong tili.

Kainis! Bakit may ganitong nilalang na nag i-exist at ngayon ko lang na discover?

I opened my dummy account and posted there.

_________
H. Mint
just now| 2:20 am

one dot add ko siya.

_________

Wala pang isang minuto ay may nag comment na agad. Isang tuldok mula sa high school bestfriend kong si Fin.

Grabe gising pa rin pala 'to.

Because of her response ay inadd ko na si Nicholas at napag desisyunan nang pilitin matulog kahit ilang minuto lang.

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang vibrate ng cellphone ko.

Tinignan ko ang oras sa lock screen display and it was already 6 am!

"Late na ako," I told to myself and rushed to the bathroom to take a quick shower.

I just brushed my teeth and nag ayos ng konti after maligo at pumasok na.

Yes naman! Papasok na kulang sa tulog, walang kain at walang inom ng tubig.

Parang pumikit lang ako ng isang segundo. Ayoko na talaga.

Sana maka survive pa ako sa araw na 'to.

It was already 6:40 am nang matapos akong mag ayos, at patakbong umalis ng dorm.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 24, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

So Near Yet So FarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora