Chapter 17

126 7 6
                                    

SEVENTEEN

Hindi maiwasang bigyan ng tingin ni Riftan si Cliodhna habang sila'y naglalakad sa gitna ng kalsada kasama ng ibang mga tao na naroroon. Matapos nilang mapag-usapan si Malacai, nagpatuloy na sila sa paghahanap.

Cliodhna stopped when she saw a crowd. Nagkukumpulan sila sa isang lugar. Hindi naiwasang mabalot ng kuryosidad si Cliodhna kaya naman unti-unti siyang lumapit doon.

"Bakit sa matao pa—" naputol ang pagrereklamo ni Riftan nang mawala na sa paningin niya si Cliodhna.

She's in the crowd.

"Sab?" Tumiad pa si Riftan upang makita ang pekeng kulay brown na buhok ni Cliodhna. "Sab?"

Nagulat naman ito nang biglang may humila sa laylayan ng kaniyang damit nang pagkalakas, dahilan para siya'y madala. "Anak ng—"

Her head was in between people's body, peaking.

'Ang cute niya. Gag-'

"Tingin ko, nakahanap na tayo ng paraan para mahanap si Malacai." She couldn't help but have a little smile painted on her face.

Agad namang umikot ang mga mata ni Riftan.

'Binabawi ko na pala yung inisip ko.'

"Nasaan?" Kunot-noong usisang tanong naman niya.

"Halika rito. Sumiksik ka nang makita mo."

"Ayaw ko! Ang daming tae—este, tao." Masungit na batid ni Riftan.

"Huwag ka nang maarte."

"Ayaw ko nga—"

"Susunod ka o mapipilitan kang sumunod?" Banta ni Cliodhna.

'Kahit magulang ko, hindi ako napasunod. Ikaw pa kayang amo ko lang? Huwag mo nga akong yabangan. Matigas 'to.'

Ani ni Riftan sa kaniyang isipan.

"Susunod." Pagsuko ni Riftan.

'Pero minsan, lumalambot din.'

Agad niyang bawi sa mga inisip niya kanina lamang.

Nang makasiksik na sila pareho upang makita ang poster na pinagkukumpulan ng madla, agad naman nila iyong binasa.

[ Pagbati. Narito ang Akademya ng Mahika upang kayo'y anyayahan na sumali sa isang espesyal na kompetisyon na gaganapin sa aming paaralan.

Ano: Kompetisyon ng Akademya ng Mahika

Saan: Akademya ng Mahika, sa Ahlsenkabisera o Capital ng imperyo

Petsa ng Pagrerehistro: Ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito

Petsa ng Kaganapan: Ika-29 hanggang ika-31

Mga Kinakailangan: May kakayahan sa paggamit ng mahika, o espada, maging sa paglutas ng mga misteryo, o sa kung ika'y may angking talino.

Only Death Awaits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon