Chapter 5 - Rumble

5.1K 77 7
                                    



We are doing warm ups right now. Basketball siyempre ang pinili kong sport sa Physical Education subject ko dahil kay hubby. After ng discussion namin kahapon binigyan na  kami ng instruction na magsisimula na kami sa mismong paglalaro. I am expecting na sila hubby ang mag train samin pero sa kasamaang palad ay ang all girls basketball team muna daw. Halo ang klase namin, may mga babae at lalaki rin. 


Dribbling muna daw ang aaralin namin tapos shooting. Goodluck sa akin. Hindi naman talaga ako marunong sa ganito. 


Pumasok na ang basketball team at pumunta sa harap ng klase. Nandito na kami ngayon sa mismong basketball court ng covered gym. Ayts! Bakit ba nawala sa isip ko na kasama nga pala dito iyong babaeng tuko. Nabanggit sa akin ni bes na Cindykato raw ang pangalan 'nun este Cindy lang pala. 


Nakita ko na siya. Ang ikli ng basketball shorts niya at pinapaikot niya ang daliri niya sa buhok niya. Mukhang nagpapa-cute sa mga boys dito. Talaga naman. Tsk.


Binigyan kami ng buddy. Bawat dalawang estudyante ay isang varsity player ang magtuturo. Akalain mong si Cindikya, I mean si Cindy pa ang kapartner namin. Si Lana ang kasama ko, isa sa mga kakalase ko. Nakausap ko na siya minsan kaya hindi naman ganoon ka-awkward.


Hinarap kami nung babaeng tuko. Tingin ko alam niya na ako ang girlfriend ni hubby kasi ang sama ng tingin niya sa akin eh.


"So... ikaw pala?"


Tinaasan ko siya ng kilay. Ako ang ano?


"Hindi ka naman pala talaga maganda. Lalong hindi sa malapitan. Anong gayuma ang binigay mo kay Sehun babes? Hahaha." Binigyan niya ako ng nakakainis na tawa niya. Aba't siraulo ito ah! Hindi hamak namang mas maganda ako sa kanya ng maraming beses!


"Hoy babae! Magdahan-dahan ka sa pagsassalita mo ha!" Mahina pero madiin kong sabi. Naramdaman ko namang hinawakan ako sa siko ni Lana na parang bang pinapakalma niya ako.


"Bakit? Totoo naman ha? Ordinaryo ka lang naman. Sa totoo lang wala akong makitang maganda sayo kahit saang banda."


Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Lana.


"Uhh.. guys magsimula na tayo. Miss, turuan mo na kami ng basic." 


Sumimangot si tuko pero sinimulan niya na ang pagtuturo ng dribbling. Seriously? Wala siyang matuturo kasi halatang hindi naman niya alam kung paano. Sa tagal ko ba namang napapanood ang hubby ko, alam ko na ang tama sa mali. Sinusubukan niya pero palaging nabibitawan. Ugh. This is a waste of time. 


Hindi ko tuloy maiwasan na umirap.


"Bakit ka umiirap? Ang bastos mo ah!" Paanong hindi eh wala ka namang kwenta magturo.


"Alam mo ba talaga ang tinuturo mo?" Maikli kong sagot. Nakakabanas ah.


Not A Bad Thing (Book  One)Onde histórias criam vida. Descubra agora