tattoo 7

1.1K 3 0
                                    


May mga boses na naririnig si Vernon, kaya unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. May masakit na bahagi ang kanyang ulo at parang may nakalagay doon. Naaaninag niya na may tao sa harapan niya.

"Kuya Vernon, salamat naman at nagkamalay ka na. Huwag ka munang kumilos, ipapatawag ko lang ang doktor.", ang maluluhang sabi ni Diane. Lumingon siya kay Dencio na nagmamadaling nagaayos ng sarili.

"Dens, pakitawag naman si Doc. Gonzalez."

Maliban sa masakit na ulo, wala ng kakaibang nararamdan si Vernon. Sinalat niya ang pinagmumulan ng kirot, may benda siya sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo malapit sa tainga.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo, Detective? Hindi naman ba nanlalabo ang paningin mo? Swerte ka pa rin at hindi ka nagka internal hemorhage, medyo matindi rin ang pagkakapalo sayo."

"Masamang damo yan, doc , kaya mahaba ang buhay.", sabat ni Dencio.

"Luku-luko!"si Vernon.

…..
"Palagay nyo, sir may kinalaman kaya to sa kaso natin?", tanong ni Dencio pagkalabas ng doktor.

"Imposibleng pagnanakaw dahil kumpleto ang gamit nyo."

Iniisip ni Vernon kung ano ang posibleng motibo ng gumawa nito sa kanya nang mapahawak siya sa kanyang leeg.

Wala ang kwintas niya na bigay pa man din ng kanyang namayapang ina. Babanggitin sana niya iyon kay Dencio ng biglang bumukas ang pinto.

Paglingon nila ay naroon na si Julia.

"Vernon! Salamat naman at nagising kana. Alalang alala na ko sayo!", mangiyak-ngiyak nitong wika habang nakayakap sa kanya.

"Wala ito, konting galos lang, kasama sa trabaho." Natanaw niyang may isa pang pumasok sa kwarto. Si Bianca, may dala dala itong basket ng prutas at pagkain.

"Kumusta ka na, heto may dala kaming pagkain para gumaling ka kaagad.", bati nito sa kanya.

"Maganda na ang pakiramdan ko. Sabi nga ni doc, pwede na kong lumabas.", tugon niya kay Bianca.

Pinakiramdaman nya ang babae pero blangko ang ekspresyon nito. Misteryoso talaga ang dating sa kanya ng kaibigan ni Julia.

Matapos kumain ay kinausap uli siya ni Dencio.

"Sir, may naka usap akong mga dating ka eskwela ng mga biktima. Maloko raw talaga sa babae yung tatlo. Tapos yung isa, may kamag anak raw na mataas ang posisyon sa university. Sya nga pala sir, tumawag yung witness natin, si Jeff…."

"Sssshhh….", awat niya sa kapartner. Ayaw niyang pangalanan ang saksi nila sa harap ng ibang tao, kahit pa kay Julia.

Nilingon niya ang mga babaeng nagliligpit ng pinagkainan. Napansin niyang nagbawi agad ng tingin si Bianca at nag-aktong abala ng makitang nakatingin siya.

Maraming hinala ang nabubuo sa isip ni Vernon. Kailangan pa niyang laliman ang pag iimbistiga.

……..
Makalipas ang ilang araw ay balik na uli si Vernon sa pag-iimbestiga.

Ayaw pa nga sana niya dahil napakasarap ng kanyang pahinga. Si Julia kasi ang nag asikaso sa kanya mula ng lumabas siya ng hospital.

Tuluyang nahulog ang loob niya sa dalaga. Maalalahanin ito at maasikaso. Para na siyang asawa nito kung intindihin.

Napakaswerte niya kung si Julia ang mapapangasawa. Lahat ng katangiang gusto niya sa babae ay narito na, malaking bonus pa ang angking kagandahan at kasexy-han ng dalaga.

Wala mang pormal na sagutan na nangyari o palitan ng I love you's, sa puso nila ay alam nilang sila na.

Nag balik si Vernon sa unibersidad kung saan nag aral ang tatlong biktima. Nakipag-cooperate naman ang eskwelahan.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now