Chapter 1

3 1 0
                                    

Sa misteryosong kagubatan ng nario kung saan nakatira ang mga kakaiba at mababagsik na nilalang sa boung shakarya. Sa gitna nito ay may napaka tayog na puno, naaabot nito ang kalangitan.
Sa paanan nito ay may isang kakaibang tahanan na gawa sa mga ugat ng punong iyon.

Sa mga siwang ng mga ugat ay makikita ang paglabas ng nakaka silaw na gintong liwanag.

"Master Hori!! Ano ang kakaibang liwanag na nanggagaling sa tahanan nya?" Sabi ng binatang may bitbit ng mga halamang gamot. Kapansin pansin sa binata ang kakaiba nitong wangis dahil ang kanyang katawan ay punong puno ng balahibo ng ibon.

Ibinuka ng binata ang nakatagong pakpak sa kanyang likuran at kaagad itong ipinagaspas nang sagayun ay makalipad sya patungo sa tahanan ng kanyang guro.

Hindi rin nagtagal ay nakarating din ang binatang ibon sa pintuan ng kanyang guro. Kaagad nya binuksan ang pintuan at nakita nya ang kanyang guro na may kakaibang expression na para itong takot na takot sa isang bagay.

Doon napag tanto ng binata na may ibinigay ang Sinaunang puno na pangitain sa kanyang guro. Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ang sinaunang puno pangitain pero ito ang unang pagakkataon na nakita nya ang kanyang ang guro ng may takot sa mukha.

Kaagad siyang lumapit sa kangyang guro at tumigil sa harapan nito.

"Ayos lang po ba kayo guro?." Tanong ng binata sa kanyang guro na tila naguguluhan pa sa mga pangyayari.

Narinig ng guro ang tanong ng binata at tumingin lang sya dito bago sumagot.

"Ahh ayos lang ako ethan."

Nakampante ang binata nang marining ang tugon ng kanyang guro.

"Ano pong klasing pangitain ang ibinigay ng sinaunang puno upang magkaroon kayo ng takot sa inyong puso Guro?." Marahang tanong ng bianata sa kanyang guro. Tumingin sa mga mata ng binata ang guro.

"Nagbiagy ng napakasamang pangitain ang sinsunag puno."

"Bakit po napakasama?"

"Ipinakita sa akin ng puno ang kanyang katapusan.... pati narin ang katapusan ng boung sangkatauhan. Maraming dugo dadanak sa ating mundo dahil sa isang nilalang namay na isinilang ng may itim na kaisipan." Bawat salita na lumalabas sa bibig ng guro ay parang isang punyal na tumatarak sa puso ng binata.

Katapusan ng mundo?

At pagkasira ng sinaunag puno?

'talagang napaka hindik ng pangitain na ito.' bulong ng binata.

Sa mundo ng shakara mayroong karaniwang kaalam tungkol sa sinaunang puno. Ayun sa alamat may tatlong  dakilang dyos na nagmulan sa mataas na mundo na bumaba sa kalupaan na tinatawag na Earth.

Dahil ang mundo na iyon ay walang mahiwagang kapangyarihan at punong puno ng kasakiman , pagnanasa at galit. Hindi na tuwa ang mga dyos sa nadatnan nila.

Kaya nagpasya silang gumawa ng mundo sa loob ng mundong ito na tinawag na shakara. Ngunit ang mundong kanilang nilalang ay hindi matibay at maaring masira sa kahit na anong oras.

Ngunit ang dyos na luway na may kaalam tungkol sa mundo ay nagbigay ng kanyang opinyon na bakit hindi sila maglagay ng isang puno ng mundo sa loob nito.

Sinubukan nila ang opinyon ng dyos na si luway at gumana ito, dahil pagkalipas lamang ng ilang libong taon umusbong ang puno ng mundo.

Natuwa sila ng makita ito ngunitay napansin nang isa pang dyos na si amukay, nakita nya na ang ugat ng umusbong na puno ng mundo ay nakakonekta sa puso ng dalawang mundo. Ang mundo na tinawag nilang mundong ibabaw at ang mundo na kanilang nilikha,

Tumayo ang guro sa kanyang kina uupuan at kumuha ng ilang piraso ng papel at isang panulat. Bumalik sya sa kanyang kinauupuan at sinulatan ang mga papel.

Habang ginagawa ito ng guro tahimik lamang na nagoobserba ang binata sa kanyang guro.

Mga ilang minuto ang nakalipas at natapos din ng guro ang kanyang sinusulat. Nialagay nya ang mga papel sa apat na magkakaibang sobre at nag bangngit ng enkantadong salita na nag sarado sa mga sobre.

Tinawag ng matandang guro ang binata at ibinigay ang sobre.

"Ethan ihatid mo ang mga sulat na ito sa apat na kaharian at pagkatapos ay bumalik karin ka agad dahil may susunod ka pang misyon." Sabi ng guro. Lumuhod si ethan pagkatapos tanggapin ang mga sulat na nag papahayag ng kanyang pagsunod sa utos.

"Humayo kana!."

Agad din tumayo ang binata at lumabas sa tahanan maligid sa kanyang kaalam ay may ibinulong ang matandang guro sa kanyang likuran.

"Naway kaawaan ka nang iyong ama." Malungkot na banggit nito.

Nang makaalis ang binata patungo sa mga kaharihan ay pumunta naman ang matandang guro sa isang kwarto upang mag dasal sa dyos ng langit.

........

Makalipas ang ilang araw na paglipad sa kalangitan ay narating narin ni ethan ang kalupaan ng apoy kung saan nakatira ang mga nilalang na tinatawag na hatorian.

Ang mga hatorian ay magagaling sa paglikha ng malalakas na sandata at biniyayaan din sila ng malakas na pangangatawan.

Ang lupain ng apoy ay punong puno ng mga kabundukan at mga bulkan na pinanggagalingan ng mga miniral na minimina ng mga hatorian.

Ang kanilang kaharian ay tinatawag na Pirmor ang kaharian na kilala sa kanilang mga pambihirang kagabitan at mga modernong sandata. Ito ay pinamumunuan ng hari ng mga hatorian na nagngangalang sinko.

Si haring sinko ay ang ika-dalawang pong hari ng pirmor na nakagawa ng sandatang eloi na may lakas na kayang hatiin ang isang malaking bato na para lang itong isang tinapay.

Habang papasok na si ethan sa bulwagan ng kaharian ay pinatigil sya ng mga gwardya.

"Humintuka at ipakita ang iyong pagkakilanlan!" Sigaw ng isa sa mga gwardya.

Lumapit si ethan at ipinakita sa gwardya ang isang kahon na gawa sa kahoy. Nang makita ito ng gwardya ay tumango ito at pinapasok narinsi ethan sa kaharian.






Shakara: The Rise Of The Heroes Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα