Chapter 15

354 14 0
                                    

***Rich Sinsuat***

Matapos ang dalawang araw na meeting ko sa mga ibat ibang malalaking tao dito sa singapore ay agad din akong umuwi dahil sa sobrang pagkamis ko kay Ava.

Dumiretso ako sa bahay niya na binili ng kompanya para sa kanya habang naka base siya dito sa pangasinan.
Alam niya bukas pa ako uuwi gusto ko siyang sorpresahin.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso habang hinihintay na magbukas ang pinto.Muli kong pinindot ang doorbell ilang saglit pa ay bumukas na ito.
Umawang ang labi nito pagkakita sa akin.

"Hi,Im home" malawak ang ngiting bungad ko.

Ilang segundo rin itong napatulala at tumitig sa akin.

"A-kala ko ba bukas ka pa babalik"Utal nitong wika.

"Sasabog na kase ang puso ko sa sobrang pagkamis sayo kaya hindi ko na hinintay naag umaga " ani ko naman.

"Corny.." at tinalikuran na,sumunod nalang ako sa kanya habang naglalakad papunta sa living room naupo ito sa mahabang sofa tumabi naman ako sa kanya.

"Para sayo" abot ko sa box ng chocolate at bugkos ng bulaklak.

"Salamat,ano nag dinner ka na ba?" umiling ako.

"Halika sa kitchen sabay na tayo kumain sakto katatapos ko lang nagluto" sa pagtayo niya ay hinawakan ko ang kamay nito at hinila paupo sa aking kandungan.

Namilog ang mata nito at namula ang mukha.Niyakap ko siya habang nakakandong sa akin.

"A--anong ginagawa mo huy" saway nito sa akin.

"Hayaan mo lang ako,gusto ko lang mag charge,sobrang pagod ko kase" malambing kong saad.

Hinayaan naman niya ako ng ilang segundo pero tumayo agad ito ng maramdaman niya ang paghagod ko sa kanyang likod.

"Okay na yon,sapat na matulog ka nalang mamayanpara mas makabawi ka " aniya at dumiretso na sa kusina.

Napanguso nalang akong sumunod sa kanya.

"Ahm pwde ba akongatulog dito?" tanong ko ng matapos naming kumain.
Tumingin ito sa akin na tila inaaral ang aking mata.

"Kubg dimeretso ka sana sa bahay mo edi nakatulog ka na ngayon atsaka ang liit ng place ko makikisingit ka pa" masungit niyang tugon.

"sige huwag na nga,uuwi nalang ako,mga isang oras at kalahati lang naman ang byahe sa condo ko,tapos wala pa akong dalang kotse dahil nag taxi lang ako kaya magtataxi ulit ako pauwi ng bahay baka masamang tao pala yung driver basta kapag may nangyari sa aking masama sa daan huwag mong sisihin ang sarili mo ha,okay lang ako naintindihan kita" mahaba kong litanya.

Lalong namilog ang mata nito sa aking sinabi.

"Haist sige na nga,dito ka na matulog,may konsensya pa ako konti" pairap itong tumayo papasok sa kanyang silid.

Naghalf bath ako at tumabi na agad sa kanya.

"Te-teka,bakit dito ka doon ka nalang sa sofa mahaba naman yon kasya ka na doon " reklamo nito.

"Eh dito ang gusto ko,goodnight antok na ako" wika ko at yumakap sa kanya bago ko tuluyang ipinikit ang aking mata.

Naramdaman kong tila pigil nito ang paghinga.

"Bakit kailangang may payakap pag matutulog" dinig kong reklamo nito.

"Hindi naman kita bestfriend para ganyan na yumakap ka" napaisip ako sa sinabi nito.

Idinilat ko ang aking mata." So normal sa inyo ni Vhiel ang magyakapan habang natutulog?" tila nagtatampo kong tanong.

"Oo wala nqmang malisya ah bakit may masama ba doon?"inalis niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at tumalikod.

"Ganon ba yon,ka0ag straight walang malisya talaga,walang ibig sabihin?"Nakatulog nalang ako kaiisip.

____

Pagkagising ko ay wala na si Ava sa aking tabi.kusot ko ang aking mata na tinungo ang kusina.

"Ava,nasaan ka?"

"Ava..." napatigil ako sa paghikab ng makita kong may bisita.

"Goodmorning po Sir" bati ko sa kanyang ama.

Tinignan niya ako ng tila may mapanuring mata.

"Oh so iisang bahay pala ang tinutuluyan nyo dito,hindi mo ata ito na ikwento sa akin iha?" nakita ko ang takot sa mukha ni Ava.

"Ah hindi po sir,naki tulog lang po ako kagagaling ko lang kase sa business trip mas malapit kase dito na pagpapahingaan uuwi na din po ako" ani ko ng hindi na makasagot pa si Ava.

Tumango nalang ito at tumingin muli sa anak.

"Iha binigay ko kay Glenard tong lugar na to,maybe one of this day dadalaw siya sayo,sana naman mapag usapan niyo na kung kailan niyo planong magpakasal" maotoridad na saad nito.

"Dad,hindi pa nga po kami nanliligaw palang si Glenard atsaka wala akong planong mag asawa pa" iritadong sagot nito.

Nag excuse muna ako para magtimpla ng kape.Pabalik na sana ako ng marinig ko ang tila pag taas ng boses ng Ama ni Ava.

"Layuan mo yang babaeng yan Ava baka mamaya magaya ka sa walang kwenta mong kapatid!" madiin nitong saad kay Ava.

Hindi na ako bumalik nag stay nalang ako sa kusina hanggang sa makaalis ito.

"Nakaalis na si dad,bakit hindi ka na bumalik" bungad ni Ava ng makita akong nagkakape.

"Mukhang mahalaga kase ang pinag uusapan niyo kaya hindi na umeksena" matipid kong ngiti.

Tumayo ako at hinugasan ang aking pinagkapehan.

"So paano kita nalang tayo sa office,uuwi muna ako para magpalit ng damit" paalam ko akala ko hahabulin niya ako at sasabihing ihahatid pero walang humabol kundi ang aso sa kabilang bakod ang tahol ng tahol.

Pumara ako ng taxi at bahagya pang lumingon umaasang may tatawag sa aking pangalan pero wala talaga.

Napabuntonghininga nalang ako.

"Wala talaga siyang pakialam sa akin".

Possessive CEOWhere stories live. Discover now