5. The Lucky Three

98.7K 3.9K 254
                                    

Bubbles! Andaming bubbles! May malalaki. May laliliit. Habang nakapaligid saakin ang mga higante ay nagliparan naman ang libong mga bula mula sa kawalan. Nagulat ako nang biglang isang malaking foamy object ang dumikit sa buong katawan ko. Muntik akong malunod nang sakupin nito ang buo kong katawan. 

Napatili ako. 

Pagkatapos akong balutin ng mamasamasang kumpol ng bula na iyon ay namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng isang higanteng bula. Natumba pa ako at napahiga sa higanteng bula nang bigla itong umangat at tila pataas ng pataas. Nililipad ako ng higanteng bula. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakaligtas na ako sa mga higanteng bato o matatakot dahil sa di ko alam kung san nanggaling ang mga bulang iyon. Nasa tatlumpong talampakan na ang taas ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Amber.

"Lara!" sigaw nito mula sa aking likuran. Nakasakay ito sa isang higanteng walis na parang ginagamit ng mga witches na gaya niya. Napakagandang mangkukulam naman nito. Naisip ko.

"Amber! Salamat at ligtas ka... I mean salamat at niligtas mo ako!" Nakadapa kong sabi habang binabalanse ko ang aking sarili sa loob ng higanteng bula.

"Huwag kang mag-alala Lara, hindi mababasag yan. Gawa yan sa isang malakas na spell making the surface as hard as metal but as light as dust." Proud na sabi ng bago kong kaibigan.

"Wow! Amazing. Ang galing!"

"I know right!" Napahagikgik pa ang magandang si Amber habang pinupuri ang sarili.

"So hanggang kailan ako dito? You have any idea?" Wala sa sarili kong nabanggit habang unti-unti nang natutunang balansehin ang sarili sa loob ng malaking bubble.

"Malapit na tayo sa dulo ng trail na 'to. Nandun ang lagusan patungong safe base. Which means tapos na ang pagsusulit. "

"Talaga?" Hindi ko alam kung kanino ako unang magpapasalamat. Hindi ko malaman kung bakit ako nakaligtas sa napakadelikadong trail na 'to. Sa kabila ng aking galak, naisip ko ang magkapatid na Laurent at Miranda. 

"Parang ang lalim ng iniisip mo?" Siguro ay napansin ni Amber na biglang natahimik ako at napaisip.

"Ah m-may nakilala lang ako sa kagubatan. Niligtas nila ako mula sa mga lobo at higante tapos nagkahiwa-hiwalay kami sa gitna ng gulo. Hindi ko alam kung ligtas sila," nasambit ko.

Sa pagbagsak ng higanteng bula sa lupa ay agad din itong nabasag na parang ordinaryong bula. Nasa tabi ko si Amber nang tahakin namin ang lagusan patungong safe base. Ang lagusan ay parang isang tulay na gawa sa pinagdikitdikit na bato. At sa baba nitoy isang misteryosong ilog, dumadaloy ito pero walang tunog ang pag-agos ng tubig. Pinamumugaran na ito ng mga higanteng lumot at tinubuan na rin ng mga ligaw na damo, wild flowers na halatang hindi na dinaanan ng mga ilang taon.

"Wow" Amber cried out. 

"Nakakatakot naman yang tulay na yan. Mukhang may nakatira sa paanan ng ilog." Kinakabahan ako habang pinagmamasdan ang lagusan. Alam kong hindi lang dun nagtatapos ang pagsusulit. Sa itsura ng lagusan, alam kong may mga nakatago pang sikreto ito na maaring gumimbal saamin ni Amber.

"Let's go! This is it!" excited na sabi ng dalaga.

Hila-hila ako ng dalaga at pahakbang na kami sa lagusan nang-

"Stop!"

Isang boses lalaki ang pumigil saamin tahakin ang lagusan. Kilala ko ang boses na 'yon.

"L—laurent?" nag-atubili kong sabi. 

Nang lingunin ko ang pinanggagalingan ng boses na 'yon ay hindi ako nagkamali. Si Laurent nga. Pero nasaan si Miranda? "S—si Miranda?"

Tila wala itong narinig. Mistula naman akong napipi sa pagkapahiya.

The Keepers [TKS#1]Where stories live. Discover now