52. Ruru

54.5K 2.2K 129
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 52- Ruru

"Hurry now! Ilang oras na tayong magkakadikit dito at nauumay na ako Baka magkapalit-palit tayo ng mukha. No way!" The usual way, I yelled on them. They did not react for the uncounted time as if they were already immune by the unusual noise I create. Halos sabay-sabay na napabuntong hininga ang tatlong lalaki samantalang tulog na yata sa gitna si Jolly na kanina pa inuulit-ulit ang nga katagang 'Lara... ang babaeng Hearthopia... '

"As if gusto naming maging kapalit ang mukha mo, Amber. Imagine mo na lang na sa katawan kong 'to magkakaroon ng maarteng mukha ng gaya ng sayo..." natawa si Silex bago nagpatuloy "mukha na akong biyudang body builder no'n." Humagalpak pa ito pagkatapos. Kanina pa 'to namumuro saakin.

"Eh kung baliktarin ko yang pagmumukha mo? Hayop na 'to... konti na lang talaga makikita mo!" Banat ko. Hindi ko halos namalayan kung ilang oras na kaming nag-aasaran ni Silex habang tahimik namang nakikitawa sina Alvis at Kaiser.

"Magbubukang liwayway na at aalis na sina Master Uran patungong Typraz. Kapag hindi natin sila naabutan, hindi natin malalaman kung paano makakapunta sa toreng 'yon! Hindi pwedeng nakatunganga lang tayo dito."

Naramdaman kong muli ang bahagyang pagkabig ni Kaiser para kunawala sa mahiwagang tali ng haring Holoma. Mas humigpit ang kabig no'n paloob na halos ikaputol ng katawan ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Kaiser, ano ba? Nasasaktan si Amber. Huwag na kasing ipilit kung ayaw talaga." Pinutol ng sinabing 'yon ni Silex ang kakawala sanang sigaw ko. Mukhang may tinutumbok si Silex. Nangangamoy away 'to.

"Sinusubukan kong kumawala. Ikaw may ginagawa ka ba bukod sa pakikipagdebate mo sa kanya?" Maangas ding sagot ni Kaiser kasabay ng lingon-irap nito kay Silex.

Mga ungas!

Bumuntong hininga ako bago umawat sa nagsisimulang giyera. "Stop it! Hindi nakakatulong yan! Saka na kayo magbasagan ng bungo kapag malaya na tayo okay? Mga papogi! We need to get out of here!"

"Kung sakaling makawala tayo dito, alam mo ba kung paano makakapunta sa tore gamit ang lightning transmission mo?" Kaiser asked Alvis. "Panigurado akong ang lagusang dinaraanan ko patungo doon ay sinara na ng aking ina nang malaman niyang isa akong traydor."

"Limitado ang transmission power na 'to. Hindi ko pa gaanong alam kung paano gagamitin. All I know is I can go to places na napuntahan ko na at nakarehistro na sa utak ko. But going to Tyraz might be a challenge." Alvis paused, tila napaisip ito... then he continued, "I know what can help us get there. Tanging siya lang ang may alam kung paano hahanapin si Lara. Ruru can help us."

Tama! Ruru is connected to Lara. Ruru can sense where Lara is.

"Tama. Si ruru nga ang tanging may kakayahang hanapin si Lara." Silex agreed.

"Wait," Alvis interrupted, "where's ruru?"

Naputol ng tanong na 'yon ang lahat ng aming sasabihin. Nawala nga sa isip ko ang cyfrin na si ruru. Huli kong kita sa kanya ay noong gabing bago sumugod ang mga tenebris. Nasaan si ruru?

Alvis abruptly held his disappointed face with his palm. Parang napagtanto nito kung papaano nawala si ruru. "Ruru..." saka ito sinundan ng malalakas na buga ng hangin na parang paraan niya para pakalmahin ang sarili.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon