11

25 3 2
                                    


Margot

“Ikaw pala ang cousin ni ate Mich?!” I said in bewilderment. He nodded shyly. Inalok niya ang dalang cupcakes na malugod ko namang tinanggap.

“Sorry medyo late ako” nahihiya niyang saad. Mahinhin siyang napakamot sa batok habang nakatingin sa akin.

“Tito Twontwon!” singit ng bida-bida kong pamangkin. Napasquat si Preston ready nang saluhin si Raia. Napangiwi ako dahil sa pamangkin ko.

Edi wow kung kaya i-catch ‘yang bida-bida kong pamangkin. When kaya ‘yong feelings ko? Chariz.

“Did you wait for me?” nakangiting usal ni Preston sa pamangkin niya. Mula kay Raia ay lumipat ang kaniyang tingin sa akin.

His hooded almond brown eyes were intense. Parang nanglalapa. Mula sa mata ay napunta sa kaniyang matangos na ilong at labi ang tingin ko. Syempre hindi palalampwsin ang biceps na pansing-pansin kasi sa medyo fitted niyang white t-shirt. Pwede bang hawakan biceps mo?!?

“Kumain ka na?” dahil sa intense niyang tingin ay ‘yon ang nasabi ko. Binalik ko ang tingin sa kaniya. Siguro ay nagtataka siya ba't ang lagkit ng tingin ko—este ang intense ng tingin ko sa kaniya.

“Actually I haven't had breakfast. Late na akong nagising” mahinhin niyang sagot at napatayo mula  sa pagkakasquat. Ano ba ‘yan so mahinhin?! Mas dalagang Filipina pa ‘to sa’kin!

“Kung gusto mo magluluto ako” alok ko at tipid na ngumiti.

“You can't cook” sabat ng magaling kong pamangkin habang kunot ang noo. Bida-bida talaga mana sa tatay.

“I know how to cook. Hindi mo pa ata natikman luto ko eh” pabiro kong sagot sa bata.

“Ako nalang since I'm the one who's eating” volunteer niya.

“Ay ‘wag na! Turn mo naman magbantay kay Raia” palusot ko. Mukhang kumbinsido naman siya dahil malapit nang tumango.

"Are you sure you're going to cook?" he asked with his low voice, his eyes sparkling with doubt. Although he's smiling. Nahihiya akong tumango. Dapat maging dalagang Filipina ako ngayon! Kahit pa kaharap ko pa ang future bf ko!

"Ako na bahala kay Raia, do your thing" paalam niya. I absentmindedly nodded and smiled.

Kanina ko pa tinatago ang ngiti ko. Ang hirap kasi! Hindi ko alam na mahilig pala siya sa bata. May tinatago pala siyang side na ganito. Mukha kasi siya 'yong type na ayaw sa mga bata. ‘Yung type na kapag umiyak ‘yong batang binabantayan niya iiyak din siya.


Nagprito ako ng itlog, hotdog at bacon. May rice naman na. Marunong naman talaga akong magluto! Prito-prito nga lang! Next time papaturo ako kay mommy. Nanghihinayang na tuloy ako sa cooking class ko kay mommy na palagi kong tinatakasan. Kung alam ko lang na isa sa requirement ng pagiging future girlfriend ni Preston ang marunong sa pagluluto. 

Katapos kong magluto ay nagset na ako ng table. Syempre isinali ko na rin  ‘yong snack ni Raia. Medyo gutom na rin ako dahil gatas lang breakfast ko. Katapos kong magset ng table ay pinuntahan ko na sila sa sala.

Si Raia at Preston naka-upo sa sahig habang naglalaro ng barbie. Bahagyant nanlaki ang mata ko mukhang hindi pa nila napansin presensya ko. They're just immersed to what they're doing.

“Uhm” pagkuha ko ng atensyon nilang dalawa. “The food is ready” they immediately stood. Hinawakan ni Preston ang kamay ni Raia at naglakad papuntang dining room syempre kasama ako.

Bakit lahat sa kaniya ay mahinhin? Pero hindi naman nagmamatch sa boses niyang mababa. Kahit mahinhin siyang kumain ay ang pogi pa rin. Ang hirap itago ‘yong kilig eh. Pogi ng kasama ko.

“Let's play later po!” masiglang aya ni Raia habang kinakain ang cookies niya.

“What do you want to play later?” tanong ni Preston sabay inom ng tubig. Ang gwapo talaga!

“Make up!” bigla naman akong nabulunan. Alam ko na ‘to ginagawa niya ‘to sa tatay niya. Gusto kong bigyan ng trigger warning si Preston pero na-unahan na niya ako.

“Okay we'll do that” nakangiti niyang sagot sa bata na ikinatawa naman nito.

***

Bakit ang unfair ng mundo? Kahit ang gulo ng make-up sa mukha ni Preston ay ang gwapo pa rin?! My niece giggled upon seeing her uncle's face. She kept on putting lipstick on Preston's lips. I was just watching them laughing. Hindi manlang nagtatampo si Preston sa tawa ko. Parang na-inspire pa siyang payagan si Raia na sirain ang pagmumukha niya.

“Raia! Stop na! Look at your Tito oh!” I said between laughing and pointed Preston.

“It's okay” natatawang sagot ni Preston. Si Raia naman ay napa-pout at tumingin sa amin. Iniwas ko ang tingin ko at ch-in-eck ang oras sa cellphone ko. Maga-ala-una na ng hapon. Naglunch na rin kami at siya naman ang nagluto.

Ina-amin ko mas dalagang Filipina talaga siya sa akin. Pati sa pagluluto ang galing niya.

“It's time for your nap na” strikta kong saad napasimangot naman si Raia na lumapit sa akin.

“Its her nap time already? It's too early” Preston tried defending Raia's joy and checked his wrist watch. Mariin akong umiling-iling.

“Bilin ni ate Mich na patulugin si Raia” I said and carried my three years old niece. Mukhang pagod na rin naman siya sa pagmamake-up at pakikipag-habulan sa amin ni Preston.

“Let me carry her. She's heavy” he said with concern. Takaga naman! Dalagang Filipina na nga maginoo pa. Two in one na. Pero sa true lang medyo mabigat talaga si Raia.

“Sure ka?” paninigurado ko at lumapit sa kaniya. Tumango naman siya at agad ko namang binigay sa kaniya ang bata.

Okay, kaya na ‘yan ng biceps niya.

Ilang minuto niyang kinarga si Raia bago nakatulog ang bata. Take note; may make-up pa mukha niyan. Patago ko ngang kinuhanan ng picture. Cute eh.

Tumambay ako sa sala at nanood ng Miraculous Ladybug. Ewan ko ba ang cute lang mga characters. Bigla namang dumating si Preston na may make-up pa rin sa mukha. Pigil tawa—pigil hininga ko siyang tiningnan. Iba talaga nagagawa ng manifestations!

“Uhm. Can you help me remove this? It's okay kung ayaw mo” nahihiya niyang saad habang nakatingin sa akin.

Malaki ang ngiti ko habang tinutulungan siyang linisin ang mukha niya. Nasa CR kami habang magkaharap malapit sa may salamin. Ano bang trip ni kuya ba't may salamin dito? Gumamit ako ng make-up remover tapos wipes. Grabe walang ka-pores-pores! Nakakahiya pagmumukha ko. Ingat na ingat ako sa paglinis ng mukha niya. Nakapikit siya habang ginagawa ko ‘yon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko ‘yong time na nagsend ako ng wrong na file sa kaniya. Parehas na parehas ‘yong kaba. Ang ka-ibahan ay kaharap ko na siya ngayon.

“Lingon ka sa kaliwa” saad ko para mas malinisan ang mukha niya.

Hindi hindi siya para sa akin, ipipilit ko. Chariz lang hindi naman kaya ng powers ko ‘yon. Inilapit ko pa ang mukha para mas matingnan kung may bakas pa ng lipstick ang mukha niya. Literal kasing ginawa siyang coloring book ni Raia. Habang focus na focus ako sa ginagawa ko ay ganoon naman ang pagiging patient ni Preston.

“Tita Gia!” bigla kaming nagulat sa tawag ni Raia. Napahawak ako sa balikat ni Preston. Out of instinct siguro ang paghawak niya sa bewang ko habang naga-alalang nakatingin sa akin.

Tangina.

˚୨୧⋆。˚ ⋆

Unsent DocumentWhere stories live. Discover now