Chapter 2

2 1 0
                                    

"Anong pakay ng isang guwak sa aking kaharian?." Tanong ng isang napakagwapong lalaki na nakaupo sa isang trono na gawa sa ginto habang nakatingin kay ethan na nakaluhod sa ibaba ng trono.

"Ako po si ethan kamahalan, ako po ay studyante ng ikalimang tagapangalaga ng sinaunang puno." Sagot ni ethan ng may galang.

"At ano naman ang pakay ng studyante ng tagapangalaga??" Tanong ni haring habang inilagay nya ang kanyan kamay sa kanyang baba.

"Ako po ay pinagkatiwalaan ng aking guro na ihatid po ang sulat na ito." Inilabas ni ethan ang sulat sa loob ng kanyang bag at itinaas ito gamit ang kanyang dalawang kamay na parang nag aalay.

Kinumpas ng hari ang kanyang kamay na nag bigay hudyat sa isang kawal na kuwahina ng sulat. Lumapit ang isang kawal na mula sa gilid ng trono kay ethan at kinuha ang sulat na ibinigay naman ng kawal sa hari.

Sa unang haplos palamang ng balat ng hari sa sulat ay alam na nya ito ay galing talaga sa punong tagapangalaga. Binuksan ng hari ang sulat ng parang wala lang at binasa ang sulat.

Habang binabasa ng hari ang sulat tahimik lang na pinapanood ni ethan ang hari at  hindi na nagulat sa pag dilim ng expression nito.

Ibinaba ng hari ang sulat at ipinikit ang kanyang mga mata na parang naguguluhan sa mga pangayayri.

"Hedos!" Tawag ng hari si galid nya.

"Kamhalan!" Lumapit ang isang magiting na lalaki at lumuhod sa harapan ng hari.

"Ihatid ang ating panauhin sa kanyang pagpapahingahan." Utos ng hari kay hedos.

"Masusunod po kamahalan." Lumapit si hedos kay ethan at itonuro ang daan kung saan siya ay magpapahinga.

Sumunod naman si ethan ng mahinahon dahil gusto nya narin talaga magpahinga dahil sa pagod mula sa paglipad ng ilang araw.

........

Knock!! knock!! knock!!!

"Pasok!" Maayos na nakapag pahinga si ethan dahil sa lambot ng kama sa kwarto na binagdalhan sa kanya ng kawal.

Pumasok ang isang binibini na nakadamit pang abay at may tulak tulak itong isang kahon na puno ng pagkain sa ibabaw. Ngayon lamang ito nakita ni ethan at namangha dahil ang kahon na iyon ay mukhang mabigat at hindi kayang itulak ng isang babae.

Lumapit si ethan sa binibini.

"Ayos kalang ba binibini papaano mo natutulak ang ganyang kabigat na bagay??" Tanong ni ethan na may pagaalalang expression. Naisip ni ethan na baka minamaltrato ang mga abay sa kahrian na ito na ipinagbabawal ng punong tagapangalaga.

Tumawa ang binibining Bay sa pag aalala ni ethan na ipinagtaka naman nito.

"Marahil to ang una mong pagbisita sa pirmir ginoo nguto, hayaan mo akong ipaliwanag kung ano ang bagay na ito. Ito ay tinatawag na andador ito ay gawa sa bakal na may gulong sa ilalim... Mukha man itong mabigat ngunit ito ay napakagaan lamang. Bakit hindi mo subukan?" Sabi ni babaeng abay.

Inabot ng abay kay ethan ang hawakan ng andador at ito ay sinubukan nya. Nagulat si ethan dahil ito nga ay napakagaan.

"Kamangha mangha." Sambit ni ethan habang tinutulak padin ang andador.

Noong papasok pa lamang si ethan ay marami nya syang nakitang kakaibang bagay sa kalsa at kahit sa loob ng kaharian.

Tulad na lamang ng malaking barko na lumilipad sa kalangitan na sinasakyan ng mahigit na limampung tao.

Habang nilalaro ni ethan ang andador na parang bata ay napatigil naman sya nang makita ulit ang bagay na lumulilipad sa kalangitan.

"At ano naman ang tawag sa bagay nayun??" Tanong ni ethan habang itinututo ang bagay sa kalangitan, sumagot namana ng abay sa kanyang tanong.

"Yaan ay ang arkong ng langit, nasasakay niyan ang mahigit isang daang kawal. Isa iyang sasakyan pang militar naginagamit ng mga hator upang itaboy ang mga halimaw na may kakayahang lumipad sa mga nasasakupan ng pirmir." Sagot ng abay kay ethan na napangisi dahil iniisip nito na parang bata si ethan na ngayon lang nakalabas sa kanyang tahanan at ngayon lang nakita ang mundo.

"Abay maari ba akong mag tanong"

"Kanina pa po kayo nag tatanong at kanina papo ako sumasagot sa mga iyon." Sagot ng abay na may ngiti.

"Noong bata ako ay napabisita kami ng aking ama dito sa kahirian nyo, ngunit hindi pa mataas ang teknolohiya ng pirmir noon. Kaya bakit ganito na lamang ang pinag bago ng pirmir sa loob ng isangdaan taon??" Tanong ni ethan ng may pag tataka. Mukha mang bata si ethan ngunit ang kanyang tunay na edad ay mahingit isangdaan taon na.

Lahat ng nabubuhay sa mundo ng shahara ay nabubuhay ng mahigit limandaang taon. Kaya ang taong may edad na isangdaang taon dito ay maituturing pang bata.

"Hindi mo ba nabalitaan ang mga pangyayari na naganap dito mahigit limampung taon na ang nakakaran?." Tanong ng abay kay ethan ng may pag tataka. Dahil lahat na siguro ng tao sa kanilang kahirian gayun nadin ang mga kalapit nitong kaharian ay alam ang kuwento.

"Paumanhin ngunit anong pangayayari ito??... Mahigit pitungpong taon na akong naninitahan sa tahanan ng aking guro at ngayon nalamang ako nakalabas dahil sa importanting  dahilan." Sagot ni ethan. Limampung taon palamang sya nung matagpuan sya ng kanyang guro na sugatan sa isang kagubatan na hindi nya na matandaan kung saan, dito sya kinupkup ng kanyang guro at tinuring na sarili nitong anak.

"Kaya naman pala para kang isang batang na ngayon lamang nakalabas sa lungga." Biro ng abay. Namula ang mukha ni ethan na hindi naman pansin dahil sa mga balahibo nito sa hiya nung marinig nya ang komento ng abay.

"Hayaan mo akong ikuwen to sa iyo ang mga pangyayaring ito." Sabi ng abay at umupo ito sa isang upuan sa gilid ng kwarto, habang napatango lang si ethan.


Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 30, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Shakara: The Rise Of The Heroes Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang