17

1 0 0
                                    

-

may nag text .....

----

From : Cedric

Have you receive the milk tea?

----

To : Cedric

at sino may sabi sayo na padalhan ako ng milktea?  at FYI ayuko ng milktea! 

----

From : Cedric

okay, Fine... bye , I'm busy, love you

----

di ko na sya nireplyan maiinis lang ako sa kanya lalo

"ooh ana anong nangyayari sayo? "pang uusisa ni Loraine.

"Walaaa! naiinis lang ako !" kita ko naman ang pag salubong ng mga kilay nya.

"Nang naka ngiti?"natawa naman sya bigla.

"bahala ka "natawa pa lalo sya sa sagot ko.

-

-
Weeks pass by and still......
-

sa bahay kinausap ko kaagad si Rita

"Rit ? "pagsisimula ko ng usapan.

"oh bakit?"nagtataka nya namang tanong.

"Gusto ko na sanang mag resign " biglang kumunot ang mukha nya sa sinabe ko, tila diskumpyado ito sa sinabi ko.

"huh? di pwedi, ". sabi ko na nga ba at aangal sya.

"Bakit naman? "kalmado kung tanong sa kanya.

"may pinermahan kang contrata diba nung nakapasa ka saprobation? ". pag papaalala nito sakin sa contratang pinermahan ko.

"oo nga pala ano?". naalala ko ang contrata ko.

"2 years contract ang pina pirma sayo, 1 year ka palang halos , bawal kang umalis unless patatalsikin ka !". pahabol nya pa sa paliwanag nya nung una.

"Ano? so 1 year pa ang bubunuin ko ? "walang gana kung tanong.

"Yes dzae.  at  bakit ba? ei ang ganda ganda na ng kompanya nati ngayun, baka di kana makahanap ng magandang kompanya tulad ng kompanya natin ngayon , at takenote ! maganda din ang mga benefits natin". Tahimik lang akung nakikinig sa mga sinasabi nya. 

oo nga ? bakit ba kasi kailangang may umalis na isa sa amin ?  Bakit kailangan ako ang umalis? Bakit ako aalis ? 

"At ang mga bayarin mo ? bahay, pangkain at sa pasko ? ano ? uuwi ka sa probinsya ng wala ng trabaho ? at tsaka ang hirap- hirap ng mag hanap ng maghanap ng trabaho ngayon " hindi ko alam kung humihinga pa ba sya habang senesermunan ako.

pero tama sya sa lahat ng sinabe nya , kaya sige wag nalang tsaka ang layo-layo nya rin naman nasa taas na sya ! kalma ka lang!.

"oo nga pala ,Ana ? dito na tutuloy ang pinsan ko  huh , sa susunod na mga araw andito na sya?" tila ba nag papaalam ito

"oo ba  "maikli kung sagot.

"duon sya sa bakanteng kwarto , makikihati rin sya sa lahat ng mga bayarin" ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"Inom tayo? "wala ko sa sariling pag aaya.

"sigi ba" kita ko naman ang pagtataka sa muka nya , pero pumayag parin sya agad.

tsempo rin at day off namin bukas  . Nag luto na sya ng pwedi naming pulutan , nag order narin ako ng chicken wings . 

ako na rin ang bibili ng alak namin habang nagluluto pa si Rita.

ChangesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang