Chapter 7

392 11 0
                                    


***Chelsia Ava Jackson"

"Kuya kanina ka pa tahimik" tanong ko kay kuya Jacob ng hindi ito kumikibo kahit ang dami ko ng ikinukwento.

"Ava,Im a gay" kagat nito ang pang ibaba niyang labi na tila naiiyak ito.

"Kuya,I know,kahit ano ka pa tanggap kita" sabay tapik ko sa balikat nito.

Nakita ko ang paglandas ng luha sa kanyang mata.

"Kuya whats wrong?" iginilid nito ang kotse sa isang park.
Lumabas ito at naupo sa isang bench sinundan ko  at naupo sa tabi niya.

Dinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga.

"Natiklo kami ni Dad,at sobrang galit na galit siya sa akin "

Nalungkot ako sa narinig.

"Sinaktan ka ba ni Dad?" may pag aalala kong tanong

"He was about to punched me pero napigilan siya ni mommy,itinakwil na ako ni Daddy....Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon alam kong masisira si Dad dahil sa pagkatao ko"

Maging ako ay hindi ko din alam kung anong sasabihin ko kay kuya,nakinig lang ako sa mga sinasabi niya at hinayaan kong umiyak lang siya.

Hinatid niya ako hanggang gate ng bahay at umalis din ito umuwi sa condo niya.

Pagpasok ko ay tahimik na ang bahay mukhang tulog na sila kaya dumiretcho na ako sa kwarto ko pero napatigil ako ng makitang nakabukas ang kwarto ni Mommy at Daddy.

"Hindi ko matatanggap na may bakla o tomboy sa mga anak natin,iniingatan kp ang reputasyon ko tapos ang hinayupak ko pang anak ang dudungis" dinig ko ang madagundong na galit ni Daddy.pero kasunod noon ay ang paghagulgol niya.

"Panginoon saan po ba ako nagkulang bakit kailangang mangyari ito sa pamilya ko" may pagtatanong siyang hikbi

Dahan dahan akong pumasok sa aking kwarto.
Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Kinaumagahan nadatnan ko na sila Daddy at Mommy na magkakape.

"Goodmorning po" bati ko sa kanila

"Anong oras kang umuwi,sinundo ka ba ng kapatid mong bakla" may pang uuyam na tanong ni Daddy.

"Simula sa araw na ito huwag ka na magpasundo pa sa baklang yun,kumain ka na nasa labas na ang maghahatid sundo sayo sa trabaho " tila nandidiri si Dad sa pagbigkas ng bakla.

Hindi nalang ako umimik,kung tutuusin mas hipokrito pa ang mga taong  sarado ang utak.

Pagdating ko sa Department store ay bukas na ito pero hindi pa naman ako late.

Pagpasok ko ay nag gegeneral cleaning na ang mga nasa firat floor.

"Anong ginagawa niyo wala pa namang friday ah bakit general cleaning na tas kaaga aga mamayang gabi pa dapat ang linis na yan" ani ko sa visor ng first floor.

"Naku Ava,yung amo nakakita daw ng butiki kagabi kailangan daqay maipakita kaming butiki sa kanya"nakasimangot na saad nito.

"Maam saan kami hahanap ng butiki para huminto na tayo kapagod na lahat na ng display nabuhat na namin pero wala kaming makitang butiki" dinig kong reklamo ng isang saleslady.

Inis akong umakyat sa 2nd floor kung saan naroon ang office ni Rich at kung saan ako nakatoka.

"Bakit mo naman pinapahirapan mga empmeyado sa 1st floor Maam Rich,kanina pa sila di matigil ka lalabas sa lahat ng display nila" sinamaan lang ako ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Deserve nila yon hindi nila nililinis ang area nila" masungit nitong tugon.

"Eh malay natin lumipat na dito sa 2nd floor yun" humalukipkip akong tumingin sa kanya.

Mabilis itong tumayo sa kanyang swivel chair at lumapit sa akin.

"Gusto nyo din bang mag general cleaning dito?" hawak niya sa aking braso.

"Hehe,joke lang Maam...pero andiyan na yung butiki!!.." sigaw ko sabay laki ng aking mata

Agad itong tumalon at nagpabuhat sa akin.

"Ano ba Maam ang bigat mo bumaba ka nga" tulak ko sa kanya dahil nakalambitin na ito sa akin.

Nahulog ito sa sahig.

"Ouch,ang harsh mo naman sakin" irap nito

"Yan dapat sayo nananching ka lang" ani ko.

Alam ko na mga galawan niya para makalapit sa akin.Pero parang naiwan sa ilong ko ang pabango nitong nakakaadik.

"Ava nasaan si maam Rich?" tanong ngnisnag saleslady galing 1st floor.

"nasa sahig bakit?" natawa ito ng mahina at sinensyasan ako sa hawak.

"Ah nahuli niyo na pala,akin na" saad ko sa butiking nakalagay sa loob ng empty plastic bottle.

Pagkaabot niya ay ibinato ko kay Rich na hinihilot ang likod nito pero nakasalampak sa sahig.Sa pagbato ko ay sakto sa kandungan niya ang bote ng mineral water at siya namang paggalaw ng butiki sa loob ng bote.

"waaahhh...!!" agad na napatayo si Rich dahilan para mauntog ito sa mesa.

Akmang pupulutin ko sana pero mabilis na itong pumasok sa loob ng kanyang opisina at napansin ko ang paglock nito.

"Pfftt babaerang takot sa butiki,pero di takot sa mga babaeng daig pa ang butiki kung kumapit" bulong ko.

Inilagay ko sa bote malapit sa lagayan ng pera for sure hindi na yan siya magtatangkang lalapit pa sa akin.

Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako kapag naiisahan ko siya at napapasuko.

________

Ilang araw na hindi pumasok si Rich dahil nilagnat daw ito.Siguro dahil sa sobramg takot nya kaya ganon.Naawa tuloy ako sa kanya.

"Ava,pwde mo bang dalhin tong gamot sa condo ni Rich? ani ni Maam Lj dahil siya ngayon ang narito habang wala pa si Rich.

"Sige po Maam,dadalhin ko po"Kahit ayaw ko sana wala naman akong magagawa dahil empleyado padin ako dito kahit bestfriend ko ang may ari.

Pagdating ko sa unit ni Rich ay agad akong kumatok pero walang nagbubukas sinubukan kong itulak hindi naman ito nakasara.

"Maam Rich...Maam..andito na po yung gamot niyo..Maam?" wala akong makitang tao kaya ngtungo ako sa kusina wala din sinubukan kong buksan ang kwarto dahil may nauulinigan akong tao sa loob.

Dahan dahan kong binuksan at nanlaki ang mata ko sa aking nakita at narinig

"Babe,mahal kita alam mo yan diba" malanding saad ng babaeng naka panty at bra nalang na nakapatong kay Rich.pero tinutulak naman ni Rich ito paalis sa ibabaw niya.

"Ano ba Aira,sandali nga" pero imbes na umalis ang babae ay sinunggaban na niya ng halik si Rich.

Nahulog ko ang hawak kong plastik na may lamang mga gamot ng makita ko ang mapusok na halikan nila ng babae.Agad na napalingon sa gawi ko si Rich at mabilis itong bumangon pero bago pa ito makatayo ay mabilis na akong tumakbo palabas ng kanyang unit.

"Babaera talaga." naiinis kong saad habang mabilis ang aking paglakad

"Ava...wait!!!..sandali lang..magpapaliwanag ako" sigaw nito pero hindi ko na nilingon at agad na sumakay ng taxi pabalik ng store.

"Bakit ka naman magpapaliwanag ano ba kita,hmmp!!" sambit ko at umirap pa ako.

"Maam okay ka lang" wika ng driver na pinagmamasdan pala ako sa salamin kaya medyo nahiya ako at matipid ko nalang itong nginitian.

Tama nga sila kawawa talaga ako kapag siya ang naging gf ko..Napangiwi ako dahil sa iniisip...Never..overay sexy body,hindi ako magkakagusto sa isang babae lalong lalo na sa Rich na yon..

Possessive CEOWhere stories live. Discover now