III. A start of something

882 19 3
                                    

Archie's POV

Dad: 'San ka nanaman galeng?

Archie: Sa school, Dad. Where else would I be?

Dad: Ganito ka late. Sinong kasama mo?

Archie: Uh, si Gino at Poch, sino pa ba Dad?

*Sabay akyat nito sa kwarto*

My God, lahat nalang galaw kailangan lagi ipaalam.

• Monday Morning

Roxy's POV

Ayaw ko pumasok. Parang 'di kaya ng sikmura ko makita muna si Tim. Lalong-lano na si Poch. Niloko nila ako. Hindi ko alam gagawin ko.

Ate ni Roxy: Roxy! Late ka na, ano may balak ka pa bang pumasok?

Pumasok ng kwarto ang Ate ni Roxy

Roxy: Ate, I am not feeling well.

Ate: Ini-ingles ingles mo pa ako 'dyan, anobang nangyari sayo? Late ka na umuwi nung Biyernes, ngayon 'di ka naman papasok. Lunes na lunes.

Roxy: 'Te basta. Masakit 'yung tiyan ko, ulo ko. Buong kaluluwa ko ok?

*BEEP BEEP* malakas na busina ng kotse sa tapat ng bahay nila Roxy

Ate: Anak ng tokwa, ang aga-aga may nangbubulabog.

Lumabas ang Ate ni Roxy at nagulat ito biglang bumungad ay ang isang Aguerro

Ate: Mr Aguerro? Hindi ba't ikaw, 'yung addict na -- este Archie anak ni Harry Aguerro

Archie: Uh. Oho.

Ate: Ano pong pakay nila?

Archie: Anjan ba si Roxy?

Ate: Ah.. may ginawa ba ang kapatid ko?

Archie: Susunduin ko lang.

Nagulat ito.

Ate: Susunduin??


Ate: Hoy, Roxy. Bumangon ka 'dyan may sumusundo sayo.

Roxy: 'Te hindi nga ako papasok diba? Kung si Tim 'yan. Please paalisin mo na.

Ate: Anong si Tim? Si Archie. Archie Aguerro.

Roxy: Ha?! Ano ginagawa ng mokong 'yon dito.

Ate: Eh malay ko rin. Dapat ikaw tinatanong ko. Diba't kaaway niyo 'yan bakit parang mukhang umaakyat ng ligaw.

Roxy: 'Te malisyosa ka, baka siya iligaw ko ng landas.

Lumabas si Roxy ng kwarto.

Habang si Archie ay nakaupo sa kanilang sala.

Roxy: Archie? Hoy, Archie. Anong ginagawa mo dito?

Archie: Sinusundo ka. Hindi ba halata?

Roxy: Addict ka talaga eh noh. Bakit mo ko sinusundo, magkaibigan ba tayo?

Roxy and Archie | RoxChie AU (Senior High)Where stories live. Discover now