Part 2 - Chapter 25

1K 50 15
                                    

25- Not Good

===

Para akong nabunutan ng tinik nang gumaling na ng tuluyan si hubby. Namalagi muna ako sa bahay nila nung nakaraang mga araw at nagpaalam na hindi muna makakapasok sa training. Buti na lang at agad naman silang pumayag, akala ko nga mahihirapan pa ako at kailangang makiusap. Hindi kasi bast pwedeng mag absent, isa iyon sa mga napagkasunduan namin bago nila kami natanggap. It should be a matter of life and death before they give you approval.

"Thank you dear."

"No problem po." I answered. We are helping the team for their photo shoot. Kasama naming mga trainees ang mga stylists, make up artists, models at photographers. I was away two days ago and Ai told me that they even went to far places to do the shoot. We are on a resort now, away from the City and it feels so refreshing. I should tell hubby to get away sometime.

"Ang saya talaga ng ganito, parang hindi mo mararamdaman ang pagod. Ang ganda naman kasi ng lugar." Ailee said, she's standing by my side but lurking around. She really looks like she is enjoying what she is doing.

Nasa may dalampasigan kami, nakabantay lang kami sa mga models habang kumukuha sila ng litrato. Tag-ulan na kaya mukhang para sa ibang bansa ang season collection na 'to. They all looks so good and stunning.

"Tama, ang sariwa ng hangin, nakakapanibago." Natawa pa ako. Paano ba naman kasi, puro usok at dumi ang mararanasan mo sa siyudad, ibang iba dito.

"True. Naku, kapag ako nagka jowa, yayain ko na dito na lang kami mag honeymoon." Humahagikhik niyang litanya. "Honeymoon agad? Excited lang 'teh?" Biro ko sa kanya.

"Joke lang naman, ikaw talaga. Naniwala naman agad." Nahampas niya pa ako. Kita ko ang pamumula ng mukha niya. Siguradong naiimagine niya na kapag mag boyfriend siya. Hopeless romantic, naalala ko tuloy bigla sila Krystal at Jammy. I miss them so much.

"Eh bakit kasi hindi ka pa magboyfriend? Mukha namang bet mo bet mo na." Nakangusong tanong ko sa kanya. "I'm waiting for the right one." Diretso niyang sagot.

I'm about to answer back but she stopped me. "Taray ng sagot ko diba? Haha. Well, Sulli, kahit gustuhin ko man, I don't think na this is the right time. Bata pa naman ako, gusto ko munang makapagtapos tapos laters na ang mga fafa. Hanggang crush lang muna. Eh ikaw ba? Mukhang pareho lang tayong single eh, kung makapang hamak ka naman sa akin." Pinandilatan niya ako. I was surprised with what she said. Hindi tuloy agad ako nakasagot.

"Ha? Ah- Haha oo nga."

"Tingnan mo nga, ang frog mo." Natatawa niya sabi.

"Speaking of crush. Holy mother of cows. Bakit ka siya nandito?" Nakita ko ang paglunok niya habang nakatitig sa may bandang likuran ko. Marahan akong humarap doon at halos masamid ako sa gulat nang makita ko ang preskong paglalakad ni hubby. He is wearing all white and he looks dashing. His hands are on his pockets with his eyes brows furrowed. Kasabay niyang naglalakad sa kanyang gilid ang team leader ng shoot.

"Good morning po Sir." Sabay sabay na bati ng mga tao. Natigil ang lahat ng dahil sa pagdating niya.

"Just continue." He said while motioning his hands to us. Tumango ang natigilan ring photographer at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato. Hubby turned his head like he is trying to find something... or someone. He stopped moving his head when his eyes found me. He looked at me with a poker face. Mukhang nakahalata na si Ai sa tingin niya dahil naramdaman ko ang matulis niyang siko sa aking braso. "Jusko po, bakit siya nakatingin sayo? Hindi ko alam kung matatakot ako o kikiligin eh." Bulong niya sa akin.

"Tumigil ka nga, pwede bang napatingin lang siya?" Sagot ko. "Iba ang napatingin sa napatitig." She answered back and I can hear teasing from her voice.

"Unfair, porket mas maganda ka sa akin, ikaw na agad ang napasin." Pag-iinarte niya. "Baliw, magtrabaho ka na nga lang. Diba may iniutos pa sayo." Umismid siya sa akin pero naglakad na palayo. Ako naman ay tumingin pabalik kay hubby. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi niya pa rin inaalis ang titig niya.

Mukhang nakuha naman niya dahil tumalikod siya at kinausap ang lalaking katabi niyang may posisyon rin sa kompanya. It is so unusual for him to attend to events like this. Ano na naman kayang balak niya?

Nanatili akong nalatayo sa pwesto ko at naghihintay ng dapat kong gawin. We are told to just stand by and wait for their orders. Napako ang tingin ko sa kabilang direksyon. Napasinghap ako dahil sa pagdating ni Vini kasama ang ilan pang mga models. I shouldn't be nervous but I can't help my chest from beating abnormally. Tumigil sila sa paglalakad nang makarating sila sa harapan ng photographer. Some of them are wearing board shorts and some are wearing white cotton pants. All of them are topless and I can see a lot of burning abs right now. My eyes, I should be closing them right now.

I immediately looked at hubby and I knew that I will caught him looking back at me. His eyes are on fire. Sumenyas ako ako sa kanya at umiling para sabihing hindi ako nagpapaapekto . Inirapan niya lang ako at tumalikod. Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko para tulungan sila sa pagseset up sa harap.

I am helping the team while trying my best not to look in front of me. May mga dumating na rin na bagong set ng mga babaeng models. Hindi naman sila ganoon kadami, siguro ay wala pang sampu kung pagsasama samahin. Ayoko namang lumingin para masigurado ang bilang.

Nahagip ng tingin ko si Vini na ngayon ay may kaparehang babae. She sure looks like a foreigner. Napanganga pa ako sa tangos ng ilong niya. Vini is wearing a white cotton pants na para bang pantulog. I can see his V line and it is distracting me so I looked on the other models who are also busy posing. They are doing solo and group shots.

I am so busy watching them when I felt someone standing beside me. Akala ko pa nga ay si hubby pero agad ko namang nakumpirma na hindi siya nang maamoy ako ang matapang nitong pabango. Gusto ko sanang takpan ang ilong ko pero baka naman masamain niya kaya tumingin na lang ako ng pasimple at nakita kong sumilay ang malaking ngiti mula sa kanyang labi.

"Hello lady. You look so beautiful standing here that I can't stop myself from walking near." Is that a pick up line? May itsura naman siya pero hindi ko nagustuhan ang tirada niya. Mukha kasi siyang mahilig sa chicks at ayoko sa mga katulad niya. Mukha rin siyang nakakatanda sa akin. Somewhere like in his thirties. I don't wanna be rude so I just mouthed my thank you to him. He smiled weirdly.

"Sungit naman." Narinig ko ang malutong niyang pagtawa. "By the way Miss beatiful, I'm Mike. Nice to meet you." Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. Hindi ko naman agad na inabot iyon, nagdalawang isip ako pero sa huli ay ginawa ko rin. I want to turn him down immediately but this is kinda hard.

"Ang lambot ng kamay mo. Paano naman kaya ang braso at balikat mo? Pa try nga honey. " Nabigla ako sa biglang paghimas niya sa magkabilang braso ko at pagkatapos ay inakbayan pa ako ng mahigpit. Nag-init ang dugo ko. Ang manyak.Pucha! I suddenly had the urge to kick him in the face. Gagalaw na sana ako pero mas hinigpatan niya lang ang pagkapit sa akin.

"I think you're making a scene here Mister." I heard my boyfriend's voice. I can sense venom.

"Hey, Mister Oh! What scene? I'm just introducing myself to this gorgeous lade here. Isn't she beautiful? Look at her!" Sagot pa ni Mike. I looked at hubby to stop him from doing something ridiculous but he is already throwing daggers at Mike. This is not good. Kahit gusto kong saktan ang lalaking manyak na 'to, I still don't think that this is not the right place to start.

"You are goddamn correct old man but fuck you because she is my fuckin' girlfriend and you can't fuckin' run away because I'll fuckin' kill you right now." Fuck it. This is really not good.






Not A Bad Thing (Book  One)Where stories live. Discover now