Chapter 01

9 1 0
                                    

C H A P T E R  0 1

LAST DAY na ng university intramurals kaya mas lalo lang dumami ang mga tao sa loob ng campus. Every year, ganito raw ang eksena: food stalls here and there while locals, tourists, and students from different schools flood the entire Mindanao State University-GenSan campus— one of the largest college campuses by land in the Philippines, and one of the top universities around Region 12. I wouldn't know. This is my first intramurals here.

Ang intense ng culture shock. Kung sa junior at senior high school, inuulan kami ng mga mga feeling queen bees at ng mga pa-gangster type na mga estudyante, sa uni, binabaha naman kami ng mga sobrang liberated at opinionated na mga tao. MSU is also the epitome of the idiom "melting pot". Ang daming estudyante. The campus pathways always feel like fierce runways too, as students with different fashion styles walk to their classrooms as if they're on New York Fashion Week. Students even go crazy with their hair. Hindi gaya sa highschool na kahit milktea color lang ang buhok mo ay hindi ka na papapasukin.

May dress code, yes. Pero hindi naman sila nansisita most of the time, because, first of all, why would they? Sa sobrang politically, socially, at morally upright ba naman ng ilam sa mga tao rito, mambastos ka lang ng tao because of their self-expressive gestures, maku-call out ka talaga. Add the fact na state U ang MSU. Hindi talaga kami nauubusan ng mga student leaders, student activists, student advocates, at kung anu-ano pa.

Wala na rin namang sports event today. Tapos na rin lahat ng musical, literary, academic, at sociocultural events. Awarding na lang sa university gymnasium ang natitirang gawain today, tapos mamayang gabi, Student's Night na.

"And this year's MSU Intramurals champion, claiming their victory for the fourth time in four consecutive years, the Asteegs!" Naghiyawan ang mga taga-College of Engineering nang malaman nilang sila ang champion. Alam na rin naman ng buong uni. Pero iba pa rin kapag i-a-announce ng host. Iba rin kasi ang kaba nila kasi 30 points lang ang lamang nila sa Vanguards, ang College of Social Sciences and Humanities. Kung sakaling hindi sila nakapag-place sa Miss MSU, kung saan nag-third runner up ang isa sa dalawang candidates nila, siguradong putol na ang win streak na pinakaiingat-ingatan nilang lahat.

"Bwiset naman, oh. Nagpustahan kami ni Diego kung sino mananalo, e. Sayang pa 150 ko," saad ni Cora habang nakatuon ang tingin sa stage kung saan nagcha-chant ang mga engineering students. Nandoon din si Diego na nakisali sa train parade ng lahat ng engineering students habang humihiyaw ng "COE, COE, GO!"

Vanguard kasi si Cora. Asteeg naman si Diego. Isang buong linggo silang hindi nagpapansinan dahil sa pustahan nilang 'yan.

"Isang box ng pizza na 'yon sa Centro," I said, remembering the fact that Cora loves the cheap Centro pizza na binabalik-balikan niya talaga.

She groaned in frustration. "Nubayan! Hali ka na nga. Tulungan mo ako magligpit sa apartment ko. Ako pa naman host ng inuman mamaya." Nauna na siyang um-exit habang nakasunod naman ako sa kaniya. Hindi pa man kami nakakaabot sa apartment niya, alam ko na agad kung anong dadatnan namin. Sigurado akong magulo na naman ang apartment niya. Sure din ako na hindi pa no'n naayos kahit higaan niya man lang, ipupusta ko pa buhay ko.

Undersecretary kasi si Cora ng university Supreme Student Council. May hinahandle na event ang committee niya sa intramurals kaya wasak na wasak ang schedule niya these past few weeks.

Thank goodness, hindi naman ganoon kakalat ang apartment niya. Pero kailangan pa rin ng kaunting linis. And my hunch was right- sobrang kalat ng kuwarto niya. Wala na rin kasing time 'to.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 10, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Nobody but UsOnde histórias criam vida. Descubra agora