#5

203 12 3
                                    


Roni's Pov

Anong oras na pero hindi parin ako makatulog, nasa dulo ako ng kama ko at nakatingin lang sa pader, sa totoo lang hindi ko alam ang iisipin ko. Blanko lang kasi ang laman ng utak ko.

Naramdaman konaman na tumabi si borj sa kama. It's weird, di ako naiilang na may katabi sa kama at lalake pa.

"Ano, hindi ka na ba kinakausap nong Carlo?" Pang aasar n'ya kaya tumalikod ako para humarap sakanya, inaasahan kong naka upo lang s'ya sa kama ko pero hindi, naka higa rin s'ya.

Nag tama ang mga mata namin, from that moment, narealize kong ang gwapo palang multo ni borj. Napatingin ako ng malalim sa mata n'ya papunta sa matangos n'yang ilong pababa sa labi n'ya.

Ngumisi naman s'ya sa'kin. "Gusto mo ba'kong halikan?" Pabirong sabi n'ya.

Inirapan konaman s'ya at tumalikod na uli para harapin ang pader pero ang totoo biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napahawak ako sa dibdib ko, 'ano ba 'to'

Hindi ako pwedeng mag salita sa isip ko dahil nababasa n'ya. Nakakainis, bakit mayron syang ganong ability.

After non, nakatulog narin ako.

Noong kinaumagahan, wala na s'ya sa tabi ko. Hindi naman talaga s'ya tatabi sa'kin sa pag tulog.

Pumunta ako sa kusina para mag handa ng umugahan pero nakita kolang din s'ya doon at nag mumukmok.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko.

Tumayo naman s'ya habang nakapamulsa. "Gusto sana kitang gawan ng breakfast, kaso hindi ko naman mahawakan yong mga pan" may lungkot sa tono n'ya.

Natawa naman ako. "Bakit mo naman ako ipag luluto pa ng breakfast 'no. Inaaya ako ni carlo ngayon, mag b'breakfast date kami"

Naging mataray ang mata n'ya't hindi tumitingin sa'kin. He's avoiding my gaze. Ano bang problema n'ya? Napaka-lalaking tao, napaka attitude, dinaig n'ya pa yata ako.

"Teka borj, nakita mo ba yong bracelet ko? dito ko iniwan yon nong nag luto ako e'." Tanong ko sakanya, pero hindi ko naman sinusubukang hanapin yong bracelet.

Nag lakad s'ya papalapit, sobrang lapit.
Naramdaman ko ang kamay n'ya sa bewang ko. "Andito sa likod mo, ayan oh" turo n'ya.

Tumalikod naman ako para kunin 'yong bracelet, dali dali akong pumunta sa kwarto para mag kulong, pero sinabihan ko muna s'yang wag susunod dahil mag aayos na'ko.

Nasa likod lang ako ng pintuan, hawak kolang ang bracelet habang 'yong isa kong kamay naka hawak sa dibdib ko.

Ambilis ng tibok ng pusa ko, siguro dahil first time na may malapit na lalake sa'kin. Nakakainis, kahit pa 'yon ang rason, di dapat ganto ang maramdaman ko kay borj.

Rinig ko s'ya sa labas ng pinto. "Roni?"

Binuksan ko ang pinto at hinarap s'ya "Bakit nanaman ba??" Pag kukunwari kong naiirita. "Sama ako sainyo" sambit n'ya habang suot ang maamong mukha. Nanlambot ang tuhod ko.

"Ayoko 'no. Last time na sinama kita, purposely mong tinaob yong ketchup kay carlo, do you know how embarrassing that is for him?" Sagot ko. 'hindi ako matatalo ng maamo mong mukha 'no! hindi naman ikaw si carlo' sambit ko sa isip ko. Sarkastiko naman s'yang ngumiti, alam kong alam n'ya ang sinabi ko sa isip ko.

Umalis narin s'ya sa harap ko at umupo sa sofa sa may salas. Napangiti nalang ako, para s'yang batang hindi pinag bigyan sa laruang gusto n'ya. Ang cute n'ya.

Write me loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora