MARAHUYO

31 0 0
                                    

Naliliwanagan ang angking kagandahan,
Mula sa sinag ng nagbibilugang buwan.
Maitutulad sa iyo ang kanyang kariktan,
Sa ngiti mo ay nagbibigay kasaganahan.

Sa malasultlang buhok ay walang sinabi,
Ikaw siguro'y tinaguriang reyna ng gabi?
Kislap ng mata na kapareho kay Mayari,
Bawat hanay ng tala ay sayo pumupuri.

Nawa'y sa sunod pang pgsapit ng silim
Ay mapawi ang mga luhang kinikimkim.
Lagi mong aalalahaning likha ka ng sining,
Kahit wala pang dilim ay nagniningning.

MAKATANG LIGAWWhere stories live. Discover now