#6

210 16 5
                                    

Roni's Pov

"Bakit ka nag mumura ngayon?" Nakangising tanong n'ya dahil narinig nanaman nya'ko.

"Huh? pinag sasabi mo d'yan. Assumero" sabay lagpas ko sakanya.

Sinubukan ko s'yang hindi pansinin.
Nakakairita talaga, mag kakaron nalang ng multo sa unit ko 'yong malandi pa.

Nag ang cellphone ko, it was carlo.

Sakto ang pag tawag n'ya dahil tatawagan korin sana s'ya.

[Hello roni?]

Bago ako sumagot sakanya ay nag kunwari akong umuubo.

"Hi carlo"

[May sakit ka ba?]
Tanong n'ya.

Nag kunwari uli ako. "Oo pasensya ka'na, hindi yata kita masasamahan. Sorry talaga carlo, babawi ako, promise!"

[It's okay roni, don't worry about it. Basta mag pahinga ka muna. If you want, punta ako d'yan, hindi nalang din ako pumunta?]

Nakaka-guilty pero wala na talaga akong gana pumunta, kulang nalang ay mag lagay ako ng mga puno sa condo unit ko dahil naandito lang ako magdamag. I barely go out.

"No carlo, umattend ka. Importante 'yan, don't worry about me, just please umattend ka"

[Okay fine, just update mo kong ano ng nararamdaman mo, okay?]

"Okay" tanging sagot ko.

Then he said goodbye and i dropped the call.

Sakto rin namang nag message ang lola ko sa side ni mommy, tinatanong n'ya kong busy ba'ko. Miss naraw n'ya ako, sana naman ay makabisita ako kapag hindi na'ko busy. Sigurado akong pinsan ko ang nag type non, masyado ng malabo ang mga mata ng grandparents ko para gumamit pa ng phone.

Ngayon alam ko na ang gagawin ko, ang gusto kong gawin, alam ko na kong saan ako pupunta.

I packed my thing and left, hoping na hindi dumaan roon si carlo, dahil mag tataka s'ya kong bakit walang tao sa condo ko.

It's a long drive, gladly kasama ko si borj. Tahimik lang kami pero it's not awkward and actually it's comforting. It's comforting for no reason.

Madilim narin nong nakarating ako, gusto kong i-surprise si lola dahil hindi na'ko nag reply at diretso ayos at alis.

Sa likod ng bahay ako dumaan, nakita na agad ako ng hardinero nila, matagal na s'yang nag tatrabaho rito. Hindi maramot ang grandparents ko, malaki sila mag pasahod at maganda sila makitungo kaya naman hindi na umalis ang hardinero nila ever since na natangap n'ya ang trabahong 'to.

Nilagay ko ang daliri ko sa labi ko, telling him to keep quiet.

Rinig ko ang pag tatalo ng grandparents ko, nonsense na pag tatalo lang naman. Pinag tatalonan nila kong sino na ang mas malabo ang mata.

"Ano ba yan lo at la, parehas namang malabo na ang mga mata ninyo" pag singit ko habang nag tatalo sila, nakangiti pa'ko habang sinasabi 'yon.

"Ronalisa!" Masayang bati nila sa'kin.

Agad akong umakap sakanila, nakakapagod rin yong byahe, nawala 'yon nong nayakap ko na sila.

Inabot ni lola ang juice sa mesa para sa'kin. "Ginulat mo naman kami ija, akala naman e' hindi ka manlang pupunta rito" may pag tatampo sa tono ni lola.

Tumayo ako at umakap sakanya "la, sorry na po, naging busy lang, andito na naman ako, sorry na po" panunuyo ko.

"Haynako roni, hayaan mo 'yang lola mo, pero tama ka, mabuti naman at naandito kana" pag singit ni lolo.

Write me loveWhere stories live. Discover now