Chapter 7

1.1K 58 11
                                    



Hindi ko talaga alam na isang kislap lang ay magkakaganito na ang buhay ko. Kabado ako ng pinatawag ako ni Florentino. He kept on knocking the door at halos gibain niya na ito. Mabuti nalang ay may damit na dito sa kwarto kaya papano ay may damit akong naisuot, nga lang ito ay bestida na puti at sobrang nipis pa. 

Binuksan ko agad ang pintuan at matalim na tinitigan si Florentino.

"Can't you wait-"

"It's already evening Miss Noren. Baka nakakalimutan mong hindi kapa nakakain." Bumaba ang tingin nito sa katawan ko kaya inirapan ko siya. Boys nga naman!

"I know! Kaya nga ako nagbihis di'ba? What now? Whats the task I have to do tonight? Nagugutom na kasi ako e. Sa studio ko ay kumakain na ako ng masasarap na pagkain dapat ngayon."

Unti unti siyang ngumisi tila ba natatawa sa mga sinasabi ko.

"Princess, you are not rich anymore. You think you can escape that fast? And look at them.." Pinakita niya sakin sa likod niya kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang iba ay naglilinis at may dala dalang kung ano-ano.

"Iyan ang gagawin mo. Maglinis. Andoon ang mayordoma at siya ang magdedesisyon kung anong klaseng pagkain ang kakainnin mo.

Damn! Mayordoma?! Ang Oa naman ng mga taong to! Bakit kaya naisip to ni daddy? Ibig sabihin magmumukha kaming katulong dito? Maninilbihan sa kanya para mas lalong yumaman siya? Heck!

Isang pagkabasag ng pinggan ang narinig namin at halos lahat ng kagaya ko, na katulong pala dito ay nagsinghapan at natakot. 

"I'm sorry po! Hindi ko sinasadya. Sana po makakain na ako dahil dalawang araw na akong hindi-"

"At sinong nagsabi sayo na makakain ka? Palpak ka na nga! Kakain ka pa? Bernard!" nakita ko ang isang babae na mataba at maliit ang buhok ang sumigaw sa babaeng nakabasag ng pinggan.

Alam ko sa ayos ng babae ay kagaya ko rin siya na mula sa mayamang pamilya. Her skin is like mine and she's pretty too. At sa kilos niya ay alam ko na mayaman siya.

"Ma-Ma'am Betty, maawa po kayo sakin-"

"Ikulong siya sa tower! Siguraduhin na hindi makalabas ng limang raw! Walang kain o kahit tubig!" sigaw ng babaeng nagngangalang Betty.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala. At dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko ay nakapagbitiw ako ng salita.

"H-Hey! Hindi tama iyan!" lumabas na ako ng kwarto at narinig ko ang pagmura ni Florentino. Nanlaki ang mga ng babaeng nakabasag ng pinggan ng makita ako.

"At sino iyan Florentino!?" namaywang ang babae si Betty.

"Daughter of Ronaldo Doulos, our boss ,Betty."

A creepy smile escape from the fat woman. "Pero pinatapon dito ng ama?"

"Yes." He nodded.

"Bakit hindi kapa naglilinis kung ganoon?"

"Noren." Florentino informed her.

"-Noren? Wala akong pakealam kung sino ka o kung ano ka sa labas ng establishamentong ito! Lahat na napapasok dito ay alipin ng Organisasyon kaya kung gusto mo mabuhay at makakain ay maghirap ka! Dahil siya sa kwarto ni ma'am Delailah. Kailangan malinisan iyon bago makabalik si ma'am."

Halos mabingi ako sa narinig. Hindi ako nakapagsalita. 

"Ako?!" turo ko sa sarili. "Eh, half sister ko iyon e. Ako nga ang totoong anak-"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THANOS (Montediajo Series 1)Where stories live. Discover now