KISS ME MR. PRINCIPAL

12 0 0
                                    


Chater- 1

" 𝐊𝐈𝐒𝐒 𝐌𝐄 𝐌𝐑. 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 "

Naka lollipop pa ako habang naglalakad sa hallway at hawak hawak ko ang aking pack bag.

" Good morning mga school mates! " nilakasan ko ang aking boses kaya ang iba ay napa hinto at tiningnan ako at ang iba naman ay umirap. Bahala kayo diyan basta maganda gising ko today.

Nakita ko agad ang kaibigan ko na humihingal habang papalapit sa akin.

" Nyari sayo? Mukha kang hinabol ng aso ah? " tumawa ako ng konti dahil sa hitsura niya dahil hinihingal ito at pinag pawisan.

" A- Alam mo bang wala na ang panot nating principal? "

Agad kumunot ang noo ko at ngumiti ng pagka laki- laki. Sa wakas wala na ang panot na iyon.

" Alam kong masaya ka lalo na ako no! "

Lagi kasi kaming pinapagalitan ng panot na iyon. Paano ba naman kasi lagi rin kaming nahuhuli na umakyat sa exit. Di ba pwedeng hayaan nalang kami dahil need namin ng freedom!

" At ito na nga, may pumalit sa kanya a- "

" Hep! Hep! Wag mo muna basagin ang pagiging good mood ko okay? tara na. "

Nagkibit balikat lamang si Macy at sumunod sa akin. Talak ito ng talak pero wala akong pake alam.

" Good morning class! " sabi ni maam pagka pasok sa pintuan.

" Good morning too Mrs. Cayenco! "

Psh, ano yan elementary? I just rolled my eyes at umupo nalang sa upuan ko at nilabas ang cellphone.

Darren:

OMG, ang gwapo ng principal natin.

Pake ko? Bahala siya.

Trisha:

Huy! Ang pogi ng principal

With matching heart heart imoji pa yan. Jejemon lang?

Nilagay ko nalang sa bulsa ko at nakinig nalang sa guro namin.

" Goodbye, class! "

Tumayo ako agad at nag tungo sa cafeteria. As always may nagbabatuhan ng papel tapos ang iba tahimik na kumakain ang iba naman nagbulong- bulungan.

" One rice at dalawang hotdog nga tapos isang coke in can. "

" Okay. "

Agad akong umalis at nag hanap ng lamesa ng biglang may tumawag sa akin.

" Dito! Catherine dito! " nagtungo agad ako sa kanya at nag - umpisa na namang mag talak si Macey. Jusko.

" Cath, si principa- "

" Oo na, gwapo na " kainis.

" Thanks, miss. "

Nilingon ko naman ito at tinaasan ng kilay. " And who are you? Teka nga, ikaw ba sinabihan ko ng ' GWAPO ' mr. ? " kanina pa ako naiinis tapos sasali pa talaga ito.

" I am the one you said ' Gwapo ' miss. "

Kumunot naman ang noo ko at tiningnan ang kaibigan kong nakatulala habang nakatingin sa lalaki.

" Huy? Kilala mo ito? " sabay turo sa lalaki.

Tumango naman ito kaya napatango rin ako at muling tiningnan ang lalaki.

He's handsome at matangos ang ilong niya, his lips an-

" Your drooling miss. "

Pinikit ko ang akin mata at pinunasan ang aking bibig. Wala naman ah!

Pero pagtingin ko sa lalaki naka layo na ito at naka ngisi.

" W-Who is he? Ang pogi niya, Macy! " niyugyug ko ang kanyang balikat kaya napa ' aww ' naman ito.

Hanggang uwian lagi ko siyang kinukulit kong sino ang lalaking iyon pero laging walang sagot akong nakuha.

" Gusto mo siya no? "Asar ko sa kanya at sinundot- sundot ang kanyang tagiliran.

" Catherine hahaha. Nakikilit ako. "

" Sabihin muna kasi! "

Nakasimangot ito at tiningnan akong naka nguso. " Siya kasi yung principal na sinasabi ko sayo! "

What? Siya yun? Naku! Tinarayan ko pa.

" Sigurado ka? Wag mo'ko biruin, Macy " tumawa naman ito at tinuro- turo ako.

" Ikaw kasi eh! Di ka nakikinig, yan tuloy nasagot sagot mo si pogi "

Pinangkinitan ko siya ng mata at sasapakin na sana ng tumakbo ito.

" Macy! "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KISS ME MR. PRINCIPALWhere stories live. Discover now