Simula

1 0 0
                                    

Simula
Saved by the baon.


Hindi pa lumalabas ang araw ay gising na ang diwa ko. Maaga ako ngayon, lagi naman! Straight akong pumunta sa banyo para maligo. Kailangan mabuhayan ang sistema ko to start the day.

"Tana, luto na ang almusal mo. Pagkatapos mo riyan ay kumain ka na rito." dinig kong sabi ni mama.

"Yes, mother dear! Wait lang malapit na ako matapos." sagot ko.

I am a grandchild of Mama Tiory. I call her that because she raised me ever since I was barely a child. Still a baby, actually! Sa kaniya na ako lumaki. May kapatid akong dalawa at parehas lang kami nang kinahinatnan, naiwan sa lovable na lola! 

The lack of presence from my parents did not stop me to continue in going to school. It actually inspired me to go futher, and work harder para makamit ang pangarap ko. Lalo na ang pangarap ng Mama Tiory ko para sa akin, para sa aming magkakapatid. 

"Ma, may module ulit kami ngayon. Need na naman ng 3 pesos each page." sambit ko habang pinupulot ang hotdog.

"3 pesos lang naman pala. Dagdagan ko nalang yung baon mo." sagot ni Mama Tiory sa akin.

"Basta palagi niyong tatandaan, mag aral kayo ng mabuti. Ipakita niyo sa Mama at Papa niyo kung ano ang kaya ninyong maabot, lalo ka na bilang panganay." dagdag niyang saad.

Tumango ako roon.

Pagkatapos kumain ay nilinis ko ang pinagkainan at tuluyan nang inasikaso ang lahat para sa school. 

Notebook for today's schedule? Check. Assignment? Check. Tubig? Check. At inisa-isa ko pa ang mga kailangan dalhin. Pati na rin ang sabi ni Mama na baon ko, isinatabi niya sa altar para kunin ko lang pag alis ko ng bahay.

Hindi pwedeng umalis ako nang madumi ang sapatos. Kagabi ay hindi ko iyong nagawa dahil naubos ang oras ko na magbasa ng story ni Jonaxx. Alam mo 'yon, nakakadulumhati na ang moment at kailangan ko siyang matapos right that night! Kasi mabibitin ako sa tulog pag hindi ko natapos. 

Kaya naman ay ngayon lang ulit sa umaga kumintab ang school shoes ko. At, tapos na! Kinuha ko ang bag at cellphone ko, tsaka lumabas ng bahay at hinanap si Mama Tiory para magmank bago tumungo palabas ng gate sa bahay.

Every weekends ay maaga akong wala sa bahay. Alas singko y media palang ay nagsisimula na akong maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Siyempre ay kasabay ko na naman si Ej, ang totoong pangalan niya ay Eminim Jar. Joke lang!

Sa basketball court malapit sa amin kami laging nagkikita. Kung hindi siya ang naghihintay, ay ako naman ang naroon habang nag aabang ng jeep. Tatlong bahay galing sa amin ay may jeepney na namamasahero ng mga estudyante. Actually, malapit lang din doon ang bahay ng driver. At kapag babyahe na siya ay sumasabay lang kaming dalawa ni Ej para isang sakayan lang patungo sa may sakayan ng rela.

"Aga mo naman. Naunahan mo pa ako." bungad sa akin ni Ej.

"Siyempre. Mag f-floorwax pa kami sa room, ililista na naman ako ng terror naming teacher! Ayoko non."

"Tara na, ayan na si manong." 

Kapag kasabay ko si Ej, na parang palagi naman, libre ako sa jeepney fare. Parang ilan lang, 6 pesos! Pero siyempre ay hati kami. Kapag siya sa jeepney, ako naman sa rela. Vice versa kasi nakakahiya naman.

Ang pinakapaborito ko sa araw ng klase ay ang byahe papunta sa eskwelahan. Ganitong oras ay sobrang presko ng hangin. I love the cold breeze that kisses my skin, espicially when the jeep still have wide space! Kasi kapag palabas na sa village, marami na ang pumapara hanggang sa mapuno ang jeep ni manong. 

I always love the scenery of Don Carlos. From my home little town, there's bunch of large trees that we would go pass by. I would always snuck my head out the window of that jeepney and enjoy the freshness of the wind. I'll never get tired doing this, even for my whole lifetime!

But, I know this is only a glimpse of my days. A shared memory granted by the heavens above. And I am always grateful for that, kasi this is the most beautiful thing that could happen for a person! To live the moment, enjoy what's there and embrace the satisfaction and affection that the nature offers.

Paliko sa eskinita ay alam ko nang malapit na kami sa may sakayan ng rela. Ej lent the fare for the both of us, at sabay na kaming bumaba ng jeep. Tsaka ko lang naalala na naiwan ko ang baon ko sa altar!

At hindi ko iyon maamin kay Ej. Gladly, meron pa akong extra sa bag ko mula sa budget ko kahapon. Kaya pa ito para sa pamasahe namin dalawa, at may konting sobra pa para sa mga babayaran ko sa xerox copy ng module. Hay naku naman talaga! 

Ito naman ang very most least hate ko kada may pasok. Naiinis ako to the core dahil minsan ay palagi kong nakakalimutan ang baon ko! Pero sige, titiisin ko muna ang recess. Huhu, malayo na ang pinanggalingan ko eh. Alangan naman bumalik ako, lalo lang akong mababagalan at talagang mapapatay ako ng terror teacher ko!

Tahimik akong sumakay sa rela at katabi ko ang naka-earphone na lalaki. 

"Don Mariano, manong. Dalawa po 'yan parehong SP." mahina kong sabi sa driver at inilahad ang bayad.

Tumango lang siya at patuloy na nagdrive. Pasado alas sais na nang nakapasok ako sa school. Nagpaalam na si Ej dahil magkaiba kami ng building. Paliko ako sa hallway at natatanaw ko na ang mga kaklase na naglalampaso, halatang galing lang sa pag apply ng floorwax. 

Agad kong nilagay ang bag sa upuan at tumulong sa paglilinis. Ang iba kong kaklase ay maaga rin, at masunurin sila sa classroom president namin kaya naman ay konti nalang ang kailangan lilinisin. Meron pa kaming isang oras bago magsisimula ang klase sa unang subject. 

Pagkatapos kong mag lampaso at mag arrange sa mini kusina ng classroom, umupo ako sa tabi at nagpahinga. Ang iilan ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga ma-fling. May sumasayaw sa gilid, nag aapply ng make-up, at may naka tingin lang sa ere sa harap ng green board.

Tumayo ako at ibinalik ang mga nagamit na mga lampaso, walis at floorwax wrapper na nakakalat malapit sa pinto. Nang nakita kong may alikabok roon sa lalagyang box ng mga ginamit ay nilinisan ko na rin. Nang biglang—

"Catalinaaaaaa! May naghahanap sa'yo!!" sigaw ng kung sino man na kaklase ko.

Sa sigaw ay nagulat ako at biglang lumabas sa mini kitchen. Talagang haggard pa dahil pinagpapawisan ako na may halong alikabok! Paglingon ko sa pinto ay naroon yung kapit-bahay naming hindi ko masyadong close! Bakit nandito si Wade?

"..."

Tumungo ako sa pintuan at lumapit sa kaniya, nagtataka. Alam kong kitang kita iyon sa ekspresiyon ng mukha ko ngayon.

"Baon mo. Pinahatid ng Lola Tiory mo, nakalimutan mo raw." mahina niyang habang nilahad ang kamay sa akin.

"Hala, sorry...! Salamat sa pag hatid. Inabala ka pa ni mama!" sagot ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya at tumalikod. Kasunod naman niya ay ang first subject namin na teacher. Takte, late na ba ang isang 'yon??!

Utang na loob ko pa ito. At talagang 50 pesos ang binigay ni Mama Tiory! Sobra pa para sa araw na ito.

"Talaga naman oh, thank you po sa'yo..." mahina kong bulong sa sarili.

Sinilip ko ulit sa labas at nakita ko siyang nakatalikod. Palabas na siya sa building namin at hindi man lang umambang tumakbo! Buti pa ito ma-late, chillax lang.

Bumalik ako sa loob at umupo na sa pwesto ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tegsreo Series: From Pocket, To YouWhere stories live. Discover now