Lihim ng pamilya 10

979 1 0
                                    

Lies

Wala naman kaalam alam si Seniora Pacifica sa nangyayari sa labas. Wala rin siya kaalam alam na tumakas sina Caleb, Laura at Trisha. Ang alam niya lang ay may nangyari hindi maganda sa labas at buong akala niya ay may kalaban nakapasok at hinahabol nila ngaun.

Nagulat nalang siya na pagbalik ng anak niyang tatlo na galit na galit. Dito nila sinabi ang nangyari.

"Ma, hinabol namin sila ngunit hindi namin sila naabutan." Ang sabi ni Gabriel.

"What? Anu ang nangyari, anung ginawa nila? At sino ang nakatakas? Kalaban ba natin?" Ang tanong ni Seniora.

"Ma, hindi kalaban natin ang hinabol namin. Kundi Si Caleb kasama nina Trisha at Laura na tumakas at hindi namin alam bakit sila tumakas. Nagulat nalang kame na bigla sinabi sa amin ng mga tauhan natin sa labas na nagbabantay sa kanila na tumakas sila." Ang sagot ni Robert.

"Pasensya na ma. Hindi ko inaasahan na makakatakas siya sa amin. Sinubukan namin sila habulin ngunit bigo pa rin kame." Ang sagot ni Gabriel.

"Anu? Nakatakas sila? Panu siya makakatakas andami niyo at may dala pa kaung mga baril tapos tatlo lang sila. Ngunit natakasan pa kau." Ang pahayag ni Seniora Pacifica na mahahalata mo galit niya.

"Ma, hindi ko alam papano sila nakatakas. Pero hahanapin ko sila. Hindi sila basta basta makakaalis ng bansa kase nag utos na ako na ilagay sila sa watchlist ng Immigration." Ang paliwanag naman ni Gabriel.

"Pero anu ba dahilan bakit nila nagawa iyun? Nalaman ba nila plano ninyo tatlo kaya sila tumakas?" Ang tanong ni Seniora Pacifica sa tatlo.

Nang marinig naman ng tatlo ang tanong ng mama nila ay nagtinginan sila.

"Impossible, panu nila malalaman ang plano namin? Maingat naman kameng tatlo habang nag uusap. Kaya malayong iyun ang dahilan ng pagtakas nilang tatlo." Ang saad ni Gabriel.

"Anu din ang dahilan nila para tumakas. Alam natin lahat gaanu kamahal ni Trisha si Alec." Ang sabi naman ni Seniora.

"Ma, baka pinilit nina Laura at Caleb si Trisha na sumama." Ang iniisip naman ni Antonio.

"Hindi mo masisiguro yan. Alam natin na mahal na mahal ni Trisha si Alec kaya impossible ang sinasabi niyo. Magsusumbong si Trisha sa akin kung mangyayari yan." Ang pahayag ni Seniora.

"Ma, baka nabrainwash ng dalawa si Trisha kaya siya sumama sa kanilang dalawa. Siguro may plano na si Caleb sa atin kaya niya ginagawa eto." Ang paliwanang naman ni Antonio.

"Hindi natin masisigurado yan. Yung nakatakas na mga tauhan mo asan kailangan natin siya matanong." Ang saad naman ni Seniora.

Agad naman tinawag ni Gabriel ang dalawang tauhan nila na nakatakas.

Nung makarating naman ang tauhan nila sa harapan nila ay agad nila eto tinanong. Hindi naman itinago ng tauhan nila ang lahat ng naobserbahan niya nung macorner nila sina Caleb.

Nang marinig nila ang sagot ng tauhan nila ay nagulat sila. Nalaman kase nila, base sa sagot niya ay kusang sumama si Trisha sa kanila at nakita niya na niyayakap ni Trisha si Laura nun.

Dito na nagduda si Seniora sa Pacifica.

"Anu? Sabihin ninyo. Hindi alam ni Trisha ang plinaplano niyo?" Ang tanong ni Seniora.

"hindi niyabalam ang plano ninyo na gawin siya parausan ninyo? Pumayag ako sa plano ninyo pero sana nag ingat naman kau. Sana hindi nalang ako pumayag diyan." Ang dagdag pa niya.

"Ma, Panu niya malalaman iyun? Itinago naman natin." Ang ulit ni Antonio.

"Kung hindi nila alam. Bakit sila tumakas." Ang tanong niya ulit.

Shush Series (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon